🌹Chapter 34🌹

1.7K 44 6
                                    

"Sir mag report na kaya tayo sa mga pulis," suhestyon ni Yaya Martha na kinabahan na rin.

"Yaya wala rin tayong mapapala dahil hindi kikilos ang mga pulis pagkat wala pang biyente kwatro oras simula ng mawala si Arcie," pahayag ng lalaki habang hindi mapakali at palakad lakad lamang sa sala.

"Sir, umupo ka na muna ito tubig," alok ni Yaya Martha. Kinuha ni Marcuz ang inabot na tubig ni Yaya Martha at umupo sa sofa. "Ano na ang gagawin natin sir?" tanong ng matanda na may pag-alala pa rin.

"H-Hindi ko pa alam Yaya," tanging tugon nito. Napalingon siya sa maliit na mesa na nasa living room nang tumunog ang cellphone nitong nakapatong doon. Agad siyang kumilos at kinuha ito. si Cedi ang tumawag.

"Pare masamang balita!" deretsong anunsyo ng kaibigan. Parang nabingi si Marcuz sa sobrang bilis ng kabog sa kanyang dibdib dahil sa sinabi ni Cedi. "Marcuz?" si Cedi nang hindi magsalita ang kaibigan. Bigla namang natauhan si Marcuz. "Yes, Go on" tugon nito.

"Marcuz Makinig ka, tumawag sa'kin si Swit 'yong kaibigan ni Carmela at isinuplong nito sa'kin ang ginawang pag kidnap ni Carmela kay Arcie," balita ni Cedi. Parang nanlumo si Marcuz sa narinig mula sa kaibigan, hindi nito alam ang isasagot sobra ang kaba nito ngayon dahil baka kung ano ang gagawin ni Carmela sa kasintahan.

"C-Cedi I need your help, sinabi n'ya rin ba kung saan nila dinala si Arcie?" kabadong tanong nito. "Oo tenext niya sa akin ang address," tugon nito. "Sabihin mo sa'kin at pupunta ako!" bulalas ni Marcuz, ngunit pinigilan siya ng kaibigan. "Marcuz dikado, may mga inarkilang tauhan daw si Carmela baka mapahamak ka," pag-alala ng kaibigan. "Magpapatulong tayo sa mga pulis," dagdag ni Cedi. "No! Hindi puwede, baka matunugan ni Carmela at baka may masama siyang gawin kay Arcie, ako ang dahilan ni Carmela sa pagkidnap kay Arcie kaya ako na lang ang pupunta!" giit ni Marcuz. "Sasama ako!" pag presenta ng kaibigan. "S-Sige hintayin kita maraming salamat," saad ni Marcuz.

"Sir ano daw ho? Tama ba'yong rinig ko? Kinidnap ni Carmela si Arcie?" pagklaro ni Yaya Martha. Bumuntong hininga naman si Marcuz. "Yaya, oo tama ang narinig mo kinidnap ni Carmela si Arcie, kaya kailangan ko siyang puntahan," tugon ng lalaki. "Diyos na mahabagin!" napa sign of the cross na lang si Yaya Martha.

"Sir Mag ingat ho kayo!" may kabang bilin nito nang makita ang paghahanda ng amo. "Huwag po kayong mag-alala Yaya, kaya ko ang sarili ko, bantayan n'yo lang po ng mabuti si Martin, pa lock na rin ng mga pintuan at bintana, tumawag kayo ng pulis kung may mga kahina-hinala kayong mapansin," bilin ni Marcuz sa matanda.

Ilang minuto ang lumipas at dumating si Cedi. "Pare maraming salamat," sambit ni Marcuz.

"Walang ano man, kaibigan ko rin si Arcie kaya tayo na," agad na pag-aya ni Cedi. Mabilis namang sumakay si Marcuz sa kotse ng kaibigan.

"Basi sa text ni Swit, nasa isang luma at abandonadong ospital nila dinala si Arcie," kuwento ni Cedi. "Alam mo ba ang lugar na 'yon?" tanong ni Marcuz. Tumango ang kaibigan habang nagmamaneho. "Oo madalas 'yon shinotingan ng mga artista," saad nito at binilisan ang pag patakbo ng kanyang kotse.

Nawala ang kaba ni Marcuz para kay Arcie, napalitan ito ng galit para kay Carmela. "Pare I'm sorry, kung hindi ko lang sana ipinakilala si Carmela sa'yo, hindi sana siya mao obsessed sa'yo ng ganito, na pati buhay ng ibang tao idamay n'ya na," paghingi ng paumanhin ni Cedi.

"Wala kang kasalanan, ako ang may kasalanan, kung dati pa hindi ko siya hinayaang mahulog sa'kin wala sana tayong problema ngayon, buong akala ko naintindihan niya ang huling sinabi ko sa kanya," anito kasabay ng isang malalim na buntong hininga.

Sa kabilang dako naman. Dahan-dahang iminulat ni Arcie ang mga mata, medyo malabo pa ito at ramdam pa rin niya ang medyo pagkahilo hanggang sa masanay na ang kanyang mga mata sa kaunting liwanag sa paligid. Lumitaw sa kanyang paningin ang nakangising si Carmela.

Seducing the Businessman (Book I) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon