chapter 1

14 2 0
                                    

Treiver Pov

Math class favourite subject ko pero nakakatamad kasi wala si sir kaya wala kaming gagawin ngayon kundi magsulat ng lecture namin para bukas. Halos tahimik lahat kami kaya medyo nakakaantok kaya nilibang libang ko ang sarili ko sa paggawa ng sarili kong paraan para maintindihan ang lessons namin para bukas. Tumingala ako sa kisame medyo nangangalay na ang batok ko kaya inirorotate ko ang ulo ko. Hindi ko sinasadyang mapabaling ang tingin ko sa kaklase ko na si Hailheurt hindi ko man lang kasi nakikitang ngumiti o magalit o kaya naman ay mainis basta walang karea-reaksyon ang mukha nya lalo na ang mga mata nya parang walang kabuhay buhay. Yumuko sya sa lamesa nya siguro ay matutulog napasimangot ako kasi kababaeng tao eh tamad magsulat. Pagtingin ko sa harapan ay iba na ang sinusulat nilang equations. Fvck napatagal ata ang tingin ko kay Hailheurt.

"Hey pang ilang slides na yan ng kinokopyang equations?" Tanong ko sa kaklase ko.

"Pang lima na Treiver." Sagot nito the fvck pang lima na agad? Hays tinamad na tuloy ako magsulat. Lumipas ang oras at  nagturo na ang history teacher namin pero tulog padin si Hailheurt hanggang sa matapos na ang klase ay tulog pa din ito. Nag dismissed na ng klase pero walang gumigising sa kanya. Hays umalis nalang ako ng room at nagantay na nang masasakyan ko pauwi di ko kasi magamit yung motor ko dahil ikinadena ni dad. Wala pang isang minuto ay nakasakay na ako paalis na ang taxi pero may sasakay pa sanang isang studyante pero sabi ko ay wag na magpasakay at gusto ko ay ako lang ang uukupa ng taxi na ito nagkaroon ng konting pagtatalo pero naayos din at ako pa din ang nanalo hanggang sa aalis na ang taxi ng parahin ito ni Hailheurt lalagpas sana ang taxi ngunit sabi ko ay pasakayin na niya kaya tumigil ito. Sumakay si Hailheurt kakaiba ang pabango nya hindi pambabae at hindi din panglalake unique basta. Nakatingin lang ako sa kanya sinabi nya kung san sya bababa hays yung boses nya talaga ang lamig. Naka side view sya kasi nakatingin sya sa bintana nakita ko na may sumilay na lungkot sa mata nya pero agad ding nawala. Kaya naisip ko na magpakilala.

"Hailheurt tama ba? Ako nga pala si Treiver Ravena Classmate mo ko." Nahihiya ko pang sabi habang nakikipagkamay ako sa kanya. Tiningnan nya ako ng deretsyo sa mata at ibinaba ang tingin sa kamay kong nakaabang kung makikipagkamay ba sya. Tiningnan nya uli ako sa mga mata at sinabi ng walang kabuhay buhay ang  salitang "Alam ko." At saktong tumigil ang taxi kaya nagbayad na sya at bumaba habang ako naman ay naiwang tulala padin.

Hailheurt Pov

Pagkababa ko sa taxi ay dere-deretsyo lang ako papasok sa bahay. Umakyat ako sa kwarto ko at nagbihis para maglinis ng bahay. Naka short at sando lang ako wala kaming katulong kasi hindi naman kami mayaman hindi din naman kami mahirap pero hindi ako ayos sa pamilya ko malayo ang loob ko sa kanila. Hindi ako humihingi ng pera para sa tuition ko. Ako mismo ang nagpapaaral sa sarili ko at syempre meron akong mga kapatid pero kapatid sa labas. Nakakatawa kasi ako naman yung tunay yung legal talaga pero parang ang kinalabasan ako ang sampid. Mataas expectation nila sakin pero hindi naman umaattend ng mga meetings sa school at yung card ko nga mag 3rd quarter na wala pang pumipirma. Nang makatapos ako sa gawing bahay umakyat na ako at nagpahinga gagawa pa ako ng mga assignments ko medyo madilim na din ng natapos ako ng biglang sumigaw si mama sa baba.

"Hail!!! Ikaw talaga wala kang kwenta bumaba ka dito bilisan mo!!!" Halos maputol na ugat nya sa leeg dahil sa gigil sakin.

"Bakit ma?" Walang emosyong tanong ko.

"Napaka tamad mo talaga tingnan mo hindi ka pa nag sasaing wala pang luto na ulam!!! yung dalawa mong kapatid hindi pa kumakain!!!!" Sigaw nya kinuha nya yung kaldero at ibinato nya sakin natamaan naman ako sa gilid ng ulo ko. Masakit yung ulo ko dahil sa pagkakabato ni mama pero nakatingin lang ako ng deretsyo sa kanya.

"Magsaing at magluto kana!!! Bilisan mo wag kang tatamad tamad!!! Gutom na ang tao dito habang ikaw nakalugmok ka sa kwarto mo!!!" Sigaw na naman nya at bago sya umalis sa kusina ay itinulak nya ako sa dingding ramdam ko naman ang sakit ng likod ko dahil matigas ang napatama sa likod ko pero ni ngumiwi ay hindi ko nagawa. Masakit sa katawan pero wala ng mas sasakit pa na tratuhin  ka ng sarili mong nanay ng ganon. Pinulot ko yung kalderong binato sakin ni mama naramdaman ko na may tumutulo pababa sa pisngi ko galing sa ulo ko pag hipo ko ay dugo iyon. Napatitig ako ng matagal doon. Sumigaw na naman si mama ng dahil sa hindi pa ako nakakakilos.

"Ano ba yan Hail!!! Ang bagal mo!!! Wala ka talagang kwentang bata ka bilisan mo dyan!!!" Sigaw nya sakin.

"Sige ma." Wala paring mababakas na kahit anong emosyon sa sagot ko. Dalidali na akong nagsaing at nagluto ng ulam nila. Pagkatapos kong gawin yun ay umakyat ako sa taas upang maglinis ng katawan at gamutin na din ang sugat ko sa ulo. Pagkatapos ko ay binuksan ko ang bintana ng kwarto ko. Madilim sa kwarto ko kasi hindi ko binubuksan ang ilaw kaya pumapasok naman ang liwanag na galing sa buwan habang tinatangay naman ng hangin ang buhok ko.

"Papa asan kana ba? Sabi mo babalikan mo ako? Miss na miss na kita Pa." Sabi ko sa kawalan. Tuloy parin ang hangin sa pagtangay sa buhok ko.
"Pa, Iintayin kita ha bumalik kana please baka di ko na matagalan dito kayna mama." Wala parin sa sariling sabi ko pero nakalusot padin ang pagpatak ng mga luha ko sa mata ko nakatingin lang ako sa kawalan. Maya maya pa ay heto na naman ang sigaw ni mama paniguradong paglilinisin ako ng pinagkainan kaya agad na akong bumaba. Nang matapos ko na ang linisin ko ay agad narin akong umakyat sa taas para magpahinga ng marinig ko na kinakantahan ni mama ng pangpatulog ang mga kapatid ko. Nakaawang ang pinto kaya sinilip ko ito.

"Nais kong maulit ang awit ni inang mahal....." kanta ni mama habang hinahaplos ang buhok ng mga kapatid ko. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng sakit yung sakit na parang ang bigat ng dinadala mo. Umalis na ako bago pa pumatak ang mga luha ko. Lagi kong tinatanong na kasalanan ko ba kung bakit iba ang turing sakin ni mama kung bakit pakiramdam ko ay hindi nya ko anak na ibang iba ang pakikitungo nya pagdating sa mga kapatid ko. Kumuha ako ng papel at ballpen dahil susulatan ko na si papa yun lang ang nagiging paraan ko para mabawasan yung sakit na nararamdaman ko. Nang matapos ako ay inilalagay ko iyon sa kahon na pinaglalagyan ko ng mga sulat halos mapuno na yun pero ni isang sulat wala pang nababasa dito si papa. Nahiga na ako dahil maaga pa akong gigising bukas.

Treiver Pov

Nakauwi na ako at di parin makapaniwala na ganon ang trato nya sakin. Napahiya tuloy ako dun sa driver ng taxi. Ako na nga itong nagmamagandang loob na magpakilala. Pasalamat nga sya at di ko sya binubully eh. Nako pag talaga napuno ako sa babaeng yun malalagyan ng emosyon yung pagmumukha nya.

"Trei anak bibisita pala ang lolo mo sa school kakamustahin nya ang pamamalakad doon." Sabi ni mom habang nakangiti.

"What!? Pupunta si lolo? Mom diba busy si lolo sa America bakit po uuwi si lolo?" May pagaalalang sabi ko.

"Bakit nagaalala ka ba na mabisto ng lolo mo ang mga kalokohan mo sa school? Pinagsabihan na kita na ayusin mo yang pagaaral mo." Seryosong sabi ni dad. Medyo hindi lang naman doon kung bakit ayaw kong umuwi si lolo kakamustahin na naman kasi nya ang mga pinagkakaabalahan ko at syempre yung sa gusto nyang course na kunin ko. Haysss wala na kong nagawa kundi mapabuntong hininga. Umakyat ako sa kwarto upang gawin ang mga assignments ko at wala pang kalahating oras ay tapos ko na ang mga ito. Bumaba ako dahil hindi ako makatulog nagtimpla muna ako ng gatas at pagkatapos kong inumin yun ay nahiga na ako sa kama ko. Tas heto ako nagsasalita na naman magisa. "Kelan ko ba magagawa ang mga gusto ko? Yung walang nagdidikta at komokontrol ng buhay ko." Sabi ko sa hangin hanggang sa lamunin na ako ng antok.

viemin-min❤

My First And Last: One Step Away Where stories live. Discover now