7. I'M HERE

28 3 1
                                    

"Saklolo!" sigaw ko at pinagbabalya ang pinto. Kahit ano'ng gawin ko, hindi na iyon mabuksan. Obviously ay naka-lock na iyon. Trapped na ako pero hindi iyon puwede. Kailangan ay makatakas ako.

Hindi ako makapaniwala na sa ganito mauuwi ang simpleng pangarap ko. Nakakaiyak. Nakakatakot. Hindi ko ine-expect na ang dream man ko ay kasama ng mga lobo. Wala akong idea kung pati si Geoff ay isang lobo rin. Hindi pa rin kasi siya nagta-transform.

"Walang makakarinig sa'yo rito." Sabi ni Geoff at tumayo na. Nilapitan niya ang lobo at hinimas iyon sa ulo. Umungol naman iyon at tila umayon sa sinabi ni Geoff.

"A-Ano'ng kailangan niyo ba sa akin?" naiiyak na tanong ko. Nangangatal na ako sa takot nang sandaling iyon. Nawawalan na rin ako ng pag-asa. Kailangan ko ng tulong pero kanino ako hihingi ng saklolo?

Nasa rooftop kami. Naka-lock ang pinto. Walang nakakaalam kung nasaan ako. Ngayon ako nagsisisi kung bakit naging pangahas. Ngayon ko na-realize na tama si Norkis. Ayoko man aminin sa sarili ko pero sa nakikita kong sitwasyon ay napatunayan kong mali ako. Maling-mali. Napahamak ako sa katigasan ng ulo ko.

"The dagger. And of course, we also need you." Simpleng sagot ni Geoff at naupo sa visitor's chair.

Natigilan ako at naaalala ang mga sinabi ni Norkis. Naalala ko ang tungkol sa dagger na naglalaman ng powers ni Anakin.

Nagkadailing ako. "W-Wala akong alam sa sinasabi mo. S-Simpleng tao lang ako..." kinakabahang sabi ko.

Tumango-tango si Geoff. "Alright. I believe you. Pero hindi ka na puwedeng umalis. Kailangan ka na naming dalhin sa Netherlands. Doon naka-base ang castle ni King Lucifus."

Nanlaki ang ulo ko. Kinikilabutan ako sa mga sinasabi ni Geoff. "S-Sandali... h-hindi puwede. A-ayoko..." lakas loob kong tanggi. Pinagana ko pa ang isip ko. Nagisip pa ako ng mga alibi para huwag niyang dalhin sa Netherlands.

Nagsalubong ang kilay ni Geoff. "Wala ka nang maiiwanan dito. I know it well. When we received your resume and found out about your existence, we investigated your background. You're an orphan. Wala ka nang maiiwanan. Walang maghahanap sa'yo."

Natigilan ulit ako at naintindihan kung paano ako natunton ng mga lobo. Ang TOP ang naging access nila. Dito nila ako nahanap. Nakakapanghina. Pakiramdam ko, ako mismo ang naglapit sa sarili ko sa kapahamakan.

"N-nagkakamali kayo sa akin... h-hindi ako ang kailangan niyo..." nanghihinang sabi ko.

Umiling si Geoff. "No. Ikaw ang matagal na namin hinahanap. Nabuo ang TOP dahil sa'yo. Matagal na naming hinahanap ang reincarnation ni Anakin. Kung wala sa'yo ang dagger, hahanapin namin iyon. Once na mapasakamay naming mga lobo iyon ay ibabalik namin sa'yo ang kapangyarihan at masasamahan mo na kami sa pagtupad ng pangarap namin."

Hindi ako makapaniwala na umabot sa ganito. Bumuo pa sila ng TOP! Ganito ba sila kadesperado para mahanap ang reincarnation ni Anakin?

"Hindi nga ako ang kailangan niyo!" desperado kong sigaw.

Sa isang kisap-mata, nakalapit na si Geoff sa akin. Napasinghap ako sa bilis niya at napangiwi nang haklitin niya ako sa braso. Halos umangat na ako sa ere dahil sa lakas niya! Naluha na lang ako sa sakit pero iyon siguro ang nagbigay pa sa akin ng lakas ng loob. Nakipagtitigan ako kay Geoff. Naisip kong kapag nagpakita ako ng takot ay mas lalo lang akong hindi makakatakas. Mas lalo lang nila akong ia-underestimate.

"Believe me, you are Anakin's reincarnation. Naamoy ko. Kitang-kita ko. The same face. The same scent. Hindi iyon puwedeng maipagkamali ng isang lobong tulad ko na ilang beses nang nakaharap si Anakin." Asik niya. He was gritting his teeth. His eyes were dilated. Kaunting push pa, magta-transform na rin siya bilang lobo. Iyon na ang paliwanag sa katungan sa isip ko. Isang lobo si Geoff. Kaya rin siya kasing bilis ni Norkis ay dahil hindi rin siya normal na tao.

WILD FANGS SERIES 1: GENERAL'S ALCHEMISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon