Extra chapter A

641 10 17
                                    


"Ace..."

I still cant believe that after all these years ay nakita ko na din siya. My heart was about to burst out in my chest as I saw her standing in front of me. Sa sobrang gulat ko ay parang nabingi ako. Ang mga mata ko ay nakatutok lang sa kanya at mariin siyang tinitignan. Napatawa naman siya ng makitang tulala parin ako sa kanya.

Ilang minuto na nga ang nakalipas ay gulat parin ako sa pagkikita naming to.

Napabalik ako sa huwisyo and I ushered them both to sit.

Lumapit din agad si Ace at umupo kasama ang kanyang co CEO.

"Hi Mr. Gi Amante, Im Ace Maverick Spade, the CEO of Azreal Company" pagpapakilala niya sakin.

I missed her so much. Gusto ko siyang yakapin at hagkan. Pero nasasaktan parin ako.

Bakit inabot pa ng ilang taon bago siya na nagpakita sakin? Bakit Ace?

Ganoon pa kaya ang nararamdaman niya sakin? Maraming katanungan ang bumabagabag sakin. Hindi ako mapakali dahil kaharap ko na siya ngayon.

Hindi ko na alam kung paano natapos yung usapan namin.

Ms. Cordial was the one who does the talking. Nakikinig lamang ako sa kanya at sa mga proposal ng kanilang kumpanya. Tumatango lamang ako sa mga sinasabi niya at di parin inaalis ang titig kay Ace.

Agad siyang umiwas ng tingin sakin.

When the meeting was done, agad din akong tumayo at nakipag kamay sa kanila.

"Vhern, mauna kana pabalik sa kumpanya. May asikasuhin lang ako dito. May pag uusapan pa kami ni Mr. Gi Amante." saad ni Ace at tumango lamang ang kasama niya. She excused herself at agad na lumabas sa opisina ko.

"Ace..." pagtawag ko sa kanya at napabaling ang atensyon niya sakin.

Nagtama ulit yung mga mata namin. Humakbang ako papalapit sa kanya at niyakap siya.

"I missed you." napapikit ako at mas hinigpitan pa ang yakap ko. Oh God how I missed her so much. Ilang taon din bago ko siya nakita.

Naramdaman ko ang pagyakap niya sakin pabalik.

"I missed you too Atlas."

Nagkwentuhan lang kami ni Ace sa mga nangyari sa kanya ng mga nagdaang taon. Sinabi niya sakin na pumunta siya sa Espanya at doon tumira. Sinabi niya rin sakin na hindi niya rin kinontak ang pamilya niya ng ilang taon, but then she showed up. Unang pinuntahan niya ang ina niya at tiyahin.

Umiyak ng umiyak daw ang ina niya dahil sa pagbabalik niya. Last week pa daw siya pumunta doon.

Sinamahan ko siyang bumaba sa lobby ng building ko.

Nagtatawanan pa kami hanggang sa makalabas na kami sa elevator.

"Mommy!" rinig kong sigaw ng batang babae papunta kay Ace.

Nagulat ako doon.

Agad naman siyang lumuhod at sinalubong ng yakap ang bata.

"Aibara" nakangiting tawag niya doon sa bata. Yumakap sa kanya ang batang babae.

May lalaki naman na dahan dahang naglalakad papalapit sa amin. Tinignan ko siya, at tumingin din siya pabalik saakin ng nakangiti.

"Mommy, I missed you. Im hungry napo, but daddy insisted to wait for you daw para sabay po tayong kakain ng food. I want cake po. " nakapout na sabi nung bata.

Hangang ngayon ay di parin ma proseso ng utak ko ang nangyayari.

"Okay baby, please wait muna ha." saad niya doon atsaka hinalikan sa pisngi ang bata.

Tumayo siya at tumingin sakin. Di ko namalayan na nasa tapat ko na si Ace, hinatak yung lalaki na huminto na sa paglalakad papalapit sa amin.

"Atlas, meet my family. This is my daughter, Aibara Nina, and this here is my husband Nikolai Alek Maximo." saad niya.

"And this is Mr. Gi Amante"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Husband? Daughter?

I was stuck there dumbfounded, di padin makapaniwala sa pinagsasabi ni Ace. She has a family for Gods sake! Shes married! They have a daughter.

Inilahad ng lalaki yung kamay niya sakin.

"Nice to meet you, Mr. Gi Amante. In Nikolai, Ace's husband."

I reached for his hand, at saka nakipagkamay sa kanya. I composed myself ofcourse.

"Mommy, daddy can we go na po? Im so hungry na talaga" saad nung batang babae sa kanila at parang naluha luha pa. Ang cute nung bata.

Binuhat siya nung Nikolai atsaka hinalikan sa pisngi.

"Okay baby, hintayin na natin si mommy mo sa car." sabi niya at tumango yung bata.

"Babe, mauna na kami sa labas ni Nina ha."

humalik din ito sa pisngi ni Ace atsaka nagpaalam.

Tumingin si Ace saakin atsaka ngumiti.

"You have a lovely family." saad ko habang nanginginig ang kamay. Itinago ko iyon sa bulsa ko atsaka huminga ng malalim.

Nahihiyang ngumiti si Ace saakin atsaka nagsalita.

"Im happy that they found me in my darkest years. Im happy that I got to know Nikolai. Im happy that Nina came to us. Im happy now Atlas, and all these years I wished for your happiness too." nakangiting saad niya pa at may pumatak pa na luha sa kanyang mata.

It hurts so much. Di ko aakalain na ganito ang kalalabasan ng ilang taon kong paghihintay sa kanyang pagbabalik.

I loved her so much thats why it hurts this much.

Umalis na si Ace sa harapan ko at nagdali daling lumabas ng building. Ako naman ay dahan dahang naglakad papunta sa lounge area sa lobby kahit tulala parin sa pangyayari. Umupo ako doon sa couch at di ko namalayang napaiyak na din ako.

Lumapit ang receptionist saakin para tanungin ako kung gusto ko ng coffee. I asked her for something else.

Agad akong umakyat pataas sa office ko. Gulat parin ako ngayon at pinoproseso ang mga nangyari kanina lang. Ayaw tanggapin ng utak ko ang mga nalaman ko.

Mayroong kumatok sa pintuan ko.

"Sir I brought what you asked at the reception " pumasok ang secretary ko dala dala ang isang bote ng alak.

"Thank you" saad ko at agad ding lumabas ang sekretarya ko.

Kinuha ko iyon at binuksan. Nagsalin ako sa baso at agad na ininom iyon.

I was crying my heart out. I felt so stupid waiting for her to come back. I pity myself for crying this much. Pagkalipas ng ilang taon, siya parin ang laman ng puso ko. I love her so much.

I still love her.



The Heir's Bodyguard (Update Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon