Kabanata 6

18 3 0
                                    

Kabanata 6: Panyo

Nandito ako ngayon sa loob ng aming classroom. Ako pa lang ang nandito dahil maaga akong pumasok, na siya namang palagi kong ginagawa.

Nakaupo ako sa pinakadulo dahil ayoko ng masyadong maraming atensyon. Dito ay wala akong katabi sa aking kaliwa at ang bintana naman ang sa aking kanan. Ayoko rin ng kausap.

Napadako ang akin paningin sa labas ng bintana. Bukas ang bintanang gawa sa salamin. Nandito ang clasroom namin sa third floor ng building. Pinagmasdan ko ang paglipad ng isang ibon mula sa sanga ng isang puno na hindi ko alam kong anong klase. Dahil sa biglang paglipad nito ay gumalaw ang sanga ng puno at naglaglagan ang ilang mga dahon nito.

Pinagmasdan ko ito habang dahan-dahang nahuhulog sa ibabaw ng mga bulaklak ng gumamela na nasa ibaba. These flowers really look captivating.

Narinig ko na may pumasok na sa loob ng classroom. Ibabalik ko na sana ang aking paningin sa loob nang mahagip ng aking mga mata ang lalaking kinaiinisan ko. Nagpipindot-pindot ito sa kanyang cellphone at umalis na rin ilang sandali ang lumipas. Biglang nagbalik sa aking alaala ang nangyari kagabi.

Buong lakas ko siyang tinulak. Nang makakalas na ako sa hawak niya ay tumakbo na ako palayo sa kanya at bumalik na sa loob ng carenderia. Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi na niya ako sinundan pa. Panay naman ang tanong ni Nanay Mona at ni Misha sa kung ano ang nangyari. Kinuwento ko sa kanila ang ginawa ng lalaking walang malay ngayon na nakahiga sa sahig ng carenderia ni Nanay at ng dalawang taong tumakas. Kinumpirma naman ang kwento ko ng mga customers na nakakita sa nangyari.

Tinanong ni Misha kung sino ‘yong lalaking sumuntok kaya sinabi ko na lang na schoolmate ko. ‘Yon naman talaga ang totoo.  Schoolmate ko lang. Kahit na kumunot ang kanyang noo sa aking naging sagot ay hindi na siya nagtanong pa ulit.

Sana hindi ko na talaga siya makita o makasalubong man lang ngunit alam kong niloloko ko lang ang aking sarili.

Tiningnan ko ‘yong kakapasok na classmate ko. Umupo ito sa bandang kaliwa. Medyo malayo-layo naman sa kinaroroonan ko. Buti naman. May hawak itong cellphone at seryosong binabasa ang kung ano man ang nandoon. May salamin siya sa kanyang mata.

Napansin niya akong nakatitig kaya umangat ang kanyang tingin sa akin. Nag-iwas naman ako agad.


Pagkatapos ng klase ay tumungo ako sa canteen para bumili ng mango shake.
Matthew’s favorite. Napangiti ako nang maisip na naman ang aking kaibigan. Isang mapait na ngiti.

Nagbuntong-hininga na lamang ako.

Mamaya pang 1:30 ang susunod na klase ko at 11:00 pa lang ngayon. Pumunta ako sa gilid ng soccer field na hindi masyadong nadadaanan ng mga estudyante at nagpahinga sa lilim ng isang puno. Hindi ko intensyong makatulog pero dahil sa napakasarap ng simoy ng hangin ay hindi ko na napigilan pang makatulog.


Nagising ako bandang 1:00 ng hapon. Ang haba naman ng tulog ko ngunit hindi naman nangawit ang aking likod. Napagdesisyunan ko na mamaya nalang pagkatapos ng klase ako kakain ng lunch dahil ayokong ma-late.

Kinakabahan akong naglalakad patungo sa classroom ng susunod na subject ko. Kung anong dahilan ay hindi ko alam o hindi ko lang kayang aminin.

Napatigil ako sa aking paglalakad nang makasalubong ko ang hibang na lalaking ito, ang dahilan kung bakit ako kinakabahan. Huminto rin ito sa paglalakad.

Nagtitigan lang kami hanggang sa hindi ko na makayanan ay ako ang unang nag-iwas. Ayokong dumaan sa harapan niya. Gusto kong dumaan sa ibang lugar ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay gagawin ko nalang ito. At isa pa, ayoko talagang ma-late.

Nagbuntong-hininga ako bago humakbang. Nakatingin pa rin siya sa akin. Seryoso ang mga tinging pinupukol nito sa akin. Nakalagpas na ako sa harapan nya. Salamat naman at wala siyang kahit na anong ginawa.

Ngunit napatigil ako sa paglalakad nang magsalita siya.

“We will talk later, Lara.” Bumagsak ang aking balikat dahil sa narinig. Akala ko ay tatantanan na niya ako.

Hiindi ako humarap. “Kung mahahanap mo ako.” matapang na sagot ko. Kung akala niya ay mapapasunod na naman niya ako sa mga kagustuhan niya ay nagkakamali siya.

“I can find you.” Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong nakangisi siya. Hindi na ako sumagot pa at umalis na lang.

Wala akong pasok sa dalawa pang subjects ko mamaya kaya uuwi agad ako pagkatapos nito.


Natapos na ang klase kaya dumiretso agad ako sa likod ng University. May isang exit doon, hindi katulad sa main entrance ay masikip ito. Doon ako lalabas. Baka harangan na naman ako ng mga guards sa main entrance gaya ng dati.

Na-swipe ko na ang aking ID at lalabas na sana ng University nang pigilan ako ng isang lalaking guard.

“Ma'am, sandali, patingin muna ng ID mo?” Huwag niyang sasabihin na hindi na naman ako pwedeng makalabas dahil utos na naman ng walang hiyang lalaking ‘yon?

Ipinakita ko ang ID ko.

“Ma'am, hindi pa po kayo pwede naming palabasin ng University. Utos po kasi ni Mr--”

“Greg?” halos mapairap na ako sa guard na ito. “Bakit daw?”

“Hindi po namin alam, Maam.” Napakamot siya sa kanyang ulo. “Pasensya na po. Mabuti pa po ay puntahan niyo na lamang siya para malaman niyo po kung anong dahilan.”

Ano ba talagang problema ng lalaking ‘yon? Bakit niya ako dinadamay sa mga trip niya? Wala ba siyang magawa sa buhay niya? Bakit niya pinapakialaman ang buhay ko? Unti-unting namumuo ang mga luha sa aking mga mata dahil sa pagka-inis.

Sinasamantala niya ang pagiging Student Government President niya.

Tumalikod na ako para umalis na dito at bumalik sa loob ng Univeristy nang mabangga ko ang isang babaeng nakasalamin. Humingi siya agad ng paumanhin ngunit nagpatuloy lang ako sa aking paglakad. Hindi ko na siya pinagtuonan pa ng pansin. Pinupunasan ko nalang ang mga luhang hindi ko namalayan na tumutulo na pala.


Natagpuan ko nalang ang aking sarili sa likod ng University Gym. Umupo ako sa isang bench malapit sa mga bulaklak ng gumamela. Dalawa lang ang upuan dito.

Marami ang mga bulaklak na gumamela ngayon hindi katulad noong isang araw. Isa sa kinamamanghaan ko sa paaralang ito ay napakarami nitong mga tanim na bulaklak ng gumamela. I’m starting to like this flower.

Isinubsob ko ang aking mukha sa aking mga kamay at hinayaang tumulo ang aking mga luha. Umiiyak ako ngayon hindi lang dahil sa inis at galit. Nakakaramdam din ako ng takot sa isiping hindi na ako tatantan ni Greg.

Nagulat ako nang may biglang kumalabit sa akin at nakita ko nalang ang isang asul na panyo na nakalahad sa harapan ko.
Umakyat ang paningin ko mula sa panyo patungo sa may-ari nito. Isang lalaking nakangiti ang aking nasilayan.

Kumunot ang aking noo. Agad akong tumayo at pinunasan ang aking luha gamit ang aking kamay. Akto na akong aalis nang pigilan niya ako sa aking braso bago niya sapilitang inilagay ang panyo sa aking kamay.

“Ibalik mo nalang ‘yan kapag nagkita tayong muli.” sabi niya bago ako iniwan.

Until My Heartaches End (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon