Kabanata 4: Eat
Pagkapasok ko sa eskwelahan kanina, sa may gate pa lang ay ramdam ko na ang mga tingin o di kaya ay titig ng ilang estudyante sa akin.
Bakit ba nila ako tinitignan?
Dahil ba ito sa nangyari kahapon sa canteen? Dahil ba natapunan ko ng shake ang presidente nila? Naiinis na naman ako kapag naiisip ko ang ginawa ng lalaking iyon. Sana nga hindi ko na makita ang pagmumukha niya.
Ngunit hindi pabor sa akin ang tadhana ngayon dahil no'ng papunta na ako sa classroom ko ay nakaharang sa dapat na daraanan ko ang lalaking iyon.
Nakapamulsa ito. Isang liko na lamang ay classroom na namin ngunit ayokong dumaan sa harapan niya. Tumalikod ako at naisip kong dumaan sa kabilang daraanan kahit na medyo malayo-layo na ito nang bigla siyang magsalita.
"The other way is temporarily close."
Pagkasabi niya nito ay naalala kong sinara ito kahapon dahil nasira ang daanang semento nito. Humarap ako sa kanya. Ngumingisi ito. Ayokong ma-late at ayoko ring dumaan sa harapan niya. Ayokong mapalapit na naman sa kanya.
"Come." sabi niya habang ngumingisi. "You're going to be late." Tumabi siya at sumandal sa puting pader sa gilid.
Wala na akong choice. Iniwas ko na ang aking tingin sa lalaking ito at nagsimula ng maglakad. Nang malapit na akong makalagpas sa kanya ay hinigit niya ako sa aking braso at nilapit sa kanya. Pinulupot niya ang kanyang mga kamay sa katawan ko.
"Bitawan mo 'ko!" sigaw ko. Hindi ako makagalaw.
"Ssh." Hinawi niya ang ilang strand ng aking buhok na nakatakip sa aking mukha at inipit niya ito sa likod ng aking tenga. "I want you in my office this lunch time, Lara."
Sinubukan kong kumawala at hinayaan niya ako. "Bakit alam mo ang pangalan ko?" tinanong ko na ang isang bagay na kahapon pa gumugulo sa isip ko.
Ngumiti siya. "I will tell you later. Be there." Tumalikod na siya at naglakad palayo.
Pumunta na ako sa classroom dahil late na ako at doon na ako nakapag-isip nang mabuti.
Ano naman ang ginawa ng lalaking iyon sa akin!?
Binaon ko ang aking mukha sa aking libro at nagbuntong-hininga.
Natapos na ang lahat ng subjects ko sa umaga. Ayokong kumain doon sa canteen kaya naisip ko na pumunta sa carenderia ni Nanay Mona at doon na magtanghalian. Ngunit nang makarating ako sa gate ay kinuha ng isang lalaking guard ang aking ID at tinignan ito.
"Iha, pasensya na, hindi kita pwedeng palabasin."
Ano raw?
Tumabi ako para paraanin ang ibang mga estudyante. Ang ilan sa kanila ay tumitingin-tingin sa akin.
"Bakit po?" tanong ko sa kanya.
"Utos kasi ni Mr. Greg na huwag kayong palabasin ng university."
Greg.
Napatigil ang isang babae sa pag-swipe sa kanyang ID at tinignan ako.
Naalala ko ang sinabi niya kanina na gusto niya akong pumunta sa opisina niya ngayong lunch time. Ano na namang balak ng lalaking ito!? Hindi niya ba ako titigilan?
Sa kabilang exit nalang ako lalabas kahit malayo-layo na ito sa carenderia ni Nanay. Tumalikod na ako at sa lahat ng taong una kong makita sa may mga benches ay siya pa talaga. Nakatayo siya at ngumingisi na naman. Na naman.
Lumapit siya sa akin. "Trying to escape, huh?"
"Ano bang kailangan mo?"
"You know what I want."
Malalim akong nagbuntong-hininga. Kumukunot ang aking noo dahil sa pagka-inis ko sa taong ito. Nang iniwas ko na ang aking tingin sa kanya ay nagulat ako na nakalapit na siya sa akin. Hinawakan niya ang aking kamay at marahan niya akong hinila paalis.
Nang sinubukan kong kunin ang kamay ko ay humigpit naman ang kanyang hawak. Maraming nakatingin na mga estudyante. Karamihan sa kanila ay nagbubulungan.
Dahil ayokong makaagaw ng sobrang atensyon sa paligid ay nanahimik ako. Nang makarating kami sa building kung nasaan ang kanyang opisina at wala na masyadong mga tao ay sinubukan ko na ulit na kumawala.
"Pwede ba, bitawan mo. Ayokong sumama sa iyo!"
"Lara, I'm hungry. Let's walk faster." Kumunot na naman ang aking noo. Sinabi niya bang gutom na siya?
Nakarating na kami sa opisina niya at laking gulat ko na may nakahandang iba't ibang pagkain. Nakapatong ito sa isang maliit na mesa. Katabi nito ay isang mahabang sofa.
Tinignan ko siya. Ang pagkain. At balik sa kanya. Kaya niya bang ubusin lahat ng yan? Sobrang dami.
Binitawan niya na ang pagkakahawak niya sa aking kamay.
"Sabihin mo na sa akin kung bakit mo ako kilala. Kahapon pa kita nakaharap. Bakit alam mo ang pangalan ko?"
"Let's eat first." Hinawakan niya ulit ang aking kamay at pinaupo niya ako sa sofa. Uupo na rin sana siya nang bigla akong tumayo.
"Anong sabi mo?"
"Kumain na tayo." Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at sapilitang pinaupo sa tabi niya.
Kaya niya ba ako pinapunta dito upang kumain?
"Do you want me to feed you?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Pinilit kong tumayo ngunit nakahawak pa rin siya sa aking mga braso.
"Stop fighting and arguing, Lara. Let's just eat."
Kumuha siya ng isang kutsarang kanin at ulam at akmang susubuan ako.
"Eat." Nanlaki na naman ang mga mata ko.
"Ayoko. Gusto ko ng umalis!"
Nagbuntong-hininga siya. "I won't let you go. Not, until you eat."
Tinignan ko ang mga pagkain. Nagugutom na rin ako at pagod na rin akong makipagtalo sa kanya.
Nagbuntong-hininga ako at saka tumango. Isusubo niya na sana sa akin ang pagkain nang pinigilan ko siya. "Ako na." Ngumiti siya at binigay niya sa akin ang kutsara.
At sabay kaming kumain.
BINABASA MO ANG
Until My Heartaches End (On Hold)
RomanceYou have the power over your pain. -- After Lara Adeline Romirez lost everything she dearly loves, she promises to keep her already shattered heart unharmed. She can't afford to lose these remaining pieces anymore. All throughout the years, she giv...