WINTER'S POVHabang kumakain kami nila Mader, Pader at Tita Mariko, ay nagkekwentuhan na din kami. Pero minsan ay hindi ako nagsasalita dahil nawawala yung bibig ko--charot! Usapang matatanda na kasi yun. Nang mapunta naman sa anak ni Tita Mariko ang usapan ay agad akong nagsalita.
"Tita, kamusta po si Merck? Nasan po sya?" tanong ko at saka kumain ulit.
"Okay naman sya hija, kaya lang ay hindi ko sya kasama na umuwi dito sa pilipinas." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Tita.
"Ay, bakit po Tita? Busy po sya?"
"Oo hija, busy nga sya.." aniya at saka--",busy sa girlfriend." at saka sila tumawa nila Mader at Pader.
Ganon? Grabe, iba na si Merck ngayon ah. Dati naman, everytime na uuwi si Tita Mariko dito sa pilipinas e sya pa yung nagpi-prisinta para sumama agad at umuwi dito sa pilipinas. Eh ngayon? Hindi sya sumama, tapos.. busy daw sa girlfriend? May girlfriend na pala sya? Hahaha. Sabagay, gwapo naman si Merck, malaki ang katawan, maporma, may kabaitan namang taglay, may pamatay na ngiti. Halos lahat ata ng karaniwang looks sa lalaki e nakuha na nya.
"Ganon po ba.. may girlfriend na po pala si Merck? Paano na po yan, edi hindi ko na po sya magiging boyfriend, Tita?" sabi ko at nagtawanan naman sila.
"Nais mo bang maging boyfriend si Merck, hija?" tanong ni Tita Mariko ng nakangiti.
Medyo natawa naman ako ng palihim. Marahil ay inaakala ni Tita Mariko na may gusto talaga ako sa anak nila ni Tito Kenji na si Merck Kenji Jones. Hahaha, laughtrip to! Pinanindigan ko pa rin yung sinabi ko kay Tita Mariko.
"Oo naman po, Tita. Ang gwapo gwapo ng anak nyo, no." sabi ko pa.
Pero syempre, charot-charot lang yon, no! Hahaha. Ang bata pa kaya ni Merck. Hahaha. Ayoko sa kanya no, ang bata pa nya masyado para sakin. Hindi ko rin sya gusto dahil mahilig sya sa mga babae. Nung mga bata pa kasi kami, habang naglalaro kami sa labas ng bahay namin, eh may biglang dumaan na mga kasing edad namin na babae. Agad nya itong nilapitan at nakipagkilala. Tingnan mo nga naman no? Bata bata pa e babaero na. Hahaha.
"Talaga hija? Eh paano yan.. hindi ba't mag pinsan kayong dalawa diba?" tanong ni Tita. Nawala naman ang ngiti ko sa labi dahil may naalala ako.
"Hindi naman kami magpinsan legally ni Merck, Tita eh. Hindi naman po talaga ako totoong anak nila Mader at Pader." mapait na sabi ko.
Yeah. You read it, right? Mader Lorie and Pader Kenneth is not my real parents. Hindi nila ako totoong anak. Hindi sila ang totoong mga magulang ko. Hindi ko naman talaga dapat malalaman ito eh. Pero dahil nung 10 years old ako, ng minsan na kakagaling ko lang sa school at papasok na sana sa kwarto ko, pero nakita kong nakabukas yung pintuan ng kwarto nila ni Pader. Hindi ko naman sinasadya na mag eavesdropping pero ng marinig ko ang salitang ampon ay sinadya ko ng makinig sa usapan nila. Nakita nila na nasa may pintuan ako ng kwarto nila, gulat na gulat ang kanilang muka. Sinabi nila sa akin ang totoo, nung una ay hindi ko ito naintindihan. Pero ng tumagal ay naintindihan ko na din iyon. Napulot pala ako ni Mader Lorie sa labas ng bahay nya. Nakilala nya naman si Pader Kenneth, simula nung dumating ako sa buhay ni Mader. Tinanggap nila akong dalawa. Minahal nila ako at itinuring na parang tunay na anak.
Napansin ko naman na nawala ang ngiti ni Mader at Pader. Hindi ko naman na sana nais na pag usapan pa iyon, ngunit may kasutilan ata talagang taglay ang bibig ko, hahaha.
"A-Ahh, Ate? Ano na nga palang trabaho mo sa ibang bansa?" pag iiba ng usapan ni Mader. Gusto nya lang siguro na maalis sa usapan yung pagiging ampon ko, hehe.