Seiya
In the end, hindi rin ako nakatulog sa apartment ni Mallory dahil biglang tumigil yung ulan.
And so, the next day has started.
Habang busy ang mga kaklase ko sa kani-kanilang gawi, hindi nila alam na malapit na dumating ang supresang ihinanda ko para sa kanila.
I smiled while looking at them. This will be fun.
Nakarinig ako ng yabag ng paa na papunta sa direksyon ng klaseng ito. He's here, finally.
Pabalibag na bumukas ang pintuan ng classroom namin kaya naman hindi maiwasang mabigla ng mga kaklase ko sa narinig nilang iyon. Alam nilang may 'something' kaya naman nagsibalikan na sila sa kani-kanilang upuan at inayos ang mga sarili.
The whole room was covered in silence, in an instant. The show will start soon. Nagpeprepare pa ang main character na si sir. Iniipon niya ata ang energy niya para sa 1 hour sermon na gagawin niya. It would be different matter if he collapsed, in fact that would be awesome.
Isinarado niya ang pintuan at naglakad na papunta sa table niya. Bumuntong hininga siya at padabog na ibinaba yung dalawang libro na dala niya sa desk niya. May nakita akong envelope na nakaipit sa isang libro. Oh, it's my present. Nakakatuwa naman at dinala ni sir. Well, everything was going according to my plan. Wonderful.
Nagugulat na sila at nagtataka dahil sa kakaibang aksyon ni sir. Wala silang alam kung anong nangyayari habang ako naman dito ay nagdidiwang at palihim na tuwang-tuwa. Nasurprise na sila agad. Mas lalo siguro silang magugulat sa mga susunod na mangyayari.
Napatingin ako sa direksyon na kung saan nakaupo si Mallory. I wonder kung anong gagawin niya pagkatapos nito? Alam kong alam niya na ako lahat ang may pakana nito pero nagdadoubt din ako kasi baka mamaya hindi niya ako nakita simula umpisa kasi napansin ko lang siya nung huli na.
I'm prepared for whatever happens. Madali lang naman gumawa ng rason.
Binalik ko na ang tingin kay sir namin. Sobrang tahimik ng lahat. Ano kayang feeling kapag nakakaramdam ka ng pag-utot tapos ganito katahimik yung lugar? Haha, i'm thinking weird things again. Whatever.
"I'm disappointed in this class" nagsalita na siya pero kalmado pa. Nice emotion control, sir. Kinuha niya yung envelope at kinuha yung laman non. Ipinakita niya sa lahat. Kitang-kita ng mga nasa unahan puwesto ng upuan ang mga pinaggagawa ng mga kaklase ko sa loob ng classroom namin. "Habang nagkaklase ako ganito ang pinaggagawa niyo? Nakakahiya kayo! Ganito ba kayo pinalaki ng mga magulang ninyo? Lalo na tong siyam nato. Mga walang modo"
Nagbulong-bulongan na ang mga kaklase ko at nagsisilapitan yung mga nasa likuran para makita yung siyam na litrato. Pinagtitinginan na ng iba yung mga taong nasa picture.
Tinignan ko yung mga kinunan ko ng picture. Despair look can be seen on their faces. Kasama pa naman sa mga yon ang mga ibang target ko. Lalo na yung target ko ngayong araw nato. This is the perfect chance for me to take action and show them how cool i am.
"Mabuti nalang at naglagay ng hidden cam sa loob ng classroom nato ang Dean para makita ang mga pinaggagawa niyo sa loob ng klaseng to. Pinakita niyo talaga kung gaano kaworst ang last section nato!" Galit na sabi ni sir.
And so... ilang minuto ang lumipas ay hindi parin siya tumitigil sa pagputak. Hindi makaimik ang mga nandodoon sa litrato dahil kapag lumaban sila, alam nilang mas mapapahamak pa sila.
Sa school nato, kahit gaano ka kayaman wala kang laban sa mga guro dito. Kahit ibribe mo payan sa pera, tatanggi at tatanggi iyon at may chance pang isumbong ka sa Dean and then expulsion agad ang mangyayari. Well trained ang mga pota eh.
BINABASA MO ANG
Yūzā
Teen FictionA school where some unnatural students gather and wears mask to hide their true colors. Hanggang saan kaya hahantong ang storyang ito? Makakamit kaya ni Seiya lahat ng hinahangad niya? O mapapasakamay siya ng taong pakay niya? Don't expect for every...