2. SILVER WHITE

41 4 1
                                    

"Hindi ito normal. Sinasabi ko na sa'yo, Alanis. Hindi ako naniniwalang simpleng panloloob lang ito." Giit ni Lydia matapos ayusin ang lahat. Nakapagimbestiga na ang mga pulis at wala namang nawala sa mga gamit namin. Maraming nasira pero nanatiling nasa loob lang ng unit ang mga iyon.

Walang nakapansin sa mga nanloob. Nagtanong-tanong din ang mga imbestigador sa mga kapitbahay pero dahil wala rin sila kagaya namin kaya wala silang naibigay na impormasyon.

"Bakit mo naman nasabi?" tanong ko at inayos ang mga damit ko nang mapansin ang isang silver strand sa damit ko. Isang dangkal iyon. Nang suriin ko ay napansin kong buhok iyon.

Walang nakita ang mga pulis na bakas sa unit kahit mga finger prints. Mukhang nakaligtas ang strand ng buhok na iyon sa mga mata nila. Naisip kong ibigay iyon sa mga pulis. Nabilinan naman kami na kung mayroon pa kaming mapapansing kakaiba sa unit na puwedeng mag-lead sa imbestigasyon ay lumapit lang kami sa kanila.

Napaisip tuloy ako kung ano ang motibo niya. Hindi naman siya nagnakaw. Nag-trip lang? Napalunok ako. Bas sa hawak kong buhok, mukhang matanda pa ang nanloob sa unit namin.

"Ito." Sabi ni Lydia at nilingon ko siya. Natigilan kaming pareho nang makita ang mga hawak naming buhok.

"White hair." Sabi ko.

Nanlaki ang mga mata niya. "Nakita mo na!"

Nagsalubong ang kilay ko. "Mukhang matanda ang nanloob—"

"Hindi ito basta white hair lang! Silver white siya! Buhok ito ng lobo!" giit niya at parang handang makipagaway kung sasalungat ako.

Napakamot ang sentido. Heto na naman kami sa mga superstitious belief ni Lydia. Huminga ako ng malalim. Kung handa siyang maki-debate, handa rin ako. Seryoso ang lagay namin at ayokong haluan na ito ng mga kalokohan.

"Lydia, walang lobo. Okay?" nagtitimping giit ko rin.

Lumapit siya at hinawakan ang mga buhok. "Medyo makapal ang mga buhok. Hindi ito buhok ng isang normal na tao. Ano ka ba? Buksan mo nga ang isip mo!"

Kinuha ko ang mga buhok at kumuha ng plastic saka iyon inilagay. "Dadalhin ko ito sa presinto. Dumito ka na lang." malayong sagot ko.

"Hindi ka naniniwala sa akin." Seryoso niyang sagot.

Napabuntong hininga ako. "2020 na, Lydia. Walang lobo o mga bampira. Walang buhay sa buwan. Mga sanggol tayo na iniwanan sa ospital. Mga normal tayong tao. Iyan ang itanim mo sa isip mo. Okay?" giit ko.

Hindi na siya kumibo. Ramdam ko ang pagtatampo niya. Na-guilty ako pero tiniis ko. Naisip kong kung ito ang paraan para magising siya, titiisin ko na. Ang mahalaga ay mabuksan ang isip niya na walang something special sa amin.

Umalis na ako at nagpunta sa presinto. Agad ko namang nakausap ang imbestigador at ibinigay sa kanya ang buhok. Ipinaliwanag ko rin na walang kaming kilalang tao na nagma-may-ari ng ganoong buhok kaya sa ngayon ay iyon ang pinanghawakan naming lead.

Umuwi na ako. Pagbaba ko sa bus stop at naglakad na lang ako papuntang unit namin. May kalayuan iyon. Gabing-gabi na rin. Wala ng tao sa daan. Kaya ramdam ko kung mayroong ibang presence sa paligid ko.

Napalingon ako sa likod sa pagaakalang mayroong sumusunod sa akin. Naipilig ko na lang ang ulo ko nang makitang nagiisa lang ako. Mukhang napa-paranoid lang ako. Minabuti kong bilisan ang lakad hanggang sa makarating sa unit namin.

Pero natigilan ako nang makitang nakaawang ang pinto. Kumabog ang dibdib ko. Ilang beses kong kinumbinsi ang sariling naiwanan lang iyon ni Lydia. Madalas din naman iyong mangyari lalo na't alam ni Lydia na wala pa ako. Normal lang iyon. Wala akong dapat na ikabahala. Palibhasa, nilooban kami kaya madali akong magduda.

Itinulak ko na ang pinto at bumungad sa akin si Lydia na natutulog sa sofa. Mukhang nakatulugan na niya ang paghihintay sa akin. Lumambot ang puso ko. Kahit nagtatampo ang kaibigan ko, nakuha niya akong hintayin. Alam kong nagalala pa rin siya.

Nakahinga ako nang maluwag at pumasok na. Pasara na ako sa pinto nang biglang mayroong pumigil. Nagtaka ako at sumilip.

"Hi." Ngising bati ng isang lalaking silver white ang buhok. Hanggang balikat iyon at unat. Pati ang kilay niya, puti rin. Kahit puro silver white ang kulay ng buhok niya at balbon, hindi naman siya mukhang matanda. Tantya ko ay nasa early forties lang siya.

"S-Sino ka?" lakas loob kong tanong at mabilis na pinagana ang isip. Kung ito ang nanloob sa unit namin, kailangan siyang mahuli. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa lalaking ito.

"Why? You don't know me? I'm your friend. Come on. Open your door now." Sagot niya. Pansin ko ang matitigas niyang accent lalo na sa letrang 'R'. Lalo tuloy akong nagtaka. Hindi siya taga-rito pero kung kausapin niya ako parang kilalang-kilala niya ako.

"I said, open your damn door!" asik nang lalaki at unti-unting nag-transform! Gulat na gulat ako. Nanlalaki ang mga mata ko habang pinanonood siya kung paano magpalit ng ano bilang lobo!

Buong puwersa kong isinara ang pinto at kinandado. Doon nagising si Lydia at bumangon. "A-Ano'ng nangyayari?" paungol niyang taong.

Takot na nakatitig lang ako sa pinto. Parang mababaliw na ako sa takot dahil sa mga nakita ko. Lobo. Isang lobo ang nasa likod ng pinto. Tama si Lydia! Mayroong lobo!

Sabay kaming napaigtad nang umalulong nang pagkalakas-lakas ang lobo sa labas ng unit namin. Pinagpawisan na ako nang malamig. Nagkatinginan kami ni Lydia hanggang sa nagkaroon ng kislap ng amazement ang mga mata niya.

"Lydia!" pigil ko nang bubuksan niya ang pinto.

"Gusto kong makita!" giit niya.

"Hindi! Tumakas na tayo!" giit ko at hinila siya papuntang backdoor. Dahil hindi handa si Lydia ay nagawa ko siyang kaladkarin hanggang sa makarating kami sa pinto. Pero pagdating doon ay pumiglas siya.

"Nakita mo na? Tama ako!" giit niya.

"Wala na tayong oras para magtalo. Tara na!" giit ko. Nangangatog na rin ako sa pagaalala.

Hindi na niya nakuhang makipag-debate nang marinig naming nasira na ang front door. Mukhang giniba na ng lobo. Napuno ng galit na ungol ang buong unit namin at kahulan. Naririnig ko. Nadagdagan pa ang mga lobo!

"Tara na!" galit na ako at mayroong halong takot na hinila ko si Lydia palabas ng back door.

Pero natigilan kami nang makitang mayroong malaking itim na lobong nagaabang na rin sa amin doon. Taas baba ang dibdib namin ni Lydia. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya habang tulalang nakatitig sa lobo pero ako, kaligtasan ang nasa isip.

Paano naming matatakasan ito?

"Grr..." galit niyang ungol at umastang aatake.

Napatilig kami ni Lydia nang tumakbo na iyon palapit sa amin. Tumakbo kami pakaliwa at sumunod iyon sa amin.

"Saklolooooooooooooo!" sigaw ko nang malapit na kaming maabutan. Sa kamalasan, nadapa pa ako at nagpagulong-gulong sa lupa. Napatingala na lang ako nang makitang nasa ere na ang itim na lobo. Pabagsak na iyon sa akin. Gahibla na lang ang distansya noon sa akin. Parang slow motion. Parang tumigil ang oras ko sa nalalapit kong kamatayan.

Pero mayroong pumigil. Isang mahiwagang lalaki ang dumaluhong sa lobong pabagsak sana akin. Parehong bumagsak sila sa pader.

WILD FANGS SERIES 1: GENERAL'S ALCHEMISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon