Chapter Six

650 48 15
                                    


Hannah

 After ng tagpong naganap sa kanila ni Kevin ng nakaraang araw walang minutong hindi iyon bumabalik sa kanyang isipan,hindi niya pero parang hinahanap hanap niya ang mga haplos nito at higit lalo ang mainit nitong halik. Never pa siyang nahawakan ng kahit sinong lalake and yes she had a boyfriend before but, they will not went to the stage that their kissing and touching like Kevin did and even she don't want to admit it ,she likes how it feels when Kevin kissed and touch her.

OMG Hannah! Stop it wag kang mahulog sa patibong ng Montillano na iyon. Sigaw niya sa kaniyang isip.

Pero kailangan niyang makaisip ng ibang paraan para makabayad ang siya sa mga pagkakautang ng kaniyang mga magulang para matapos na ang kabaliwan niya kakaisip sa lalake. Pabalikwas siyang bumangon sa kaniyang kama ,kailangan niyang makalanghap ng sariwang hangin upang makapag -isip  ng tamang gagawin. Tinungo niya ang kaniyang closet at kinuha ang kaniyang itim na jacket ,isinuot niya iyon at isinunod naman niyang suutin ay ang kaniyang kulay brown na boots. Nilisan niya ang kaniyang silid at tuloy-tuloy na pumanaog sa hagdan at natanaw niya ang kaniyang mga magulang na nag-uusap sa beranda.

Marahan niyang ihinakbang ang kaniyang mga paa patungo sa beranda upang pakinggan kung ano mang pinag-uusapan ng dalawa,pinilit niyang hindi makagawa ng kahit anong ingay upang hindi siya mapansin ng mga ito.

"Mahirap kalabanin si Kevin at kahit anong pakiusap ko sa kanya na bigyan niya tayo ng sapat na panahon upang makabayad sa pagkakautang natin ay naging matigas siya kahit pa nga nanlumuhod na ako sa kaniyang harapan.."wika ng kaniyang papa. Narinig naman niya ang pagsinghot ng kaniyang mama na halatang umuiiyak.

" Ayokong madamay ang anak natin dito,kilala ko ang lalaking katulad niya alam kung pagkatapos niyang pakinabangan ang ating anak ay itatapon niya ng parang basura at ayokong mangyari iyon kay Hannah.." wika ng kaniyang mama habang umiiyak.

Naikuyom niya ang kaniyang kamao kawawa naman ang kaniyang mga magulang. Nagtagis ang kaniyang bagang habang pinapatay sa isip si Kevin. Kailangan niyang makaisip ng paraan upang ayawan siya ng lalake at kalimutan ang napagkasunduan nito at ng kaniyang mga magulang.  Kuyom ang kamaong tumalikod siya at pinagpatuloy ang paglakad patungo sa front door at tuluyang lumabas ng kanilang bahay.

Tinungo niya ang kaniyang kotse at sumakay pagkabuhay ng makina ng kaniyang kotse agad  niya iyong pinaharurot palayo habang abala ang kaniyang utak upang umisip ng paraan upang kusang ayawan siya ni Kevin. Makalipas ang higit kumulang kalahating oras natagpuan niya ang sarili sa isang coffee shop,pinili niyang maupo sa pinakasulok na bahagi upang masydong tao at makapag-isip siya ng mabuti.

Habang abala ang kaniyang isip sa pagpaplano ng dapat gawin napatingin siya sa salaming pinto ng coffee shop na bumakas at pumasok ang ilang kalalakihan at namilog ang kaniyang mga mata ng isa sa mga lalaking iyon ay walang iba kundi si Kevin na malawak ang pagkakangiti habang nakikinig sa sinasabi ng isa sa mga lalaking kasama nito. Napakunot ang kaniyang noo ng tapunan ng tingin ang mga kasama nito hindi papatalo sa kagwapuhan.Napatitig siya sa lalaking nakasuot ng brown leather Jacket na sa hinuha niya at nasa 20's ang edad matangkad ito na halos umabot narin sa taas ni Kevin at hindi niya maitatanggi na napakagwapo rin ng lalake,umagaw naman ng kaniyang pansin ang lalaking naka black leather jacket na nahahawig sa naka brown leather Jacket na nakatali ang buhok seryoso ang gwapo nitong mukha na wala kang mababasang kahit anong emosyon na hindi sa tingin niya ay kaedad lamang ng naka-brown Jacket.

"Well what do you like guys.."wika ng isa sa mga ito na malawak ang pagkakangiti gwapo din ito na mayroong maaliwalas na mukha.

" Same as before Nicholas.."wika ng isang lalake na hinuha niyang teenager pa.Sa limang lalaking nakikita niya  ngayon halos walang di tulak kabigin sa mga ito pero  ng matuon ang mga mata niya kay Kevin bigla nalang umasim ang kaniyang mukha na agad nasuklam dito. Nakita niya ang pagbaling ng tingin ng ilang mga customer sa loob ng coffee shop sa mga ito lalo na ang ilang kababaihang naroroon. Umupo ang grupo sa bakanteng table na may panlimahang sila na tatlong lamesa ang agwat sa kinaroroonan niya. Hangang napadako ang tingin ng isa sa mga lalake sa kanya ,mabilis naman niyang inalis ang pagkakatingin sa mga ito.

Pero isang maitim na plano ang namumuo sa kaniyang isipan,kinuha niya ang kanyang cold coffee halos hindi pa niya nababawas at sumisim doon.Marahan niya muling nilingon ang mga ito na abala na sa pagkukwentuhan. Nakatutok ang kaniyang mga mata kay Kevin na kasalukuyang nagsasalita ,hindi na niya marinig kung ano man ang sinasabi nito hindi katulad kanina.

Nakita niya ng i-serve ang mga kapeng inorder ng mga ito hangang may isang dalagitang lumapit sa table ng mga ito na may hawak na notebook. Lumapit ang dalagita sa nakabrown na Jacket at inabot notebook at ballpen habang nagsasalita. Nakangiti naman iyong inabot ng lalake at sinulatan. Kita niya ang hindi matawarang saya at kilig sa mukha ang dalagita ng iabot ng nakabrown na lalake ang notebook at ballpen nito bago tumalikod at nag tungo sa grupo ng ilang teenager na halatang kinikilig. Napakunot ang kaniyang noo gusto niyang isipin na nag pa-autograph ang dalagita pero bakit?celibrity ba ang lalake? well wala siyang alam dahil matagal siyang sa ibang bansa namalagi pero yeah baka na artista ito.

Muling bumalik  ang tingin  niya kay Kevin na kampanteng nakaupo,umusbong kaagad  ang kaniyang pagkasuklam sa lalake kaya halos napahigpit ang pagkakahawak niya sa baso ng kaniyang kape at kaniya pa siya inuudyukan ng kaniyang isip na gawin ang kaniyang maitim na plano. Isang malalim na buntong hininga ang kaniyang pinakawalan bago tumayo dala ang kaniyang kape at naglakad palapit sa table ng mga ito deretsong tinungo ng kaniyang mga paa ang kinauupuan  ni Kevin.

" Kevin Montillano!'' malakas niyang wika.

Napatingin lahat sa kaniya ang lahat  ng taong naroroon kabilang na sina Kiven at mga kasama nito.

"Oh babe,I'm glad to see you here.." malawak ang ngiting wika ni Kevin.

Nakakalukong ngiti ang iginanti niya dito ng hustong makalapit dito itinaas niya ang kapeng hawak." I am glad to see you too.." nakangising wika niya bago ibinuhos sa ulo nito ang kaniyang kape.

Namilog ang mga mata ng mga lalakeng kasama nito maging ang ilang customer sa loob ng coffee shop ay napaawang ang bibig sa kaniyang ginawa.

Lalo siyang napangisi ng makitang basang basa ang ulo ni Kevin ng kape na dumaloy sa suot nitong White longsleves hindi ito makahuma galit ang mga mata  nitong nakatingin sa kanya. Malawak naman ang kaniyang pagkakangisi dito hangang may mga kislapang camera na ikinagulat niya napatingin siya sa isang lalaking nakasukbit ang kamera sa leeg at walang tigil na kinukuhanan sila ng lawaran  hangang maramdaman niya ang paghablot ng isang kamay sa kanyang braso ,nawalan siya ng balanse at bumagsak ang kaniyang mukha sa isang matigas na dibdib.

Iniangat niya ang kaniyang ulo at tumambad sa mga mata niya ang gwapong mukha ni Kevin na hindi maitago ang galit. Magsasalita pa sana siya pero mabilis nitong ikinulong ang kaniyang mukha sa malaki nitong mga kamay at pagkatapos ay siniil siya ng halik habang kumikislap ang camera.







N/A



Hello loves sobrang miss nyo itong story na ito in know kaya sorry sa matagal na hindi pag update......enjoy!!!!!!!

SOLD TO MR.BEASTLY [THE MONTILLANO SAGA BOOK5]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon