🌹Chapter 32🌹

1.9K 41 6
                                    

"Kailangan ko ng bumalik sa Maynila, kailangan na ako sa opisina, tumawag sa'kin si Cedi kanina," bulalas ni Marcuz habang hinahaplos ang buhok ni Arcie na nakaunan sa kanyang braso. Katatapos lang nilang magniig muli sa gabing iyon.

"Pasensya ka na at hindi pa ako makasama sa'yo, hintayin ko na muna sina Tita na makabalik para makapag paalam ako ng personal," pahayag ni Arcie habang naka akap ang isang kamay sa katawan ni Marcuz. "Ayos lang, atleast alam kong babalik ka na sa'min," masayang wika ng katipan. "Kailangan ko rin kausapin 'yong agency ko pa puntang ibang bansa para ma e-cancel ko 'yong applicantion ko," dagdag ni Arcie. "No need, nakausap ko na, ako na ang nagpa cancel ng application mo," nakangiting turan ni Marcuz.

Napaangat ang tingin ni Arcie at humarap sa lalaki, itinukod niya ang kanyang kanang siko sa unan. "Really? Paano mo ginawa? Tsaka teka." inusog ni Arcie ang kalahati ng katawan at isinandal sa headboard ng kama. "Nakalimutan ko itong itanong sa'yo, papano sumama sa'yo 'yong mga kapit-bahay namin sa ginawa mo noong isang araw?" tanong ni Arcie.

Nakangiti lamang si Marcuz habang bahagyang nakatingala ang ulo sa mukha ng kasintahan. "Well, simple lang, kinausap ko sila, at sa tulong na rin ni paring Art, alam mo naman ako, very approachable at very friendly," kompyansang turan ni Marcuz habang inangat ng bahagyang ang kanang kamay.

"And tungkol sa agency mo, kay Ethel ako kumuha ng impormasyon, madali lang naman pakiusapan and besides kakilala ko ang isa sa nag mamay-ari ng agency na'yon," pagbibida nito. "Wow naman pala! Sobrang lakas mo sa lahat," pang-aalaska ni Arcie. "Of course!" amused nitong saad kasama ang isang kindat at makahulugang ngiti.

Sa kindat na iyon kinutuban si Arcie na may binabalak ang kasintahan, at hindi nga siya nagkamali, naramdaman nito ang isang kamay ni Marcuz na dahan-dahang gumapang sa pagitan ng kanyang mga hita habang nakangiti itong tumitig sa kanya, agad naman itong sinuway ng dalaga. "And what do you think you're doing?" taas kilay na puna ni Arcie habang inipit ang kamay ni Marcuz na nasa pagitang ng kanyang hita.

Tinaas ni Marcuz ng bahagya ang katawan upang makalevel kay Arcie habang ang isang kamay ay nanatili sa pagitan ng hita ng katipan. Dahan-dahang nilapit ni Marcuz ang mukha sa dalaga.

"Gusto ko sana ulit kumain ng Mamon," bulong nito at bahagyang kinagat ang kanyang tinga. Nakaramdam ng isang kakaibang kiliti si Arcie, alam niyang sa ginawa ni Marcuz ay hindi ito malabong maka score ulit ngunit pinigilan niya ito.

"No! Pagod na ako puwede ba next time na lang ulit!" pagtanggi ni Arcie. Nakita nito ang panghihinayang sa mukha ni Marcuz ngunit hindi naman nangulit pa ang kasintahan at kinuha ang kamay sa pagitan ng hita ni Arcie. "Okay, naiintindihan ko. Ayaw kitang pilitin," wika nito. "Matulog na tayo?" yaya nito.

Isang ngiti lang ang tinugon ni Arcie at agad na niyakap ang kasintahan.

"I love you!"

"I love you too!"

Nagyayakapan habang nakahiga ang dalawa, bago dinalaw ng antok si Arcie iniisip pa rin nito ang mga nangyari. Hindi ito makapaniwala na nasa kanya na si Marcuz, siya na ang nag mamay-ari ng kanyang puso ngayon. Ngunit, sa kabila ng pag-iisip na iyon, sumagi sa pag-iisip niya si Carmela. Papano kung malaman nito ang sa pagitan nila ni Marcuz? Biglang lumakas ang tibok sa puso ni Arcie, kinakabahan ito nang hindi niya alam kung dahil ba ito kay Carmela. Bumuntong hininga na lamang siya at mahigpit na niyakap ang natutulog na nakasintahan.

Kinabukasan maagang nagising si Arcie, pinagmasdan nito ang mukha sa nahihimbing na si Marcuz kinuha niya ang isang kamay ng lalaki na nakayakap sa kanya at hinalikan niya muna ang mga mapupulang labi ng kasintahan bago bumangon.

"Manang, uuwi na si Marcuz sa Maynila ngayon, ako na lang ho ang mag handa para sa agahan," bungad ni Arcie nang maabutan si Manang Lilia sa kusina. "Ahh gano'n ba, tapos ikaw hindi ka ba sasama?" tanong nito. Ngumiti si Arcie. "Susunod na lang ho ako, hihintayin ko pang makabalik sina Tita para maka pag paalam ako ng maayos," tugon ni Arcie. "Ikaw ang bahala hija, sige sa labas na lang muna ako at mag didilig ng mga halaman," paalam ng Matanda.

Seducing the Businessman (Book I) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon