Chapter four

6.3K 345 108
                                    

Hannah

Naramdaman niya ang pagtataas ng maliit na balahibo niya sa katawan sa tinurang iyon ni Kevin idagdag pa ang hininga nitong dumadampi sa kanyang may puno ng tenga.

Biglang nabuhay ang mga paro-paro sa loob ng kaniyang sikmura at nagsimulang magliparan,isabay pa ang malakas na tibok ng kanyang puso.

Hannah wag kang mag-paapekto sa lalaking yan,baliw ang lalaking ito hannah.

Isang marahas na buntong hininga ang pinawalan niya bago mabilis na lumayo dito.Kasabay ng isang nakakalukong ngising gumuhit sa labi niya.

"Ano ako bali?sinong papayag sa gusto mo mr.Montillano?"sarkastikong wika niya.

"Wala kang choice..."nakangising wika nito na pinagkrus ang dalawang bisig sa tapat ng dibdib nito.

Umaakyat nanaman ang dugo niya sa kanyang ulo sa sinabi nito.Saksakan na ba talaga ito ng kamanyakan at pati ang ganung bagay hinihingi nito.

"Mr.Montillano,ganyan kana ba ka desperado para maikama ako?wala na bang babaeng pumapatol sayo kaya desperado kang hingin ang katawan ko?"

Gumuhit ang isang kaakit -akit na ngiti sa labi nito.Na nagpalambot sa kanyang tuhod,God kung hindi lang niya kilala si Kevin baka nagkagusto na siya dito.

"Pasalamat ka pa nga dahil napili kita,samantalang yung ibang babae diyan kulang nalang mag hubad sa harap ko para ma'ikama  ko lang.."

Naningkit ang kanyang mga mata sa sinabi nito.Ang taas din naman talaga ng tingin nito sa sarili.

"Hoy!lalaking kakambal ang kayabangan at taas ng apog!ibahin mo ako sa mga babaeng nagkakandarapa sayo!dahil never akong magkakagusto sa manyak na katulad mo!"nanggagalaiting wika niya.

"Ah-ah... wag kang mag salita ng tapos baka kainin mong lahat yang sinabi mo.."nakangiti paring wika nito na parang hindi naapektuhan sa sinabi niya.

"Ang dami mong sinasabi,katulad ng sinabi ko sayo..wag mong gipitin ang pamilya ko,bigyan mo pa kami ng panahon para mabayaran lahat ng pagkakautang ng pamilya ko sayo..!"

"Wag mo akong sigawan,wala pang babaeng pinagtaasan ako ng boses,hindi mo ako kilala miss.Luis...At para sa kaalaman mo lahat ng gusto ko nakukuha ko sa isang pitik lang.."

Sarkastiko naman siyang ngumisi."At para rin sa kaalaman mo Mr.Montillano kahit makasampung pitik kapa hindi mo ako makukuha at mapapapayag diyan sa kabaliwan mo..!"

Mataman naman siya nitong tinitigan na pakiramdam niya ay tumatagos nasa kaibuturan ng kanyang kaluluwa, hindi tuloy niya mapigilang mapalunok sa mabilis na pagtibok ng kanyang puso.

Inalis nito ang pagkakahalukipkip saka mulimg humakbang palapit sa kanya habang ang mga mata nito'y di inaalis ang pagkakatitig sa kanya.

Agad naman siyang nag-panic,sa pakiwari niya ay may binabalak ito sa kanya.Agad nag lumikot ang kanyang mga mata upang maghanap ng pwedeng magamit para ipagtanggol ang kanyang sarili kung sakaling may gawin ito sa kanya.

Pero sa kamalas-malasan walang nahagip ang kanyang nga mata.Inihakbang niya paatras ang kaniyang mga paa,habang patuloy naman ito sa paglapit sa kanya.At lalo pa siyang nag panic ng tumaas ang isa nitong kamay at niluwagan ang pagkakatali ng necktie nito.

Balak pa yata siyang pagsamantalahan ng manyak na lalaking ito.

"Hanggang diyan kanalang!subukan mong lumapit masasaktan ang ano mo!"galit na sigaw nito.

Pero parang wala itong narinig patuloy parin ito sa paglapit sa kanya.At sa mga sandaling ito patuloy na lumalakas ang tibok ng kanyang puso.Gusto niya tuloy batukan ang kaniyang sarili dahil basta-basta nalang siyang sumugod sa opisina ng lalake.

Patuloy parin siya sa pag-atras habang patuloy naman ito sa paglapit sa kanya.Hanggang sa masukol na ang likod niya sa malaking salaming bintana ng opisina nito.

Wala na siyang maatrasan sukol na siya kita niya ang pagtaas ng gilid ng labi ni Kevin habang nasa mga mata nito ang matinding pagnanasa.

"Sabi ng hanggang diyan ka nalang!kung hindi sisigaw ako!"

"Do it,kung may makakarinig sau..."nakangising wika nito na tuluyan ng inalis ang pagkakatali ng necktie.

"A-anong binabalak mong gawin?"tanong niya na dina maitago ang takot sa kanyang tinig.

"Hmm,hindi kita makuha sa santong dasalan,kukunin nalang kita sa santong paspasan Hannah..."nakangising wika nito.

"Hindi ako papayag!wag ka sabing lalapit...subukan mong lumapit sinisigurado ko sayong mababasag ang itinatago mo!"banta niya.

"Really?I'm scared..."patuyang wika nito na umarteng natatakot.

Naglumikot ang kanyang mga mata kailangan niyang makalabas ng opisina nito dahil kung hindi baka tuluyan siyang mapahamak sa kamay ng manyakis na lalaking ito.

Akma na sana niyang tatakbuhin ang may pintuan ng mahagip ni Kevin ang kanyang bewang.Isang tili naman ang kumawala sa kanyang lalamunan,lalo na bigla siya nitong buhatin at isampay sa balikat nito na para lang siyang isang unan.

"Ibaba mo ako hayop ka!"sigaw niya habang binabayo ang likod nito.

Pero parang walang ano man dito ang mga suntok niya.

"Kilangan kitang bigyan ng leksyon,na ang katulad ko hindi basta-basta tinatanggihan Hannah..."Wika nito sabay palo sa puwetan niya.

Muli naman siyang napatili sa ginawa nito.Kaya naman kahit nanakit na ang kanyang kamao sa kakasuntok sa likod nito hindi siya tumitigil.

Naglakad si Kevin sa derekyson di niya alam kung saan patungo habang pasan parin siya nito.Maya-maya pa'y inihagis siya ni Kevin  na ang buong akala niya ay sa sahig siya babagsak pero hindi pala,dahil sa malambot na kama bumagsak ang kaniyang katawan.

Nahihintakutang iginala niya ang paningin sa silid na kinaroroonan na hindi na niya napagtuunan pa nang pansin na pagmasdam,dahil muli niyang ibinalik ang tingin kay Kevin na nagsisimula ng hubarin ang suot na long sleeve,isa-isa nitong tinatanggal ang pagkakabotones ng long sleeve nito,habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.

"Hindi ko hahayaang mag tagumpay ka sa binabalak mo!"sigaw niya na akmang lilisanin ang kama ng bigla siyang daganan ni Kevin na muli nanaman niyang ikinatili.

Pilit niyang pinagbabayo ang dibdib nito pero maagap nitong nahawakan ang dalawa niyang kamay,bago nito iyon dinala sa itaas ng kanyang ulo at hinawakan ng mahigpit nang isa nitong kamay.

"Like I told you Hannah...mapapasakin ka sa ayaw at sa gusto mo..."diterminadong wika nito.

"No...please....don't do this..."aniya sa tonong sumusuko na dahil sa pagkakataong ito alam niyang wala na siyang magagawa kundi makiusap dito.

"I want you Hannah,from the momment I saw you...i want to kiss you,feel you take you right now and then..."paos ang tinig na wika nito bago dumako ang mga mata nito sa nakaawang niyang bibig.

"No--."huling  salitang kumawala sa lalamunan niya bago nito mabilis na sinakop ang kanyang labi.




A/N

Sorry po sa matagal na paghihintay...sana nagustuhan nyo....:)







SOLD TO MR.BEASTLY [THE MONTILLANO SAGA BOOK5]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon