Chia's POV
"Si Chia po kasi, binusted yung nanliligaw sa kaniya"
"Kaya pati po kami, sinaktan dahil nagseselos po sa amin"
"E hindi naman po ganun kagandahan si Chia para ligawan ng madami"
Nagulat ako sa sinabi ng tatlo. Grabe. Ang Bad nila sakin
"Kaya kayo nauupakan e. Inaaway niyo lagi si Chia" Buti nalang I have tita Zaica to save me "May nanliligaw nga ba dito kay Chia?"
"Pano yan liligawan? E mas ginoo pa yan manuntok kesa samin" sagot ni Xi kaya kaagad naman siyang napitik ni tita Zaica
"Bleeh buti nga" banat ko kay Xi
"May pinagmanahan naman sa pagiging ginoo" sabi ni Tita Athena at saka tumawa
"Ganun ka din Tita Chari?" tanong ni Gilldon sabay subo ng kinakain niya
"Kung alam niyo lang kung gaano kalakas manuntok yan, mas daig pa nga ang ginoo" Sabi ni tita Alicia na ikinatawa naman ng lahat.
Nang mapagtawanan ay kaagad namang binago ni mommy ang topic "May nanliligaw nga ba sayo?" Baling niya sakin
"Paano ba ako maliligawan? E may tatlong feeling siga na nakapalibot sakin" pagmamaktol ko
At yun ang tatlo, kaniya-kaniyang Flex ng mga muscles. Kala mo naman meron.
Sa totoo lang, meron din naman talagang mga balak na manligaw sakin, kaso lahat sila biglang nalang nawawala, hindi nalang bigla magpaparamdam, o kaya naman iba na agad ang gusto kinabukasan.
———
I was sitting alone at the student center with my eyes focused on the book nang biglang may nagpatong ng yakult sa ibabaw ng table.
"Thanks" sabi ko kahit na hindi ko pa nakikita kung sino yun since alam ko naman na maalin lang sa tatlo yun. "Yan lang?"
Dinukot niya sa bulsa niya ang tatlong mamahaling chocolates at dalawang ng love letters.
"Anong section?" tanong ko habang patuloy parin sa pagbabasa.
"1B, 2C, 3B, 3E, 4A," si Gilldon ang nagsasalita.
He is mentioning different sections of girls na pinaggalingan nitong mga dala niya.
"Cool" banggit ko at saka siya hinarap na ngayon ay nakatayo parin sa harapan ko.
"Bakit iniwan mo ko sa room" tanong niya at saka naupo sa upuan sa harap ko tapos naghalumbaba
"E kasi po ang daming nakapalibot sayo at baka pag initan na naman ako ng mga yun"
"Ayaw ko na aalis ka mamaya mag-isa ha. Intayin mo ko"
"Problema mo?"
"Wala"
Tiningnan ko siya ng masama "Sino na naman ang dinumped mo ha?"
Tumawa siya at saka umubob na kasabay nito ang pagdating nina Cayden at Xi.
"Nangyari dyan?"
Nagkibit balikat naman ako bilang sagot.
Bago umupo ay ipinatong nila sa table ang iba't ibang uri ng pagkain. Tiba-tiba na naman ako dito
-------
"Class dismiss" sabi ng teacher namin at saka umalis.
Kaagad ko namang kinuha ang bag ko para umalis na. Hindi ko na binalak na antayin pa si Gilldon dahil baka gawin niya na naman akong cover girl.
I was walking alone after class nang biglang may tumawag sa pangalan ko
"Chia?" Napalingon ako sa babaeng tumawag sakin.
"Boyfriend mo ba si Xeon Dizon?" Ano na naman kaya ang ginawa nun
"Hindi" maiksing sagot ko
"E bakit ba lapit ka nang lapit sa kaniya" sabi niya at saka tinulak ang kaliwang balikat ko na kinainis ko.
"May gusto ka ba sa kaniya" tinulak niya ako ng isa pa.
Isa pang tulak nito, sasapakin ko na to.
Pero bago pa man ako mawalan ng control sa sarili ko ay lalaking biglang dumating at hinawakan ang braso ng babae.
It's Gilldon and he's with Cayden and Xi.
I knew they'd come. They never failed to protect me.
"You okay?" Pagaalalang tanong sakin ni Cayden
I smiled as an answer.
Hinawakan ako ni Cayden sa balikat and tapped my head gently.
"Let go of me. Xeon, please help me. He's hurting me" rinig kong sabi ng babae
Nang makalapit sa kanila si Xi ay binitawan na ni Gilldon ang babae.
"Who allowed you to put a hand on Chia?" seryosong tanong ni Xi. Nagpamulsa siya at saka muling nagsalita "Hindi kita ex girlfriend, at lalong hindi din naman kita girlfriend. Tigilan mo na ako"
"But I like you Xeon" sabi nito at yumapos kay Xi na kaagad naman nitong itinulak nang bahagya.
Xi looked at me then speaked again "Don't ever try to mess with this girl"
Xi hold my hand at saka ako hinila para maglakad at kasunod namin sina Cayden at Gilldon.
"Ano ba ang hindi mo magustuhan sakin?"
Xi stopped walking then speaked without looking at the girl "Be at least half of Chia's Level"
BINABASA MO ANG
Unofficial Status 3: Got Trouble With These Guys
Teen FictionNakuha na ni Chari ang Happily ever after niya pero hindi pa dito nagtatapos ang istorya. The second generation will continue what Chari had started.