Chia's POV
"Di mo na ko love" pagbaby-talk ko ulit
Ramdam ko ang pag-iling nya.
I tapped his head "Ughh, siguro nakunsensya ka sa di mo pagpansin sakin noh"
"Mm-mm" pagsagot niya at saka bumitaw at binuksan ang pinto saka pumasok. Sumunod naman ako sa kaniya
"Bakit ang tagal niyo?" pagtatanong ni Gilldon nang makarating kami
"Nag-inarte pa ang pinsan mo" pagsagot ko
"Ikaw ang naginarte" sagot ni Xi "Di mo na ko love" paggaya niya sa boses ko
"Nye nyeee" pang-asar ko at naupo na para mag-umpisang kumain.
While eating, we are just talking some random things that happened before, nung mga bata pa kami
"Tanda niyo pa ba nung mga bata tayo, si Chia yung laging paiyakin. Sobrang pikon kasi" pagkukwento ni Cayden
"Oo tanda ko ate pa yung tawag mo sakin nun" sabi ko naman
"Kasi mas matangkad ka pa sakin dati, tamo ngayon hanggang balikat nalang kita" pang-aasar niya
"Aba bastos ka ah" Kung hindi lang to bata sakin, pinatulan ko na to
"Konting asar lang namin ni Cayden nagagalit na agad, bigla nalang manununtok habang naiyak" pagkukwento ni Gilldon habang medyo natawa.
"Pano kasi, tinuruan ni Xi maging street fighter" turo ni Cayden kay Xi
"Buti pa nga si Xi, hindi ako inaaway dati"
"Dati" banggit ni Xi at tumingin sakin
Tumango ako bilang sagot "Inaaway mo na din kasi ako ngayon, tapos isa ka na din sa ginagawa akong cover girl, pero ikaw parin yun love ko"
"Ako? Di mo love?" paawang tanong ni Gilldon.
"Love din kita"
"Ako?" pagsingit ni Cayden
"Syempre love kita, mapapatay ako kung hindi. Dalawa lang kayo ni ate Kelly na pinsan ko"
"Hmf" sabi niya at saka nagpatuloy sa pagkain. "Tabi ako sayo mamaya ah"
"Hindi! Ako ang katabi niya" with matching pagtayo pa si Gilldon.
"Sa gitna nalang si Chia" suggest ni Cayden
"No" pag disagree ko
Medyo napaisip si Gilldon at sinapok ang kawawang si Cayden at ginantihan naman nito
"E hindi naman yan natulog sa gitna, sa gilid niya lagi gusto. Kaya ako ang katabi niya"
"Bakit ba?" tanong ni Cayden
"Crush ko kasi yan" pagsagot ni Gilldon. We all know he's just joking kaya hindi na big deal yun
Nagulat kaming lahat sa biglang biglang pagtayo ni Xi at pagbagsak nito sa plato na halos ikabasag ng kawawang plato.
"Ako na maghuhugas" pag-ako nito sa gawain
"Very good" sabi ko at saka umakyat kasama sina Cayden at Gilldon.
Nagpunta kami sa guestroom para kumuha ng mga ipanglalatag namin sa living room dahil dun kaming lahat tutulog.
Pagbaba ay kaagad kong inayos ang latag at saka muling binuksan ang TV pero pinatay din naman ito ni Cayden.
BINABASA MO ANG
Unofficial Status 3: Got Trouble With These Guys
Teen FictionNakuha na ni Chari ang Happily ever after niya pero hindi pa dito nagtatapos ang istorya. The second generation will continue what Chari had started.