Hailheurt Pov
Papalapit na ako sa may coffee shop at nang makapasok ako isa na kaagad na pamilyar na tao ang sumalubong sakin.
"Evren?" Blangko kong tanong. At nakatitig lang ako sa mga mata nya.
"The one and only." Nakangisi nitong sabi. "Wala ka bang kasama?" Tumingin pa ito sa likod ko at saka tumingin ulit sa akin "I think I need to accompany you." Nakangiti na nitong sabi sakin. Nilagpasan ko sya at umupo sa isang sulok. "Hey kausapin mo naman ako. Naging pipi kana ba? Bakit ang laki naman ata ng pinagbago mo. Look at yourself. You lost weight. Maybe you always work out at the gym. Hey Hailheurt." Walang tigil na kakadada nitong nasa harapan ko.
"Daldal mo." Maiksing sabi ko.
"Ano bang nangyare sayo Hail?" Malungkot na sabi nito.
"Wala" itinuloy ko na ang pagbabasa ko.
"Nagpunta kalang ba talaga dito para mag basa ng libro? Hindi kaba oorder man lang." Nakasimangot na tanong nito.
"Nagtitipid ako." Inilipat ko na ang page ng binabasa ko.
"Nako, Hail ano bang gusto mo. Ako ang oorder." Sabi nito habang inaagaw ang librong binabasa ko.
"Sabi na ngang nagtitipid ako eh. Akin na nga yang libro ko. Pag nasira yan wag na wag ka nang magpapakita sakin." Sabi ko ng wala paring reaksyon pero mahihimigan mo ang pagbabanta.
"Bibitawan ko na nga eh. Sino bang may sabing ikaw ang magbabayad. Treat ko pili kana kahit ano." Naka pout nitong sabi.
"Di bagay sayo. Alam mo na naman ang pipiliin ko nagtatanong ka pa sige na umorder kana." Sabi ko sa kanya at ipinagpatuloy na uli ang binabasa ko. Napakamot nalang sya ng ulo habang papunta sa gawi ng counter. Ilang minuto ang nakalipas at naandito na ang order dalawang Espresso at two slice of double chocolate cake.
"Alam mo bang hinahanap kita kasi kailangan kana uli sa grupo." Seryoso nitong sabi.
"Ayoko tumigil na ako sa gawaing ganan." Sabi ko habang kumakain ng double chocolate cake.
"Pero sige hindi naman kita mapipilit. Teka san ka naman kumukuha ng pang tuition fee mo mamahalin pa yang school na pinasukan mo." Normal na pakikipagusap nito sakin.
"Sapat na ang naipon kong pera nung sumali ako sa grupo nyo." Plain kong sabi.
"Ganon ba? Ok tawagan mo nalang ako kapag may kailangan ka." Tumayo ito at iniwan ang isang card sa lamesa.
"Sige." Maiksi kong sabi at tinanaw sya papalayo. Ibinulsa ko ang card. "Tsss... wala naman akong cellphone." Ibinulong ko nalang sa aking sarili. Nanatili pa ako ng isang oras doon para magbasa at pagkatapos ng isang oras ay tiningnan ko ang orasan. Paniguradong bukas na yun papunta ako ngayon sa pinapasukan kong Water Refilling Station taga audit ako ng mga nalalabas na pera at pumapasok na pera sa station. Isa ito sa mga part time job ko para matustusan ang pagaaral ko sa napakamahal na eskwelahan na yun. Lumipas ang kalahating oras at nakadating na ako sa pinagtatrabahuhan ko at agad na nagpalit ng damit ng Water Refilling Station.
Treiver Pov
Halos libutin ko na ang kabuuan ng campus pero hindi ko sya makita. Saan ba nagpunta yun kailangan nyang pagbayaran ang ginawa nya. Pusangina talaga napapagod na ako. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at tinawagan si Arc.
"Napatawag ka?"sagot sa kabilang linya.
"Sunduin mo ko sa gate ng school." Pag kasabi ko nun ay ibinaba ko na ang tawag. Wala pang kalahating oras ay nandito na siya.
"Asan ang motor mo?" Bungad na tanong nya sakin.
"Butas ang gulong." Sabi ko sa kanya at dali daling pumasok sa sasakyan. Kaya pumasok na din sya sa loob at nagmaneho.
YOU ARE READING
My First And Last: One Step Away
Historia CortaHer emotionless eyes and her expressionless face are the way to be strong more than the way she looks before. She's tired for pleasing people to stayed by her side. She's tired for her own life because it's always repeating the way people left her b...