KABANATA 13

16 2 0
                                    


WINTER'S POV

Nagising ako sa malakas na katok na nanggaling sa labas. Inis na inis naman akong bumangon at tumingin sa orasan. 8:30? Agh. Ang aga pa, eh. Usually, mga tanghali na ako nagigising. Bakit naman kasi ang aga-aga pa, eh nanggigising agad ito si Mader. Nahiga ulit ako at ipinikit ang mata. Pero--magkakasunod na katok na naman ang narinig ko.

"Mader, bakit ba?" sigaw ko ng hindi bumabangon sa higaan. Antok na antok pa ako, hay.

"Winter, anak. Bumangon ka na ri'yan sa higaan mo. May bisita ka."

Bisita? Sino naman? Nakoo, baka si Tita Mariko na naman yan. Teka, di naman ako sinasabihan ni Tita na pupunta sya dito, ah?

"Sabihin nyo na lang kay Tita Mariko na inaantok pa akoo, mamaya na!" inaantok na sigaw ko.

"Hindi ang Tita Mariko mo. Hindi ko kilala, anak. Hinahanap ka."

"Errr, wala naman po akong inaasahan na bisita Mader!" sigaw ko pa.

"Bumangon ka na ri'yan at hindi ko kilala ang lalaking iyon. Bilisan mo na!"

Weytt--LALAKI? Sino naman amg lalaking iyon? Wala naman akong pinapapunta na kaklase ko dito sa bahay. Mabilis akong bumangon at nagdere-deretso papalabas ng kwarto.

"Lalaki, Mader!?" nanlalaki ang mata na tanong ko sa kanya.

"Oo, anak. Hindi ko naitanong ang pangalan at biglang may tumawag sa cellphone nya."

Hala? Sino yon? Baka kung anong isipin ni Mader at Pader pag nakita yung bisita na yon. Bakit kasi lalaki? Jusq. Tumakbo ako pababa ng hagdanan at naabutan ko ang isang lalaki na nakaupo sa habang nakatalikod. Bigla naman itong lumingon. Laking gulat ko ng makita ko kung sino ang lalaking iyon na tinutukoy ni Mader!

"Benjamin?" mahinang usal ko sa sarili ko. Ngumiti naman sya sakin at saka tumayo. Nag-aalinlangan man pero lumapit ako sa kanya.

"A-anong ginagawa..mo d-dito?" tanong ko.

Eh bakit nga sya nandito? Hindi ko naman inaasahan na pupunta sya dito samin. Wala man lang syang pasabi. Bigla bigla na lang syang susulpot. Paano pala kung si Pader ang nagpapasok kay Benjamin? Yari tayo dyan.

"Goodmorning," aniya. Hindi pa din nawawala ang ngiti nya.

Dahan-dahan nyang ibinaba ang tingin nya sa buong katawan ko. Nagtaka ako kaya ibinaling ko din yung tingin ko sa sarili ko at--

What the heck!? I'm just wearing a short and a loose sando!

Tinakpan ko ang sarili ko gamit ang mga kamay ko. Alam kong hindi sapat na matakpan ang buong katawan ko na lumalantad sa gwapong nilalang na ito, pero ayoko naman na makita nyang ganito ang suot ko. Nakakahiya!

Naiilang na tumingin ako sa kanya. "Ahm--ano..a-akyat muna ako, kasi--" hindi ko na tinapos pa ang sasabihin ko at mabilis akong tumako papaakyat sa kwarto. Jusq, nakita nyang ganon ang ayos ko! Ni hindi man lang ako nakapag hilamos o kahit sipilyo! Naamoy kaya nya ang hininga ko?


-


"Why are you.. here, Benjamin?" tanong ko agad sa kanya ng makababa ako. Binilisan ko lang ang pagligo at baka sabihin nyang antagal ko. Pero ano naman? Eh sya yung biglang pumupunta, ah.

"It's saturday," panimula nya. "..and I want a date.. with you." nakangiting aniya.

"Date?"

"Can I.. date with you?"

Literal na nahulog ang panty ko dahil sa sinabi nya--charot! Bumilis ang kabog ng dibdib ko dahil sa sinabi nya. Hindi ako makapaniwalang si Benjamin Guevarra, ay gustong makipag-date sa akin. Pumunta pa talaga sya dito sa bahay ha? Lakas ng loob ni Benjamin. Teka--nasabi na nya kaya kay Mader kung ano sya sakin?

Cold-Hearted AttitudeWhere stories live. Discover now