Chapter seven

844 51 12
                                    



She can't believe that this is happening right now, Para siyang naging statwa na hindi makakilos pero ramdam na ramdam niya ang mapangahas na labi ni Kevin na sumakop sa kanyang mga labi. Hangang patuloy ang pagkislap ng kamera ay patuloy rin ang pagsibasib nito sa kanyang nakaawang na mga labi na walang awa nitong sinibasib ng halik. Bumalik lamang siya sa katinuan ng bahagya nitong kagatin ang ibabang bahagi ng kaniyang mga labi. Gumalaw ang kaniyang mga kamay na ubod lakas itong itinulak kasabay ng isang malakas na sampal na dumapo sa kanan  nitong pisngi.

" Manyak...!mangiyak-ngiyak niyang bulalas bago walang lingon-likod na lumabas ng coffee shop.

Nagpupuyos ang dibdib na sumakay siya sa kanyang kotse at pinaharurot iyon palayo. Nang makapasok ang kaniyang kotse sa loob ng kanilang bakuran pinatay niya ang makina at nagmamadaling lumabas ng sasakyan ,halos takbuhin na niya ang papasok sa loob ng kanilang bahay habang dumadaloy ang kaniyang luha,nakasalubong niya ang kaniyang mama pero hindi  niya ito pinansin at tuloy -tuloy siyang umakyat sa kanyang silid.

Pabagsak siyang dumaba sa kanyang kama kasabay ng pagbayo sa kanyang unan." Fuck you Kevin!! napakamanyak mo!!!! wika niya na hindi maitago ang galit. Sobra siyang napahiya sa ginawa nitong paghalik sa kanya sa harap ng maraming tao at sigurado siyang bukas na bukas din ay kakalat ang kaniyang mukha sa tabloid.

" It's your fault Hannah kung hindi mo sana sya tinapunan ng kape hindi ka sana nahalikan so admite it or not you are the one who put yourself in that situation."wika ng munting tinig sa kanyang isip,but of course hindi niya aaminin iyon sa kanyang sarili. Matapos ang ilang minutong pag sesemyento bumangon siya at naupo sa ibabaw ng kaniyang kama pinaglapat niya ang kaniyang dalawang binti niyakap iyon habang nakapatong ang kaniyang baba sa kaniyang dalawang tuhod.

 Gusto na niyang bumalik ng ibang bansa dahil mas tahimik doon ang kaniyang buhay pero hindi naman niya kayang iwanan sa ganitong sitwasyon ang kaniyang mga magulang. Isang malalim na buntong hininga ang kaniyang pinakawalan. Pumasok sa isip niya ang kundisyong hinihingi ni Kevin upang patahimikin na nito ang buhay nila at hindi na guluhin pa pero hindi nya kayang ibigay ang gusto nito. Of course never niyang gustong ipagkaloob ang kaniyang sarili sa taong hindi niya mahal. Matagal na panahon niyang iningatan ang kaniyang pagkakababae dahil gusto niyang ipagkaloob ang sarili ng buong-buo sa lalaking kaniyang pakakasalan.

Pabagsak muli siyang nahiga sa kama kailangan  niyang makaisip ng mas magandang paraan upang matulungan ang kaniyang mga magulang.


Kinabukasan katulad nga ng kaniyang inaasahan pag-bukas pa lamang  niya ng kaniyang social media account tumambad ang eksina nila ni Kevin a coffee shop maging ang pagsampal niya dito ay kuhang-kuha sa larawan.Bumaba ang kaniyang tingin sa caption ng lawaran.

EVEYBODY KNOWS THAT KEVIN MONTILLANO IS ONE OF A HOT BACHELOR IN THIS GENERATION AND A TYPICAL PLAYBOY  AND NO WOMEN CAN IGNORE HIS CHARM BUT,WHO'S THIS GIRL?SHE SHOULD BE PROUD BECAUSE SHE HAD A PRIVILEGED TO KISSED KEVIN MONTILLANO AND A LOT WOMEN GOT JELLY TO HER BUT INSTEAD OF BEING PROUD SHE SLAPPED KEVIN FACE IN FRONT OF  MANY PEOPLE AND IT'S REALLY ASHAMEDIN KEVIN'S PART. WELL LET SEE WHAT'S GONNA HAPPEN NEXT, IT SEEMS LIKE  KEVIN MONTILLANO FOUND HIS " KATAPAT'' A BRAVE GIRL WITH BEAUTIFUL FACE.

Isang ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi wala pala dapat siyang ikahimutok dahil mukhang sya ang panalo sa tagpo nila ni Kevin ng nagdaang araw.Masaya niyang isinara ang kaniyang laptop pagkatpos ay nagtungo sa kaniyang bathroom naghilamos siya at nag toothbrush at ng masigurong ayos na ang kaniyang sarili lumabas na siya at pumanaog sa hagdan pero hindi pa siya nakakailang hakbang ng marining niya ng kumosyon sa labas ng kanilang bahay ang pag-iyak ng kaniyang mama. Dali-dali siyang pumanaog ng hagdan at lumabas ng bahay at halos mamilog ang kaniyang mga mata sa nadatnang eksena. Ang kaniyang papa nakaposas habang hawak ng dalawang pulis na pilit isinasakay sa kotse.

SOLD TO MR.BEASTLY [THE MONTILLANO SAGA BOOK5]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon