Kabanata 7

16 3 0
                                    

Kabanata 7: Sakay

Pupuntahan ko si Greg. Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang kailangan niya sa akin para matapos na itong kahibangan niya.

Mabilis kong narating ang opisina niya. Pipihitin ko na sana ang doorknob nang bumukas bigla ang pinto. Bumungad siya sa aking harapan. Nakatitig sa akin habang unti-unting umaangat ang isang sulok ng kanyang labi.

“You’re here.” panunuyang sabi niya.

“Ano ba talagang kailangan mo sa akin!?” biglang asik ko.

“Get in first.” Mas nilakihan niya ang pagkabukas ng pinto. Pinaningkitan ko siya ng tingin bago ako pumasok.

“Ano? Sagutin mo ang tanong ko.”

Nagbuntong-hininga siya. “Sit first.”

Sinunod ko na siya dahil kating-kati na akong malaman kung ano talaga ang binabalak niya. Umupo ako sa maliit ngunit malambot na sofa.

“Sabihin mo na.”

Mahina siyang tumawa bago umupo sa kaharap kong upuan. Tinitigan niya lang ako. Nagtaas ako ng isang kilay. Tumawa naman siya.

“Anong nakakatawa?” inis na tanong ko. Biglang kumulo ang aking dugo dahil sa pagtawa niya.

“Nothing.” Tumikhim ito bago nagsalita. “Ihahatid kita mamaya. For now, stay here.” Hindi niya sinagot ang kahit isa sa mga tanong ko. Tumayo na ito kaya tumayo rin ako.

“May gusto ka ba sakin?” bigla nalang lumabas sa bibig ko ang tanong na ito. Baka ito ang dahilan kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito.

Natigilan ito pagkatapos ay lumapit sa akin. Umatras ako.

“I’ll find you another job, Lara. I don’t want you working there.” Hindi niya talaga sinasagot ang mga tanong ko. Kanina niya pa iniiwasan ang mga ito.

“Bakit?”

“It’s not safe.” may diing sabi niya.

“Ano namang pakialam mo?”

Nagtiim-bagang ito. Biglang nilukob ng kaba ang aking dibdib dahil doon. Baka magalit na naman siya katulad kagabi.

“Huwag mo akong pilitin sa isang bagay na ayaw ko. At saka, bakit ikaw nagdedesisyon sa kung ano ang dapat kong gawin?” kahit na natatakot ay nagsalita pa rin ako.

Nakatitig lang ito nang malalim sa akin.
“If you don’t want to, then you can live with me.”

“A-ano?”

“Live with me.” nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung anong ibig niyang sabihin.

Kumuyom na ang mga kamao ko. “Hindi talaga kita maintindihan. Pakiusap, linawin mo naman sa akin lahat ng ‘to. Tigilan mo na ‘ko.” namumuo na ang mga luha sa aking mata. Tila nagbabadya na itong tumulo. Nakakapagod kausap ang lalaking ito. At nakakabaliw.

Nabigla ako sa kanyang pagyakap. Sobrang higpit. Tila wala na akong kawala pa kaya hindi ko na sinubukan pang kumawala. Tumulo na ng tuluyan ang aking mga luha.

“Sorry.” Tumigil ang pagdaosdos ng luha ko dahil sa aking narinig.

Humingi siya ng sorry? Para saan? Para sa mga pangbubulabog niya sa buhay ko?
Gusto kong humarap at makita ang mukha niya ngunit hindi niya ako hinayaan na maharap siya. Nanatili siyang nakayapos sa akin.

Ilang sandali ang lumipas at pinakawalan na niya ako ngunit bigla akong nahilo. Napakapit ulit ako sa kanya.

“Ayos ka lang?” dinig ko ang pag-aalala sa kanyang boses kaya napatingin ako sa kanyang mukha. Nakakunot ang noo nito.

Ilang segundo ang lumipas ay nawala na rin ang pagkahilo ko kaya humiwalay na ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng gano’n. Lumayo ako ng konti para makahinga ako nang maayos dahil parang nasisikipan ako sa aking paghinga dahil sa lapit namin sa isa’t isa. Kanina pa ako malapit sa kanya kaya siguro ako nakaramdam ng pagkahilo.

Pinaningkitan niya ako ng tingin.
“You didn’t eat at lunch. Am I right?”

Hindi nga ako kumain dahil balak ko sa pag-uwi ko na lang ako kakain ngunit hindi naman ako nakauwi agad dahil hindi na naman niya ako pinalabas ng Universty.

Hindi naman ako nakakaramdam ng gutom ngayon.

“Hindi ako gutom.” Ngunit hindi niya pinakinggan ang aking sinabi at hinila niya ako palabas ng opisina niya at dinala niya ako sa canteen. May sinabi siya sa isa sa mga naka-assign roon na magbantay at pagkatapos ay dumiretso na kami sa isang bakanteng upuan.

Binawi ko na ang isang kamay ko mula sa kanya dahil kanina niya pa hawak ito. Hindi na ako kumportable. Lalo na at iilan sa mga estudyanteng nandito sa canteen ay nakatingin sa amin.

Maya maya ay may dumating na isang lalaki na dala ang isang tray na may mga pagkain. At sa pagkakataong ito, nakaramdam na ako ng gutom. Pinanuod ko siyang nilapag sa mesa ang mga pagkain. Pagkatapos ay umalis na.

Grabe! Parang restaurant lang ang canteen na ito para sa kanya ah. May tagapagsilbi. Sabagay, pamangkin nga naman ng may-ari ng University na ito. Special treatment. Napairap ako sa aking isipan.

“Eat.” Nakahalukipkip ito sa aking harapan habang nakasalubong ang mga kilay.
Hindi na ako umangal pa. Kumain na ako. Kinuha niya ang isang plato na may ulam. At kumain rin. Nagsalubong ang aking mga kilay.

“Bakit hindi ka kumakain sa tamang oras?” biglang tanong niya. May halong pagkainis ang kanyang pagkatanong.

Hindi ako sumagot. Nagpatuloy lang ako sa pag kain.

“Lara--”

“Hindi ka rin ba kumain kaninang lunch?” tanong ko pabalik. Umangat ang aking tingin. Napansin ko ang paglambot ng kanyang titig dahil sa aking tanong.

“No.” tipid na sagot nito.

“Parehas lang tayo.”

Biglang umangat ang isang sulok ng kanyang labi at unti-unting ngumiti. Hindi ko na siya pinansin pagkatapos no’n at pinagpatuloy ang pag kain.

Kasalanan niya kung bakit ako gutom ngayon. Naiba ang plano ko. Napairap na lang ako sa aking isipan.


Pagkatapos naming kumain ay bumalik kami sa opisina niya. Hindi ako makawala. Hawak hawak niya ang aking kamay hanggang makarating kami roon.

Tumikhim ako. “Pwede na ba akong umalis?”

“Ihahatid kita.”

“Hindi na kailangan.” pagtanggi ko pero hindi niya pinansin ang sinabi ko.
Lumabas na kami at patungo sa parking lot. Nakahawak na naman siya sa kamay ko at wala akong nagawa kundi magpatianod na lamang. Masyadong malakas ang lalaking ito.

“Sakay.”

Hindi makapaniwalang hinarap ko siya. Iba talaga to kung makapag-utos. Umiling ako. “Hindi na talaga kailangan.”

“Sakay na.”

“Malapit lang ang titinitirhan ko. Maglalakad lang ako.”

“Sasakay ka o hahalikan kita?”

Nanlaki ang aking mga mata. Namalayan ko nalang ang sarili ko na nakaupo na sa loob ng kanyang sasakayan at sinusundan siya ng tingin habang umikot ito sa kanyang sasakyan at pumasok na rin sa loob.

Napatakip na lang ako sa aking bibig.

Until My Heartaches End (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon