Hailheurt Pov
Maaga ako laging nagigising dahil body clock ko na yun. 4 am bumaba ako para magluto ng umagahan pagkatapos ko gawin yun ay umakyat na ako sa taas para maligo. Nakabihis na ako ng uniform ko bumaba na rin ako para kumain pagkatapos ko ay inabangan ko na ang school bus ng dalawa kong kapatid. Nagaantay ako ng sasakyan ng biglang may motorsiklong dumaan sakto namang may putik doon. Tumalsik sa akin iyong putik.
"Anak ng....tsssss..." sabi ko at mahihimigan mo ang inis pero blangko pa din ang itsura ko. Nakita ko pang tumigil yung nakamotor sa akin ngunit ng lingunin ko ay mabilis nyang pina andar yung motor. Bumalik ako sa bahay para maligo uli at magpalit ng uniform medyo maaga pa kaya alam kong hindi ako mahuhuli sa klase. Nakalipas ang isang oras ay kararating ko lang sa school at malayo palang tanaw na tanaw ko na ang motor na nakadisgrasya ng uniform ko. Medyo nainis ako kaya naisipan kong gumanti pasimple akong lumapit sa motor at kinuha ang swiss knife ko sa ilalim ng sapatos ko at swabeng binutas ang gulong ng motor na ito. Dali dali akong unalis doon at nagderetsyo na sa room. Pagdating ko sa room ay maingay ang mga kaklase ko at may pinaguusapan sila na recitation sa History.
"Shocks kinakabahan ako baka mamaya ako pa ang unang tawagin nun para mag recite hays mababaliw ako" halata sa boses niya na kabado siya at iiling iling pa habang sinasampal ang sarili. Napatingin sya sakin ng mamalayan nyang nakatingin ako sa kanya ibinalik ko naman ang tingin ko sa unahan.
"A-hh Hailheurt hindi ka ba kinakabahan? Mag paparecite ngayon si sir." Nagaalala nyang sabi. Nilingon ko sya.
"Bat ako kakabahan?" Balik tanong ko sa kanya at gaya parin dati walang kabuhay buhay iyong pagkakasabi ko.
"Eh hehehehe" nahihiya nyang sabi. Maya maya pa ay dumating na nga ang teacher namin. May dala syang dalawang papel.
"Okay everyone tumayo ang gustong mag volunteer sa inyo." Sabi ni sir. Walang tumayo kaya agad na naman syang sumigaw. Ganyang ganyan yan lagi wala ng ginawa kundi sumigaw kaya napapanot ang buhok eh. Lahat ng kaklase ko ay nakayuko ako lang ang walang pakealam na nakatingin sa unahan.
"You!" Turo nya sakin tumingin ako sa kanya ng blangko ang tingin. "Alam mo ba ang gagawin ngayon? Palibhasa tulog nalang ng tulog walang kwenta umuwi ka nalang dahil zero ka sa activity ngayon!" Galit nyang sigaw sakin.
"Nagbabayad ako para matuto wala kang karapatang palabasin ako ano nalang matututunan ko kung papalabasin mo ako hindi na worth it ang binabayad ko." Mas malamig pa sa yelo na pagkakasabi ko.
"Anong gusto mong palabasin? Ok anyway mayabang ka nalang din naman galing galingan mo na ikaw ang sasagot ng question na dala ko. Wait lagyan natin ng twist kapag nasagot mo ang lahat ng itatanong ko sayo lahat kayo dito sa room ay perfect sa activity kapag hindi mo nasagot pasensya na pero lahat ka zero sa activity total tinulugan mo ang subject ko kahapon kaya ito ang punishment mo. Sagutin mo lahat ng tama ang questions kung hindi ay damay pati ang mga kaklase mo." Ngising ngisi ang panot na teacher na to. Ang iba ko namang kaklase ay nagbubulungan.
"Para namang hindi tama yan sir" sigaw ng katabi ko habang kinakabahan.
"Anong gusto mo ikaw ang gumawa ng pinagagawa ko sa kanya?" Sigaw naman nya sa katabi ko. Napahiya naman ito kaya yumuko nalang.
"Kailan ipinanganak si Andress Bonifacio,Emilio Jacinto, Emilio Aguinaldo, Antonio Luna at Apolinario Mabini?" Nakatingin sakin yung teacher habang nagtatanong. Ang iba naman sa mga kaklase ko ay napasinghap. "Kailangan month,date,and year." Pahabol nitong sabi. Nakatingin lang ako ng blangko sa teacher namin habang iniisip ang sagot. "Ano hindi ka makasagot isa ka din naman palang bobo." Sabi nito sakin. Naginit ang ulo ko kaya yumuko ako. "Okay class lahat kayo zero sa activity ngayon 60% to ng grades nyo. "You may sit down Ms. Armstrong." Sabi nya ng may ngisi. Bago pa ako umupo ay sumagot ako.
" Si Andrés Bonifacio y de Castro ay ipinanganak noong November 30, 1863, Si
Emilio Jacinto y Dizon ay December 15, 1875, Si Emilio Aguinaldo y Famy ay March 22, 1869, Si Antonio Narciso Luna de San Pedro y Novicio Ancheta ay October 29, 1866, At si Apolinario Mabini y Maranan ay July 23, 1864." Blangko paring pagkakasabi ko at tumingin na ako sa kawalan. Uupo na sana ako ng nagpalakpakan ang mga kaklase ko at naghihiyawan pa."Manahimik kayo!!!" Sigaw ng teacher namin na kulang nalang ay ibaon ako ng buhay. "Kala mo ba tapos na. Ibigay mo sakin ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal gusto ko ay kumpleto." May ngisi sa labi nyang sabi.
"Gat José Rizal, in full Dr. José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda." Bored ko nang sabi sa kanya. Kaya nagpalakpakan na naman ang mga kaklase ko tuwang tuwa palibhasa hindi na nila kailangang sumagot.
"Sige sinusubukan mo talaga ako. Ano ang ibigsabihin ng Gat sa unahan ng pangalan ni Jose Rizal?" Nanggigigil na nyang sabi sakin.
"Gat means, an honorific used in front of the names of outstanding personages meron ka pa bang itatanong kung wala na ay uupo na ako." Pagkatapos kong sagutin yun ay umupo na ako. "Magtatanong na nga lang hindi pa yung mahirap kahit bata naman siguro masasagot yun." Pabulong kong sabi at todo hiyawan naman ang mga kaklase ko.
"Masyado kang mayabang Ms. Armstrong hindi ka din marunong gumalang masyado ang kumpiyansa mo sa sarili mo bastos ka. Lumabas ka na ng room na ito ngayon din!" Sigaw nya sakin at diniinan pa ang salitang kumpiyansa. Hays kinuha ko ang bag ko at lumabas.
Treiver Pov
Nagising ako sa hiyawan ng mga kaklase ko. Pusangina di ba nila alam na nay natutulog dito sa likod wala kaya akong tulog at masakit pa ang katawan ko dahil may nanghamon ng battle kagabi. Hindi naman ako lugi kasi napasaakin lang naman yung rest house sa tagaytay na ipinangpusta ng kalaban ko. Nakita kong palabas si Hailheurt dala ang bag nya.
"Alam mo pare crush ko na talaga yan dati pa eh ang talino kasi at saka mag ayos lang yan ng konti ideal girl na yan." Sabi nung lalaki sa harap ko.
"Ang kaso hindi ata lalaki ang hanap babae ata hahhahaha tingnan mo naman pre kung kumilos mas barumbado pa sa lalaki." Tatawa tawang sabi nung lalaki.
"Siraulo ka talaga basta crush ko yun. At saka pahiya si sir kanina laugh trip talaga. Nakita mo mukha ni sir parang tapunan ng tae hahahhaha." Tatawa tawa ding sabi nya. Ano ba kasi ang nangyare bat ganto ang mga taong ito.
"Pabida lang naman yang si Hailheurt nagkataon lang sigurong alam nya yung mga tanong ni sir kaya nasagot lahat." Pagtataray ng babaeng nasa kabilang row ok makalabas na nagugutom na ako eh. Tumayo ako at lumabas para kumain wala akong pakialam kung nasa harapan pa ang teacher namin.
"Mr. Pendleton baka nakakalimutan mo na bibisita dito ang lolo mo kung ayaw mong maibalita ng mga teacher mo dito ang ginagawa mong kalokohan ay magtino tino ka na." Sabi nito sakin at mas naunang lumabas sakin. Napatigil at napaisip naman ako dahil sa sinabi nung panot kong teacher tsssss... Wala naman akong magagawa kung malaman edi malaman sawa na akong maging sunod sunuran sa mga gusto nila. Nagpatuloy na akong lumabas at napagdisisyonan kong mag cutting sa lahat ng subject malalaman din naman ni lolo ang ka gaguhan ko eh edi lubos lubusin ko na. Nasa may gate na ako at pupuntahan ko na kung san nakaparada ang pinakamamahal kong motor na napanalunan ko sa battle. Mahalaga sakin yun kaya halos isugal ko ang buhay ko sa pakikipaglaban para lang sa motor na yun. Malayo palang tanaw ko na na may kakaiba sa motor ko.
What the fvck! Napahawak ako sa ulo ko nang makitang butas ang gulong ng motor ko. Who did this sh!t!? Nagtatakbo ako sa security room at walang sabi sabing pumasok doon. Nagulat pa ang mga security ng makita ako pero hinayaan na nila ako. Pinakialaman ko sa monitor at halos mag igting ang mga panga ko ng makita kung sino ang gumawa non. "You will pay for this" naiinis kong sabi at sinipa ang upuan.viemin-min0369🤗
YOU ARE READING
My First And Last: One Step Away
Storie breviHer emotionless eyes and her expressionless face are the way to be strong more than the way she looks before. She's tired for pleasing people to stayed by her side. She's tired for her own life because it's always repeating the way people left her b...