"Next model!"

I blinked when Kevin asked for my attention. Hindi na nagbihis si Ayna at agad na tumalon pababa sa tubig.

Inayos ko yung buhok ko dahil malakas ang hangin at linilipad yun. Pinakita muna saakin ni Kevin yung mga kuha niya kay Ayna at magaganda lahat yun.

"Here, sa likod mo dapat yung dagat" he instructed me. I nodded my head.

At first I was so focused and doing great not until Theron and his date came to the picture. Nakipag apir siya kay Kevin at sabay silang tumingin saakin. Hindi ko maiwasang magtaas ng kilay.

"Aww, ang cute! Goals kayo!" humagikhik siya. Hindi nawala sa mukha ko ang pagsusuplada.

"Bakit kayo?" tanong ni Kevin. Oh c'mon!

"Ayaw niya ng camera hahaha, but we have snaps on my phone" maarteng tugon nung babae.

Honestly she looks very pretty. With her dark brown hair and yellow one piece. She has a nice body and I can't help but to praise her.

"Maureen, let's go?" yaya ni Theron sa babae.

"Oh, sige. Bye lovebirds!" kumaway siya saaming dalawa. Lovebirds? What?

"Lovebirds daw, ulol" bulong ko.

Lumingon saakin si Kevin na may sinusupil nang ngisi. Hindi pa niya sinasabi saakin pero alam ko na agad ang nasa utak niya. Chismoso pa man din itong kupal na to!

"Selos ka no?" he arched his eyebrow. I showed him my middle finger.

"Let's get over this!" tumawa siya at agad na tumalima.

Nag pose pa ako ng ilang beses bago kami nagdesisyong lumusong na din sa tubig. Naiwan si Kevin sa taas at inayos ang mga gamit namin doon. Wala naman kasing kukuha nun. Kami kami lang ang nandito ngayon.

"You're glowing!" puna ni Krissa.

"It's neon.." banggit ko sa suot kong bikini.

"Bakit ganyan mukha mo?" takang tanong ni Lysa.

"Selos yan hahahaha" tumawa tawa pa si Kevin.

Hinampas ko siya at alam kong masakit yun dahil nasa tubig kami. Mas malakas ang impact.

"Oh, with Theron and Maureen?" tanong ni Lysa.

"No, bakit ako magseselos? It's just crush" depensa ko sa sarili.

"They're not together, close lang talaga sila" explain naman ni Gail.

Nakalimutan kong sila palang dalawa ni Lysa ang palaging lumalabas. Maybe they met them somewhere.

"I'm not asking," I chuckled a bit. It's fake.

Nanatili kami dun sa mga may rock formation ng ilang oras. Bumalik lang kami sa cottage namin nung mag alas dose na. Mabilis kaming bumalik dahil nakakahiya naman sa iba naming kasama. Baka sabihin nilang ino-op lang namin sila.

When we reached our cottage everyone started to their works. Pumalibot kami sa mga lamesa. May naka prepare nang saging sa gitna. May kanina, barbeque, hotdog, isda, pork chop, lechon at gulay. I was surprised when Maureen leaded the prayer.

Hindi ako masyadong maalam sa pagkakamay kaya awkward akong nanoood kung paano nila gawin yun. Even Maureen and Theron knows how to do it. I got embarrassed.

"Are you okay?" nag aalalang tumingin saakin si Kevin. I gulped.

"I.. don't know how" pakiramdam ko buong mukha ko ay namumula na ngayon.

Wounded Memories (La Union Series #1)Where stories live. Discover now