KABANATA 21

11 1 0
                                    


BENJAMIN'S POV

"Dave?" nagugulat na usal ko habang nakatingin sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito!?" galit na tanong nya sa akin ng makita ako.

Bahagya pa akong nagulat kanina dahil muntik na nya akong mahampas ng hawak hawak nyang kahoy! Kung hindi pa nya ako makikita ay hindi pa sya matitigilan.

"Ikaw?? Anong ginagawa mo dito?" balik na tanong ko sa kanya.

"Wag mo ngang ibalik sakin yung tanong ko!"

Bahagya naman akong natawa dahil kitang-kita sa muka nya ang inis o galit ng makita ako.

Ano bang ginagawa ng isang 'to dito?

"Bakit nandito kayo?" kunot-noong tanong ko sa kanila.

Hindi sya sumagot at nanatiling masama ang paningin sa akin. Hanggang ngayon ba.. galit pa din sa akin ito!?

Alam ko naman ang kung ano ang ikinagagalit nya. Kagaya ng sinabi nya noon.. hinding-hindi nya daw nakakalimutan ang nangyari noon. Hindi ko naman kasalanan kung lumapit sakin ang girlfriend nya sakin noon at nag propose kung pwede daw akong maging boyfried nya. Tinanggihan ko yon dahil wala sa bokabolaryo ko ang commitment. Hindi ko ugaling mag-seryoso sa mga babae.

Kaya nga ako naturingang babaero at manloloko, eh. Dahil lahat ng babaeng lumalapit at nagkakan-darapang habulin ako.. ay isinasama ko sa isang lugar at doon may nangyayari. Pero pagkatapos ng gabing iyon ay iniiwanan ko na at naghahanap ng iba. Gaya nga ng sinabi ko, AYOKO SA COMMITMENT.

Kaya alam ko kung bakit ganito na lang ang galit sakin ni Dave. Isa ang girlfriend nya noon na naglulumapit sa akin, pero hindi ko pinapansin. Nag-propose pa syang maging girlfriend ko pero tinanggihan ko. Nalaman ko na lang na umiyak daw yon ng dahil sakin. Isang araw bigla akong sinugod ni Dave at sinasabi nyang kasalanan ko daw kung bakit naghiwalay sila ng ex-girlfriend nya. Ni hindi ko nga alam na girlfriend pala nya yung babaeng lumapit sa akin.

Simula noon, nagalit na sa akin si Dave at mukang hindi na mawawala yon, dahil pati ang Ate nya ay pinopormahan ko.

Nagbago na ako dahil gusto kong patunayan kay Winter na kaya kong mag bago para sa kanya.. at muka namang tumatalab. Tanging si Dave na lang talaga ang ayaw maniwala sakin.

"H-Hinahanap kasi namin ang Ate nya.." usal nung kasama nya na ikinagulat ko. "Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin daw sa kanila di Ate Winter.."

Kung ganon, nandito din sila para hanapin si Winter. Nandito din ako para hanapin si Winter.. dahil nalaman kong nandito sya. Narinig ko ang usapan ni Mickey at nung lalaki na kausap nya kanina.

"Eh ikaw?? Bakit nandito ka? Siguro tinatago mo ang Ate ko dito, noh!?" galit na sigaw nya sakin.

"Ano bang sinasabi mo? Nandito ako dahil hinahanap ko din si Winter.."

Nakatingin pa din sya ng masama sa akin. Habang ang kaibigan nya ay hawak-hawak lang sya sa may braso dahil baka bigla sumugod ito sa akin.

"Ha! Malay ko pang tinatago mo lang pala ang Ate ko, diba!?" inis nyang sigaw sakin! "Oh sige nga.. bakit nandito ka!?"

d>>__<<b

"Ano bang problema mo? Kanina pa namin hinahanap ni Althea si Winter! Kaninang hapon pa! Hinanap namin sya kung saan-saan tapos bigla na lang syang magte-text na nakauwi na pala sya.. Tapos nalaman ko na lang na nandito pa pala sya sa school! Ano, okay na!?" sagot ko sa kanya. Nakakainis na, eh! Hindi man lang muna magtanong ng maayos!

Cold-Hearted AttitudeWhere stories live. Discover now