1. BESTIES

76 10 1
                                    

"ISTORBO KA naman!" angil ni Lydia sa akin dahil walang babala kong inalis ang headset niya sa tainga. Natawa na lang ako sa kasungitan niya. Minsan, nagdududa ako kung best friends ba kami. Lagi na lang kasi niya akong sinusungitan at pinagsasabihan. Sutil raw ako at napakasimpleng magisip. Si Lydia kasi ay kabaligtaran ko. Seryoso siya at introvert.

"Aalis na tayo. Napakasungit mo naman." biro ko na lang at kinuha na ang mga folder na naglalaman ng resume at kung anu-ano pang requirements.

This is the day. Mag-a-apply na kami sa TOP Conglomerate—ang largest on line retailer. Sakop ng TOP ang maraming business kagaya ng consumer goods, at media. Sa pagkakaalam ko, si Geoff Daughtry ang founder noon—ang dream man ko.

Napangiti ako sa naisip. Nalalapit na ang pagkikita namin. Sa tuwing sinasabi ko ito kay Lydia, napapailing na lang siya. Napakababaw daw ng pangarap ko.

Hindi ko na lang siya pinapansin. Kung mababaw ito para sa kanya, para sa akin ay hindi.

Lydia and I grew up in an orphanage. Pareho daw kaming nakuha ng mga madre sa ospital. Pareho kaming tinakasan ng mga magulang. Alam ko, hanggang ngayon ay dinidibdib iyon ni Lydia. She was bitter. Minsan ko na iyong narinig sa kanya.

Ako naman ay nakuha na iyong tanggapin. Naniniwala ako na hindi na mauulit iyon dahil hindi ko na hahayaan. I will build my own family. Hindi ko iyon iiwanan.

Simple.

"Excited ka talaga." puna ni Lydia at napapailing sa ngiti kong hindi na mabura-bura.

"Bakit ikaw? Hindi?" tanong ko at pinara na ang bus papuntang Makati kung saan naroroon ang building ng TOP.

Irap na lang ang sinagot niya na ikinahagikgik ko na lang. Alam ko na kahit napipilitan siya sa paga-apply sa TOP at pinagbigyan ako ay gusto rin niyang makapagtrabaho na. Pareho naman kami nang tinapos ay sabay na nag-graduate. Pareho kaming fit sa TOP.

Nagbiyahe na kami at tumahimik na ako. Itinuon ko na lang ang focus ko sa pagre-retouch ng make up. Kailangang maging maganda at presentable ako. Baka matisod ko si Geoff, nakakahiya naman kung makikita niya akong haggard sa biyahe.

"Hindi ka makikita ni Geoff. Nasa main branch iyon sa New York." Komento ni Lydia.

"Malay mo naman?" positive kong sagot.

Napailing siya at itinuon na lang ang atensyon sa labas ng bintana. Hindi pa ganap ang liwanag. Alas sais pa lang ng umaga. Buwan ng December. Buwan na mahaba ang dilim kaysa liwanag.

"May nabubuhay kaya sa buwan?" out of the blue na tanong ni Lydia.

Napatingin ako sa buwan na malapit nang mawala sa ulap. "Wala. Ano ka ba? Walang oxygene doon."

"Paano kung mayroon palang nabubuhay? Paano kung may ibang mundo roon? Paano kung doon pala tayo galing? Paano kung nagkaroon tayo ng problema roon? Itinapon pala tayo rito sa mundo ng mga tao at nakita lang tayo sa ospital?" napa-puzzle na tanong ni Lydia.

Natigilan ako at biglang pinanayuan ng mga balahibo. Minsan na itong nai-open ni Lydia. Maraming beses daw siyang nanaginip tungkol sa mga bampira at lobo. Kini-claim tuloy niya na iyon ang past life niya.

Noong bata ako ay nanaginip din ako ng ganoon. Pero bilang bata, alam kong dala lang iyon nang malikot kong imahinasyon. Ang imahinasyong iyon ay natuklasan kong puwedeng magkatotoo. Nakakatakot, sa totoo lang. Kaya gumawa ako ng paraan para hindi na iyon maulit. I discovered that the more I entertain it, mas lalo iyong lumalakas at lumalabas. Ignoring it will make it dies.

Kaya hindi dapat malaman ni Lydia ang sikreto ko. Mas lalo lang niyang iisiping tama siya.

"Huwag ka ngang magisip ng ganyan." Bawal ko kay Lydia.

"Hindi nga. Nanaginip na naman kasi ako. May mga lobong susundo raw sa atin." Hopeful niyang sabi.

Kinilabutan na naman ako at napakamot sa sentido. "Ayan ka na naman. Ayoko ng ganyang usapan. Itigil mo na, ha. Mag-concentrate na lang tayo sa job interview mamaya."

Napailing na lang ako nang tumahimik na lang si Lydia at tumunghay na naman sa buwan. Napailing na lang din ako sa kanya. Lihim kong ipinagdasal na sana ay maalis na sa isip niya ang mga napapanaginipan. Kailangan lang siguro niyang magkaroon ng trabaho para maging busy at tuluyang makalimutan iyon.

"Nandito na tayo. Let's go!" deklara ko nang makita ang mataas na building ng TOP. Pinara ko na ang bus at tumigil iyon sa bus stop. Dali-dali na kaming bumaba. Eksaktong alas syete ng umaga, nasa HR na kami. Pumila kami at binigyan ng application form. Nang maipasa namin ni Lydia ay naghintay kami ng oras.

"Miss Alanis Gonzales?" tawag ng HR Assistant. Agad akong tumayo at pinapasok na niya ako sa opisina. Nadatnan kong binabasa ng HR Manager ang mga papeles ko.

"Tell me about yourself." simpleng tanong ng HR at tinitigan ako.

Tumikhim ako bago nagsalita. Kahit kinakabahan ay sumige ako.

"I am Alanis Gonzales, 22 years old. I am a fresh graduate of Bachelor of Science in Marketing Management." panimula ko at huminga nang malalim.

"As you can see, I don't have a family. Sa ampunan po ako lumaki at nakapagtapos po ako dahil sa mga sponsors. Grateful ako sa kanila at hindi sinayang ang opportunity. I am a positive person, Ma'am. I am motivated and driven. If you give me an opportunity, nangangako po akong aalagaan iyon, pahahalagahan at iingatan." seryoso kong sabi.

Patango-tango naman ang HR at panay ang sulat sa resume ko. Nagusap pa kami at lahat ng tanong niya ay sinagot ko sa abot nang makakaya ko.

"Okay. Thank you for your time. We'll call you." nakangiti niyang sabi.

Nakipagkamayan na ako at tuluyang lumabas. Nadatnan ko na si Lydia sa bench. Doon ako matyagang naghintay hanggang sa matapos siya. Alas onse na kami lumabas ng TOP. Nag-decide kaming mag-job hunting pa.

Alas otso na ng gabi kami umuwi sa inuupahang apartment. Maliit lang iyon. Ang mga sponsors naming ang tumulong sa amin para matutong makapagsimula. Binigyan din kami ng budget kaya mayroon kaming panggastos. Tinitipid namin iyon ni Lydia. Kaya kailangan namin magkaroon ng trabaho bago iyon maubos.

"Alanis," tawag ni Lydia sa akin nang akma kong bubuksan ang bag para kuhanin ang susi.

"Bakit?" tanong ko.

"Nakabukas." Turo niya sa doorknob.

Napatingin ako roon at natigilan ako nang mapansing nakaawang nga iyon. Nagkatinginan kami. Kinabahan ako. Mukhang ninakawan pa kami.

Dahan-dahan naming itinulak ang pinto at nanghina ako nang madatnang gulo-gulo ang unit namin. Hindi lang iyon basta hinalughog kundi sinira rin ang mga cabinet namin. Sa totoo lang, parang hindi tao ang sumira noon dahil wasak talaga.

Maang kaming nagkatingnan ni Lydia. Takang-taka kami kung sino at bakit sisirain ng ganoon ang mga gamit namin...

WILD FANGS SERIES 1: GENERAL'S ALCHEMISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon