KABANATA 15

21 1 0
                                    


WINTER'S POV

Ibinigay nya sa akin yung bulaklak. Dahan dahan ko namang inabot yon, dahil.. hindi pa din nawawala ang tingin ko dun sa box na hawak hawak nya. Wag nya sabihin???

Bigla nyang binuksan iyong box at..

dO_Ob

Isang bracelet.

"I want you to wear this." aniya at tinanggal ang bracelet sa box tapos ay inabot ang kamay ko. "This is the sign, that this day.. is our first date."

Ibinaba ko ang tingin ko sa bracelet na isinuot nya at pinakatitigan ito. Kulay silver sya na may heart, at mukang diamond yung nasa loob ng heart. Tiningnan ko ang lock nito at may nakalagay na 925. Ang alam ko pag may sign na ganito.. ibig sabihin ay pwede daw itong ibenta, totoo daw kasi ang ganitong bracelet pag may nakaukit na 925.

Nakangiti akong nagbalik tingin sa kanya. "Ang g-ganda," namamanghang usal ko. Ang ganda naman kasi talaga.Ngumiti sya sa akin. Hawak hawak pa rin nya yung kamay ko.

"You like it?"

"Ofcourse.. ang ganda kaya, oh."

Ngumiti sya. "Mabuti na lang at nagustuhan mo.. hindi ko kasi alam kung anong gusto mo, kaya kung ano na lang yung nagandahan ako.. yun na lang ang binili ko." saad nya.

"H-hindi mo naman ako k-kelangan bilhan ng g-ganito, eh."

Okay naman na sakin ang mag-date kami. Yung mamasyal, o kaya naman kumain sa labas. Hindi naman ako materialistic na tao. I really appreciate what he was doing for me.

Simula ng manligaw sya sakin.. pakiramdam ko, hindi ako nag iisa. Yung may taong umaaligid sakin at binabantayan ako. Pinoprotektahan ako sa mga taong nananakit sakin. Sumaya ako dahil gusto na din ako ng taong gusto ko. Okay na sakin ang makasama sya. Masaya na ako dun, kontento na ako don.

"Mukang m-mahal ito, ah?" nahihiyang sabi ko. Halata naman kasi, eh.

"Wag mong intindihin ang presyo.. ang mahala at nagustuhan mo yung simpleng binigay ko sayo."

Simple???

"Simple l-lang sayo ito?"

"Bakit? Hahaha!"

"Eh mukang mahal ito eh, tapos s-simple lang sayo?"

"Hahaha! I said, don't mind the price. It's okay." usal pa nya.

"Thank you,"

Hinawakan nya ulit ang kamay ko at saka tumitig sakin. Ang mga titig na nakakapagpalaglag ng panty ko--charot! Malamlam na mga mata. Kung kayo ang nasa sitwasyon ko, paniguradong matutunaw kayo sa titig ng gwapong nilalang na ito.

"I'm happy that you like it."

Hinawakan ko ulit ang bracelet at saka tumingin sa kanya. "No,"

Bahagyang kumunot ang noo nya at saka napamaang. "I thought y-you.. like it?" nalulungkot na aniya.

Bumagsak ang noo nya at nag iwas ng tingin. Alam ko ng ganito ang magiging reaction nya dahil sa sinabi ko. Ang OA naman neto? Hinawakan ko ang kamay nya at..

Cold-Hearted AttitudeWhere stories live. Discover now