Kabanata 5: Dangerous
Naiisip ko pa rin ang nangyari kahapon. Kaya lang talaga ako pumayag na kumain kasama siya dahil una ayaw niya talaga akong umalis. Pangalawa ay gutom na ako at pagod na akong makipagtalo sa isang kagaya niyang matigas ang ulo.
Ngunit alam kong hindi lang doon magtatapos ang namamagitan sa aming dalawa. Dahil sa pagpayag na ginawa ko kahapon, alam kong masusundan pa ang paghaharap namin.
Ayaw ko na talaga siyang makaharap pa. Hindi ko gusto ang presensya niya, ang klase ng dating niya sa akin. Masyadong mabigat ang nararamdaman ko. Hindi ako nakakahinga nang maayos dahil sa inis. Nakakainis ang presensya niya dahil isa siyang bastos na lalaki.
"Ate?"
Humarap ako sa taong nagsalita. Nandito ako ngayon sa carenderia ni Nanay Mona dahil oras na ng trabaho ko. Malapit ng mag-ala sais ng gabi.
"Bakit Misha?" sagot ko sa nag-iisang anak ni Nanay Mona. Labing-apat na taong gulang pa lamang ito.
"Ate, masakit ang tiyan ko." reklamo niya habang hawak-hawak ang kanyang tiyan. "Pwede po bang ikaw muna ang mag-asikaso sa kanila?" Turo niya sa tatlong lalaking mukhang mga tambay lang na nag-iinuman. "May kailangan daw sila. Punta muna ako sa CR."
"Oo naman. Ako na ang bahala. Sige, magmadali ka na." sabi ko dahil pansin ko na ang pagkalukot ng kanyang katawan dahil sa sakit na nararamdaman sa kanyang tiyan.
Nagmadali naman itong pumunta sa CR. Pumunta na rin ako sa tatlong lalaking nag-iinuman. Ang lalakas pa ng kanilang mga boses at pinagtitinginan na rin sila ng mga ibang customer namin dito. Nandoon sa kusina si Nanay Mona upang magluto pa ng ibang putahe.
"Ano pong kailangan ninyo?" mahinahong tanong ko sa kanila dahil unti-unti ng napupukaw ang pagka-inis ko. Baka mahalata pa nila dahilan upang magalit sila sa akin. Lasing pa naman ang mga ito. Ayoko ng gulo. Ngunit hindi ko nagugustuhan ang kanilang mga titig.
"Ikaw Miss, pwede ka ba?" sabi ng isa sa kanila.
Bastos.
"Oo Miss. Ikaw ang kailangan namin." sabi pa ng isa na nasa gilid nakaupo.
"Halika dito sa tabi ko." Aalis na sana ako dahil walang kwentang kausap ang mga taong ito nang tumayo ang isa sa kanila at hinigit ako palapit sa kanya. Ngunit hindi na ako nakadikit pa sa kanyang katawan dahil bigla siyang natumba sa sahig at nawalan ng malay.
Gulat kong tinignan ang taong may kagagawan nito. Napaawang ang bibig ko ng makita kung sino ito.
Anong ginagawa niya dito?
Lumapit siya sa dalawa pang lalaki na ngayon ay nanginginig na ang mga tuhod ngunit bago pa siya makalapit ay tumakbo palabas ang mga ito. Hindi ko sila masisi dahil nag-aapoy sa galit ang lalaking sumuntok sa isang kasama nila. Nanlilisik ang mga mata nitong sinundan ng tingin ang dalawa.
Umatras ako ng dalawang hakbang nang ibinaling niya ang kanyang tingin sa akin. Parang gusto ko ring tumakbo paalis dito. Pansin ko sa gilid ng aking mga mata na nakatulala pa rin lahat ng mga customer. Dumating si Nanay Mona at Misha.
"Diyos ko po, anong nangyari dito?" kinakabahang tanong ni Nanay Mona. Hindi ko pa rin maiwas ang aking tingin sa mga titig ni Greg. Nabigla ako nang hinawakan niya ang aking braso at hinila palabas ng carenderia. Hindi ko na nagawa pang hilahin pabalik ang aking braso dahil natatakot ako. Natatakot ako sa mga kinikilos niya.
"Why the hell are you here!?" Napatakip ako sa aking tainga nang sumigaw siya. Ngayon, hindi ko na magawang tumingin sa nanlilisik niyang mga mata. Gusto kong tumakbo pabalik sa loob. Gusto kong iwasan ang hibang na lalaking ito.
Hinawakan niya ako sa magkabilang braso. Akala ko ay masasaktan ako ngunit hindi niya diniinan ang kanyang paghawak. "Why are you here?" kalmadong tanong ulit niya sa kanyang tanong kaya nagawa ko ng sumagot.
"Di-dito ako nagtatrabaho." nauutal na sagot ko.
Bumuntong-hininga siya kaya napatingin na ako sa kanya. Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata.
Pag-aalala? Bakit?
"I want you to stop working here."
"Ano?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"You will stop working here." Baliw. Gusto ko sanang sabihin pero natatakot ako na magalit siya ulit. Hindi ko talaga kinakaya kapag nandito siya sa tabi ko. Nanghihina na ang aking mga tuhod. Napagtanto ko na hindi lang pala ako naiinis sa presensya niya, natatakot rin pala ako.
"Ba-bakit naman ako titigil sa pagtatrabaho dito?"
"Because I want to."
"Baliw." 'Yon na. Nasabi ko na. Gustong gusto ko ng tumakbo palayo sa kanya.
"I am."
Nanlambot na ng tuluyan ang aking mga tuhod nang pinulupot niya ang kanyang kamay sa aking baywang at idinikit ako sa kanya. Lumapit ang kanyang mukha at naramdaman ko nalang ang kanyang labi sa aking labi.
Hinahalikan na naman niya ako!
Sinubukan ko siyang itulak ngunit naramdaman ko ang isang kamay niya sa likod ng aking ulo at mas diniinan pa ang kanyang paghalik.
Wala na. Ayoko ng manlaban pa. This guy is really crazy and dangerous. At pakiramdam ko hindi na ako makakatakas pa sa mga bisig niya sa susunod na mga araw.
BINABASA MO ANG
Until My Heartaches End (On Hold)
RomansaYou have the power over your pain. -- After Lara Adeline Romirez lost everything she dearly loves, she promises to keep her already shattered heart unharmed. She can't afford to lose these remaining pieces anymore. All throughout the years, she giv...