🌹Epilogue🌹

3.2K 53 7
                                    

Anim na buwan makalipas, mas lalong sumaya ang kanilang pag sasama. Pagkatapos ng kasal nina Art at Charming na dinaluhan nila sa probinsya kasalukuyang pabalik ngayon ng Maynila sina Arcie at Marcuz.

"Are you okay?" tanong ni Marcuz nang mapansin ang medyo katahimikan ng kasintaahan. Napatingin si Arcie kay Marcuz buhat ng pag s-sightseeing nito sa mga nadaanan nila.

"Yeah!" tipid nitong tugon ngunit sa loob nito naroon ang inis kung bakit hindi pa siya inaya ni Marcuz mag pakasal.

Hindi naman nangulit si Marcuz at tinuloy ang pag maneho.

Gabi na ng makarating sila ng Maynila ngunit nagtataka si Arcie at ibang daan ang tinahak nila.

"Where are we going?" nagtatakang tanong nito. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Marcuz.
"Sa langit," anito at kinindatan si Arcie. Nainis si Arcie sa tinuran ng kasintahan, alam niya kung ano ang gusto nitong mangyari.

"Ayoko! Pagod ako!" may diin na anas nito. Natawa na lang ng palihim si Marcuz at tinuloy ang pagmamaneho.

"Don't worry, hindi naman kita pipilitin eh, basta samahan mo lang ako," pahayag nito. "Saan nga ba tayo pupunta!?" pangungulit ni Arcie.

"Bastaaa," tanging saad ni Marcuz at sinulyapan ang naiinis na kasintahan.

Ilang minuto pa ang lumipas, huminto ang kanilang sasakyan sa isang malaking bahay. Nagtataka naman si Arcie kung kaninong bahay ito.

"Kaninong bahay 'yan?" tanong nito. Imbis na sumagot, isang ngiti lang ang tinuran ni Marcuz at pinatalikod ang kasintahan.

"B-Bakit?" lalong nagtataka si Arcie ngunit sumunod pa rin sa gusto ni Marcuz.

Nilagyan ni Marcuz ng piring ang mga mata ng kasintahan. Bigla namang kinabahan si Arcie kung ano nanaman kaya ang binabalak ni Marcuz.

Narinig niya ang pag bukas at pag sara ng pinto ng sasakyan at mayamaya ay bumukas ang pinto na sana kanyang gilid.

"Come here," ani Marcuz at hinawakan ang isang kamay ng kasintahan upang alalayan.

"Marcuz, ano na naman ba'tong ginagawa mo?" pangungulit ng dalaga.

"Basta! Halika," tanging tugon nito at dahan-dahan silang pumasok sa loob ng bahay.

Naramdaman ni Arcie ang pag akyat nila sa hagdan. Nakailang hakbang na ang mga ito hanggang sa huminto sila. Narinig ni Arcie ang ingay ng mga susi at mayamaya ay narinig niya ang pagbukas ng pinto.

"Come on in," aya ni Marcuz habang inalalayan pa rin ang kasintahan papasok sa loob ng kuwarto.

"Magbilang ka sa isip mo ng Sampu bago mo hubarin ang piring," sabi ni Marcuz at ilang sandali lang, naramdaman na ni Arcie ang pag-alis ng kasintahan. Iniwanan pa siya nito ng isang halik sa labi.

"Hey! Where are you going huwag mo akong iwan dito!" marahang sigaw ni Arcie ngunit hindi sya tinugon ni Marcuz. Kaya naman nagsimula na itong magbilang.

One.....

Two...

Three...

Biglang tumunog ang isang instrumental music. Kay ganda ng musika, very romantic at nakaka inlove.

Music by Ed Sheeran: Perfect

Four...

Five...

Six....

Tuloy lamang siyang nakikinig at dinama ang bawat tugtug ng instrumental music. Ramdam na rin nito ng lamig ng aircon sa loob ng kuwarto, pati ang bango na humahalimuyak sa loob nito.

Seducing the Businessman (Book I) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon