KABANATA 7

14 2 0
                                    


WINTER'S POV

Bakit ba iba na ngayon ang kabataan? Last year hindi naman ako naging ganito. Ang sumama-sama sa barkada at magpunta sa ganitong klase ng lugar, na puro alak, lalaki, mga magjowa na naglalampungan sa isang tabi, ang mag inom. At lalo na ang paglalayas sa bahay.

Nakakainis lang dahil ito pa mismong kapatid ko ang gumagawa nito ngayon. Alam ko naman na nagbibinata na sya, pero sana naman hindi nya pinapabayaan ang pag aaral nya, pati sana rin e hindi sya naglalayas ng bahay!

"Bakit kasi nagpunta ka pa dito, Ate!?" aniya matapos naming lumayo sa Bar na yon.

"Para sunduin ka! Bakit kasi hindi ka na umuuwi ng bahay? Umuuwi ka nga minsan pero tuwing umaga lang! Ni hindi man lang kita maabutan na nandun ka! Sa ibang bahay ka na umuuwi! Ano bang nangyayari sayo, Dave!?" sigaw ko. Tumingin naman sya sakin.

"Bakit, Ate? Bakit hindi mo aminin sakin na ampon lang ako ni Nanay at Tatay!?" sigaw nya.

Ano bang sinasabi nya!? Ano bang ampon yon! Hindi ko alam ang sinasabi nya. At saka, saan nya nakuha ang salitang yon!? Bakit sa halip na ako ang nagmamaktol ng ganito, e sya pa?

"Ano bang sinasabi mo?" mahinahong tanong ko.

"Diba ampon lang ako, Ate?" Nang iangat nya ang tingin sakin, nakita kong namamasa na yung mata nya.

"A-ano bang s-sinasabi mo?" takang tanong ko.

"Aminin mo na, Ate!" at saka sya umupo sa tabi ng kalsada. "Na a-ampon lang ako ni Nanay at Tatay." tapos yumuko sya sa may tuhod nya.

Ano bang sinasabi ni Dave? Hindi namna totoo ang sinasabi nya. Ang totoo nga nyan, ako ang ampon ni Mader at Pader. Sya ang totoong anak. Simula ng makuha ako ni Mader sa labas ng bahay, tinuring nya akong tunay na anak nya. Mag iisang-taon na daw ako ng makilala nya si Pader Kenneth sa isang palengke. Naging magka-sintahan sila at nagpakasal. Naging bunga ng pagsasama nila si Dave. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit nya sinasabi ito. Kung bakit nya sinasabing ampon lang sya.

Lumuhod ako sa harapan nya at saka sya hinawakan sa ulo. Naririnig ko pa ring umiiyak sya. Hindi ko kayang nakikita na umiiyak ang kapatid ko. Kahit pa hindi ko sya totoong kapatid. Ayoko pa rin na nasasaktan sya, lalo na sa hindi naman totoo ang dahilan kung bakit nasasaktan sya.

"Dave.." tawag ko at inangat nya yung tingin nya sakin. Isa sa pinaka-ayaw ng isang kapatid, ang umiiyak ang kapatid nya.

"Ate, h-hindi ko alam kung b-bakit nila tinago sakin yung t-totoo.." at umiyak sya ulit. ",ampon lang pala ako, Ate."

Agh. Tumingala ako sa langit para pigilan yung luhang gusto ng kumawala sa mata ko. Madilim na ang langit at ang dami ng bituin sa langit.

"Ano ba kasing sinasabi mo?" pigil ang luha kong tanong sa kanya. "Hindi kita maintindihan, Dave. Bakit mo sinasabing ampon ka?"

"Narinig ko si Nanay at Tatay na nag uusap last week." pinunasan nya yung luha nya at nagsalita ulit. "Nag uusap sila tungkol sa ampon-ampon na yan.. Tatanungin ko sana sila pero--natatakot akong malaman ang totoo, kaya u-umalis na lang ako."

Gaya ng nangyare sakin noon. Nang minsan na narinig kong nag uusap si Mader at Pader sa kwarto nila. Tungkol din sa ampon-ampon na yan ang pinag usapan nila. Hindi ako nagalit dahil nilihim nila sakin yung katotohanan, naiintindihan kong hindi nila yun sinabi sakin kasi ayaw nilang masasaktan ako. Nasaktan pa din ako ng malaman ko yung bagay na yon pero hindi ako nagalit. Ang mahalaga sinabi nila sakin ang totoo. Ang mahalaga, nandyan sila na nag-alaga, nagpalaki, nagbihis, nagpa-aral, nagmahal, at tumayong magulang ko. Lahat ng sakit na naramdaman ko, nawala yun lahat dahil mahal ko si Mader at Pader. Mas angat sakin yung mahal ko sila kesa sa nasaktan ako. Hindi ko kayang magtanim ng galit sa kanila.

Cold-Hearted AttitudeWhere stories live. Discover now