Hailheurt Pov
Sunday ngayon ako lang magisa sa bahay kasi nagsisimba sila. Sila lang kasi one big happy family sila. Tapos ako naiwan sa bahay pero susunduin ako ni Evren mamaya. Naligo ako at nagsuot ng simpleng loose white T shirt, black track pants and white sneakers. Pagkatapos ko magbihis bumaba ako at kumuha ng tubig para uminom. Maya maya pa ay may bumusina na sa labas. Lumabas ako at nag derederetsyo sa loob ng kotse nya.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong nya at nagmaneho na.
"Better." Sabi ko
"Hindi ko alam na matched pala ang suot natin hahahaha." Pagtawa nito. Ngayon ko lang napansin na naka black loose t- shirt sya at naka white casual classic short with black sneakers. Pagkatingin ko ay dumeretsyo na ako ng tingin sa kalsada.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko
"Mall?" Patanong na sagot nito. Hindi na ako umimik at tumingin nalang sa labas ng bintana. Nang makarating nga kami sa mall ay una nya akong dinala sa isang store at nakahilera doon ang mga cellphone.
"Goodmorning Ma'am and Sir." Nakangiting bati samin ng staff. Ngumiti naman si Evren at parang mahihimatay na sa kilig yung staff. Tumingin sakin yung babae pero binigyan ko lang sya ng malamig na tingin.
"Ahm Hail pili kana ng cellphone." Sabi nito sakin ng nakangiti.
"Wala akong pera." Derekta kong sabi sa kanya.
"Eh ako naman ang magbabayad." Napapakamot sa ulo nitong sabi.
"Wala akong pangbayad sayo." Sabi ko sa kanya. Inilabas nya ang cellphone nya at ipinakita sa staff.
"Miss gusto ko katulad ng akin ang cellphone nya ok." Naguutos na sabi nito.
"Yes sir. Ito po sir gusto nyo po bang lagyan ng case yung cellphone nyo?" Tanong ng staff.
"That's great! May mga customize case ba kayo like galaxies?" Tanong nito na pa dungaw tuloy ako sa mga case.
"Yes sir, ito po yung last two cellphone case na nandito. Kaya po sakto at sainyo mapupunta. Ito na po." Inabot sa amin yung cellphone na may case na at agad na nagningning ang mga mata ko. Nang mapansin ko na nakatingin sakin si Evren ay nagsalita na ako.
"Bayaran mo na yan gutom na ako." Malamig kong sabi.
"Sige, saan mo ba gusto kumain?" Tanong nya sakin habang binabayaran ang binili nya.
"Kahit saan." Maiksi kong tugon.
"Ano bang gusto mong kainin?" Tanong nya uli.
"Kahit ano." Sagot ko.
"Hays halika na nga kumain na tayo." Sabi nya at hinawakan nya ang kamay ko habang nagmamadaling maglakad. Pinagtitinginan na kami ng tao dito sa loob kaya ako naka poker face lang.
"Pede bang bitawan mo ang kamay ko." Sabi ko dito at binigyan sya ng blangkong tingin.
"Ah hahaha ikaw naman hahahahha" tawa nito. Siraulo ba to? Kumunot ang noo ko. Iniwan ko na sya at lumabas na ng mall. Naramdaman ko na nakasunod sya kaya nagpatuloy lang akong lumabas. Nagpunta akong parking lot ng may mga lalaki na nakaharang sa daan at purong nakaitim ang mga ito.
"Pede bang umalis kayo sa daan?" Malamig na sabi ko. Pero hinigit lang ako nito at ikinulong ang leeg ko sa braso nya.
Blangko lang ang itsura ko habang si Evren ay nag aalala ang tingin sakin."Oy Evren hindi ko inaasahan na may kasama ka pala huh..." sabi nito na nagiigting ang panga habang hinigpitan naman nito ang paghigpit ng braso nya sa leeg ko. Nanatili lang akong kalmado.
YOU ARE READING
My First And Last: One Step Away
Cerita PendekHer emotionless eyes and her expressionless face are the way to be strong more than the way she looks before. She's tired for pleasing people to stayed by her side. She's tired for her own life because it's always repeating the way people left her b...