"Happy birthday!"

Pag uwi ko nang hapon nung isurprise ako nila Mom at Dad sa bahay. They're both holding a whole chocolate cake. Yung kambal naman ay may mga bulaklak at balloon. I hugged each one of them. I glared at Theron who's laughing behind me.

"Alam mo?!"

"Surprise?" he smiled.

Lumapit ako sakanya para mabigyan siya ng isang mahigpit na yakap. I kissed his cheek before letting him go.

"Thank you,"

"Anything for you," he kissed my forehead.

After that we went to our dining room to eat. Mom prepared a lot. We talked so much things while eating. Theron's really getting along with my family. It warms my heart.

The next morning, I woke up feeling delighted, it's like God answered my prayers. The faculty had an emergency meeting for their Educator's Night on sunday. Wala tuloy kaming pasok ngayon. I'm already done packing my things last night. Hindi nga lang makakasama saamin ngayong araw sina Lysa at Gail dahil may gagawin sila pero susunod naman sila bukas.

I also invited Clyde, he asked me if it's okay to bring someone. Siguro girlfriend niya yun. Ayos lang naman kasi nag offer siya na siya nalang magbayad nung magagastos nung kasama niya. Alas kuwatro palang nung naligo na ako. Alas singko kasi yung usapan namin. Sasama sa sasakyan ni Theron si Ayna. Ayaw niya daw kasing magdala ng sasakyan. Tinatamad na naman siguro.

I was fixing my things when I heard Theron's car outside. I can also hear noises from downstairs. Siguro gising na din sila Mom. Bitbit ang isang maliit na luggage at yung hand bag ko ay bumaba ako. Dumiretso ako sa dining namin nung makitang walang tao sa sala.

"Good morning,"

Humalik ako kay Mom at kay Theron. He looks fresh in his white polo, khaki shorts and his favorite slippers.

"Hindi na talaga kayo kakain?" tanong ni Mom nung nagpatimpla lang ako ng kape.

"Magdrive thru nalang kami tita," Theron answered.

"Sige. Ingat kayo sa biyahe ah? Balik kayo ng buo" she giggled.

"Thanks tita, we'll go. Ingat din po kayo dito" humalik siya sa nanay ko.

"Mom. Tell dad and the twins that I already left. Take care," I hugged her again before pulling my luggage.

Hawak hawak na ni Theron yung handbag ko at nauna na siya sa labas. Tinulungan niya akong ilagay sa back compartment yung bagahe ko. Nandun na din yung sakanya. Bago namin sinundo si Ayna ay sumaglit muna kami sa Mc. Do para bumili ng puwede naming kainin habang nasa daan kami.

Ayaw kasi naming tumigil sa biyahe para lang kumain. Nag early booking naman na kami pero mas maayos pa din yung on time kaming makadating. Nasa labas na nang apartment niya si Ayna nung dumating kami. Theron helped her putting her things at the back.
May bitbit pa siyang kumot at unan nung umupo siya sa back seat. She still looks sleepy.

"Tulog muna ako," she sleepily said.

"Sure. Take some rest," I smiled at her.

Agad siyang humiga. Inadjust ko na din yung inuupuan ko at pinilit ang sariling matulog. Nagising kami ni Ayna nung nasa Pangasinan palang kami. Nakasunod saamin sina Kevin, Moses at Krissa. Nakaramdam na din ako ng gutom kaya linabas ko na yung pancakes na binili namin kanina.

I handed Ayna her food and hot choco. Inabot niya yun habang nakabalot pa din siya sa kumot.

"Ano bang ginawa mo kagabi at parang antok na antok ka?" I asked her.

Wounded Memories (La Union Series #1)Where stories live. Discover now