Chapter 13: Genderbend Part 1

20 9 21
                                    

Seiya

Nakareceive kami ng text mula sa school na wala daw pasok ng 3 days dahil may seminar daw ang mga teachers at sa ibang lugar gaganapin.

Napangisi nalang ako. Thursday na ang balik namin. Makakapagpahinga muna ako sa mga kalokohang pinaggagawa ko.

Biglang may kumatok sa pintuan ng apartment ko. Tatayo sana ako para buksan yon ng may marinig akong boses na ikakasira ng araw ko.

"Seiyaaaa! Yohooo~" tawag ni Sylvio habang kumakatok sa pintuan.

Tumalikod ako at umupo sa couch. Kinuha ang phone at ipinasak ang headset sa aking tainga.

"Seiyaaa-chaaannn! Yeoboseyo?"

Mas lalo kong nilakasan ang volume ng hanggang sa ma max ko na. Wala na talaga akong naririnig kundi yung kantang pinapatugtog ko.

Ramdam ko ang pagbukas ng pintuan kahit na alam kong nakalock iyon. May nagtanggal ng headset ko sa aking tainga at bumungad ang nakangiting pagmumukha ni Sylvio sa mukha ko.

"You wouldn't let us in so i requested some help from Hugo. Tehee~" hinawakan ko ang pagmumukha niya gamit ang kanang kamay ko at inilayo saakin.

"Sorry Seiya. Antigas ng ulo ni Sylvio. Ayaw tumigil ng bibig. Wala na akong nagawa kundi sumama sa pupuntahan niya" sabi naman ni Hugo na nakatuon ang tingin at atensyon sa kanyang phone.

Well, siya lang naman ang nakakagawa ng ganong klaseng bagay saamin. He specialize in escaping and torture. He has a potential to be a high class criminal. Kaya niyang buksan ang mga pintuan kahit anong klaseng lock or security pa man yan.

Anyways, ano nanaman kaya ang gusto ni Sylvio at parang may pupuntahan ata kami.

Tinignan ko siya na parang may chinicheck na kung ano sa loob ng bulsa ng lab coat niya.

"Saan pupunta?" Tipid na tanong ko at binaling niya naman ang tingin saakin.

"Hehe. Ibebenta ko yung Genderbend potion na ginawa ko sa auction. Sa underground auction na malapit sa mall dito"

"Oh? Magkakaron din ba kami ng hati?"

Ngumisi siya. "Of course. Isasama ko ba kayo kung wala kayong matatanggap na share?"

Kung yung potion or whatsoever nayon ang ibebenta niya, mabibili agad iyon dahil madaming mga LGBTQ ang mayayaman sa lugar nato at hindi na nila kailangan mag undergo ng surgery since may potion naman na para magbago kaagad ang katawan nila sa kasariang hinihiling ng mga yun.

"Magkano mo naman balak ibenta yun, Sylvio?" Tanong ni Alstein na hindi ko napansing nandidito pala siya kung hindi pa siya magsasalita.

"Pag-aagawan nila to kaya ang irerequest kong presyo ay 18 million"

"Nice. May panggastos nako sa bagong game na nilalaro ko" We all know who it is.

Tumayo ako at inayos ang aking sarili. "As long as i have something in return, then i'll gladly come with you"

"Let's go" aya niya at lumabas na kami.

Kaya niya siguro kami sinama para maprotektahan siya in case na may mangyaring hindi maganda. Malamang yun ang purpose niya. Hindi naman sa hindi niya kayang protektahan yung sarili niya.

It's just that...

"Kung may mangyayaring hindi maganda, protektahan niyo ko. Ayaw na ayaw ko pa naman madumihan ang lab coat ko since madaming guards at siga doon. If a fight breaks out, madadamay ako since auction ang pupuntahan natin" sabi niya para malaman namin kung ano ang gagawin namin doon. Alam naman na siguro ni Hugo at Alstein ang tumatakbo sa isip ni Sylvio.

YūzāTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon