4. MAN IN THE SHINING SPORTS CAR

27 4 1
                                    

"Ang yaman niya!" impit na tili ni Lydia pagpasok sa kuwartong inilaan ni Norkis sa amin. Obviously, si Lydia ang mukhang excited at kinikilig sa mga nangyari. Pagdating sa isang condominium hindi kalayuan sa unit namin ay saglit na nagpaalam si Norkis. Mayroon daw itong kakausapin at ikukumpirma sa mga nangyari. Mahigpit kaming binilinang mag-stay doon. Base sa mga nadudungaw ko, nasa pinakatuktok ng condominium kami naroroon. Isang matandang lalaki ang kasama ni Norkis. Unipormado pa iyon. Maro ang pangalan. Ito raw ang butler doon.

Si Maro ang kasama ni Lydia na nagikot. Nanatili lang ako sa kuwarto at iniisip ang mga nangyari. Rattle pa rin ako. Natatakot at naguguluhan.

Bakit kami inatake ng mga lobo? Bakit biglang dumating si Norkis? Napakaraming bakit. Si Norkis lang ang mukhang susi sa lahat kaya matyaga akong naghihintay. Hindi ko magawang mag-enjoy kagaya ni Lydia. Possitive akong tao pero sa pagkakataon ngayon, hindi ko pa magawang magpaka-positive. Hangga't hindi ko alam ang buong katotohanan, windang pa rin ako.

Pabagsak na naupo si Lydia sa malaking kama. "Alam mo ba? Si Norkis pala ang may-ari nitong building. Wala pang umuupa sa mga ibabang unit dahil hindi pa iyon tapos. Itong unit lang niya ang puwedeng tuluyan. Ito ang pinauna raw niyang ipatapos." Balita ni Lydia.

"Sana tinanong mo na rin kung ano si Norkis. Nakita mo naman kung paano siya kumilos kanina, hindi ba? Para siyang nagte-teleport." Sabi ko at muling inalala ang pakikipaglaban ni Norkis.

Kakaiba talaga siya. Hindi iyon normal. Pero hindi siya kagaya ng mga lobo. Hindi siya nagpalit ng ano. Kaya nagtataka ako kung ano siya.

Napalingon kami sa pinto nang may kumatok. Dali-daling binuksan iyon ni Lydia. Napatayo ako nang makitang si Norkis iyon.

"Can I come in?" tanong niya.

"Sige." Agad na sabi ni Lydia. Pinanlakihan ko siya ng mga mata pero deadma lang. Pagsasabihan ko ito mamaya. Kung napatunayan niyang tama siya, hindi ibig sabihin noon ay dapat na siyang sumige. Hindi kami dapat ma-involve sa mga kagaya nila. Delikado.

"May balita na?" tanong ko pagkapasok ni Norkis.

Tumango siya. "You and your friend is all over the news." Sabi niya at binuksan ang TV.

Napamaang ako nang mai-preview sa late night news ang unit namin. Maraming pulis na nag-i-imbestiga. Ayon sa news anchor ay inatake kami ng mababangis na hayop. Iyon daw ang nakita ng mga kabitbahay. Naniniwala rin sila na tinangay kaming magkaibigan dahil wala kaming bakas sa unit.

"W-wala rin ang mga katawan?" tanong ko.

Tumango si Norkis. "Pagbalik ko roon para i-dispose ang mga katawan, wala na sila. Either nag-regenerate sila at tumakas o mayroong kumuha sa kanila."

"D-Delikado pa rin kami?" kinakabahang tanong ko.

"Yes. You see, they are wolves from Sigma Kingdom. King Lucifus still wants you. Inamin niya iyon kanina sa puno." Sabi ni Norkis. Naalala ko kanina ang naging usapan nila sa isang lengguwaheng hindi ko maintindihan at doon ko napagtanto na iyon pala ang pinagusapan nila.

"T-Teka lang. Gusto akong kunin ng hari ng Sigma Kingdom? Saan iyon? Sa UK? Britain? Bakit ako? Ano'ng mayroon ako?" naguguluhang tanong ko.

Tinitigan ako ni Norkis hanggang sa napabuntong hininga hininga. "They know you are Anakin's reincarnation." Sabi niya at napayuko.

Napamulagat ako at nagkatinginan kami ni Lydia. Eyes wide open din ang kaibigan ko. Sa aming dalawa, ako pa talaga ang napagisipang mayroong reincarnation. Hindi ba dapat ay si Lydia? Siya ang may mga nakikitang visions at mga nararamdaman.

"Reincarnation? Hindi ako naniniwala d'yan." Sabi ko at natatawang napailing nang makabawi. Hindi na nila kailangang malaman ang mga napanaginipan ko noon at ang sikreto ko. Mas lalo nilang iisiping reincarnation lang ako.

"Baka ako ang reincarnation." Singit ni Lydia at sumeryoso nang mapatingin si Norkis. Ako naman ay pinandilatan siya. Gusto ba nitong mapahamak? Naalala ko kung gaano kabayolente ang lobong umatake sa amin. Gustong ma-involve ni Lydia sa ganoon? Naku! Hindi ko siya papayagan!

"No. She is the reincarnation." Sabi ni Norkis at tumingin sa akin. "You look exactly like Anakin. She's the greatest alchemist in Phaaroh kingdom. Once we found the dagger that contains her energy and spirit, we will transfer it to you so you can regain your power back."

Nagkandasamid-samid ako. Kanina, reincarnation lang. Ngayon may power nang involve! Isa iyong malaking kalokohan!

"Nagkakamali kayo. Hindi ako ang reincarnation. Tingnan mo nga ako. Walang special sa akin. Ni hindi ko nga alam ang mga kingdom-kingdom na sinasabi mo. Wala akong alam sa mga iyon kaya puwede ba? Huwag mo nang ipilit ang mga sinasabi mo." Giit ko.

"Alanis," awat ni Lydia.

"Bakit hindi na lang niya ipaliwanag kung bakit nandoon siya sa unit din natin?" sagot ko kay Lydia at hinarap si Norkis. "Ano ka ba? Kagaya ka ba nila?" hamon ko.

"I'm a vampire. Nandoon ako dahil binabatayan kita noon pa."

Napamulagat ako sa pagkabigla. Hindi ko inaasahan iyon at hindi ko rin inaasahan na bibilis na naman ang tibok ng puso ko sa narinig. Hindi ko maiwasang ma-flatter. Isang guwapong bampira ang nagbabantay sa akin noon pa. Nakakahaba ng buhok.

Pero sa reyalidad, nakakakilabot ang idea. Kinumbinsi ko ang sarili na hindi dapat ako makaramdam ng kilig. "N-Noon pa? Noong bata pa ako? Noong baby pa? Ganoon?"

Tumango siya. Naloka na talaga ako sa kumpirmasyon. Hindi agad ako nakapagsalita dahil hindi ko alam ang tamang sabihin. Nabigla na talaga ako.

"About the kingdom, I can explain to you everything." Sabi ni Norkis.

Iwinasiwas ko ang kamay. "Huwag na. Hindi ako interesado. Pasensya na talaga, ha." Tanggi ko at hinila sa kamay si Lydia. Hindi ko kinakaya ang mga naririnig ko. Parang sasabog ang ulo ko. Nakakabigla. Hindi ko magawang mapaniwalaan ang lahat. "Magpapahinga na kami."

"You need to stay here for a while." Sabi niya.

Umiling ako. "Aalis kami bukas na bukas din."

"There is no other safe place than here." Seryoso niyang sabi.

"Oo nga naman. Dumito na lang muna tayo." Agree ni Lydia at hinila ang kamay saka hinarap si Norkis. Napamaang ako kay Lydia nang ngitian niya ang lalaki. "Sige. Dito lang muna kami habang mainit pa ang lahat."

Tumango si Norkis. Mukhang na-relieve. Ngiting-ngiti naman si Lydia. Ako naman ay napailing na lang.

Fine. Dito muna kami. Pero pagkatapos ng lahat, aalis din ako.

WILD FANGS SERIES 1: GENERAL'S ALCHEMISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon