I - H. O. N.

32 11 40
                                    

Genre: SciFi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Genre: SciFi

Published on Wattpad on: March 24, 2020

***************



I think my boyfriend is cheating.

Si Marvin at ako, mag a-apat na taon na kaming magkasintahan. At sa luob na apat na taon na iyon ay puro kabaitan ang ipinakita niya sa akin.

He loves me. So much. And I know that he still does.

"Hon, tara kain tayo sa labas. I'll treat my beautiful girlfriend to anything she likes."

"Hon, susunduin kita, ang lakas ng ulan eh. Alam ko may payong ka kaso nag-aalala ko baka mabasa ka pa rin sa lakas ng hangin."

"Hon, masakit paa mo? Come here, massage kita."

"Hon kain ka na. I brought you your favorite chicken."

"Hon miss na kita. Uwi ka na."

"Hon I love you. Wag mo ko iwan ha?"

Marvin is an aspiring scientist. Sa kabila ng pagiging abala niya sa lahat ng trabaho niya, hindi ko kailanman naramdaman na kinukulang ako sa atensyon. He takes care of me so much that I know for a fact kung gaano niya ako kamahal.

So why did I say I think he's cheating on me?

It's because of times like this.

Kakauwi ko lang ng bahay galing sa laboratory na pinapasukan ko at nadatnan kong wala siya sa sala. Inaasahan ko na ang nasilip kong mga pagkain na hinain niya sa kusina dahil sabi niya ay sabay kaming magla-lunch at ipagluluto niya ako.

But where is he?

Tinungo ko ang kwarto namin at naruon sya at nakatanaw sa bintana habang may kausap sa cellphone.

"...of course. I'll be waiting for you."

Sino ang hinihintay niya?

"I miss you. I will see you soon..."

Nakaramdam ako ng kirot... Napakasinsiro ng boses niya na iisipin mo talagang namimiss nga niya kung sinuman iyong kinakausap niya.

"I love you, Hon."

Pakiramdam ko ay pinagbagsakan ako ng kung anong mabigat na bagay.

Hon?

Ilan ba kaming Hon sa buhay niya? Ang sabi niya ako lang...

Ang sabi niya wala na siyang kayang ibang mahalin kundi ako lang...

Ako lang.

"Hey Hon, you're here." Naramdaman ko ang mahigpit niyang yakap at ang masuyong paghalik niya sa noo ko. "I miss you. Come here, ipinagluto kita ng masarap para matuwa ka naman sakin."

Ang sakit...

Paano ko malalaman ang totoo kung ang bawat yakap niya, bawat halik at sinasabi niya ay damang-dama kong totoo?

Bakit sa tuwing titignan ko ang mga mata niya ay para bang ako lang ang nakikita niyang maganda?

Sa tuwing ngingiti siya ay parang ako lang ang nakakapagpasaya sa kaniya?

Pero sino siya... Sino siyang ilang beses kong nahuhuling kausap ni Marvin nang ganuon...

"How are you feeling Hon?" Parati niyang tinatanong iyan tuwing uuwi ako mula sa trabaho. Inaasikaso, inaalala, inaalagaan.

"Ahm... I feel okay," pagsisinungaling ko habang nagsisimulang kumain. "How is... how is your project?"

"Good," nakangiti niyang sagot at muli akong hinalikan sa noo bago naupo sa tabi ko at pinagmasdan akong kumain.

"Hindi ka ba kakain?"

"Kakain. Let me just look at you for a while."

Bigla akong kinabahan. Bakit... Paaalisin na ba niya ako sa apartment niya? "Gusto mo... gusto mo subuan kita?"

Umiling siya at muli akong pinagmasdan. "How do you feel like going back to the lab?"

Natigil ako sa pagkain. "I just got off from work. Pababalikin mo 'ko?"

"Work?" nakangiti siyang umiling-iling. "You are amazing, Hon. You know that, right?" at muli na naman niya akong niyakap at hinalikan sa noo.

"Marvin? Is there something wrong?" hindi nakatiis na tanong ko.

"Wrong? Nothing's wrong." Tumayo siya at nagpunta sa kusina. "In fact, everything's perfect. You are perfect!"

Naguguluhan ako. Kung perfect ako para sa kaniya bakit mayroon siyang iba? Bakit pakiramdam ko nabibilang na lang ang oras na makakasama ko siya?

"So... bakit pinapabalik mo ako sa trabaho ko?"

"Hon, anong trabaho? Wala ka namang trabaho."

Naguguluhan lalo akong tiningala siya habang nakatayo siya sa harap ko at nakangiting pinagmamasdan ang mukha ko.

"What are you saying Marvin? I have work at the lab."

"Work? Sa lab? Hon, you were supposed to be resting at the lab and that is not what work is."

Pero... pero may trabaho ako sa lab, hindi ba? Ano nga ba ang ginagawa ko sa lab? Anong trabaho...

Hinaplos niya ang mukha ko at nakita ko na naman ang pagmamahal sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin.

"You are the most perfect thing for me, Hon."

Puro na lang siya Hon. I call him Hon, I call him Marvin. But he never even once called me by my name... Parang nakaikot na lang ang pagkatao ko sa salitang "Hon."

But my name...

Ano nga bang pangalan ko...

"I never thought you could be this way," patuloy niya. "And now that I am sure that you are perfect, I am ready to let you go."

Nang makita ko ang mga luha sa mga mata niya, duon ko naintindihan na namamaalam siya.

"Bakit..." naiiyak kong tanong sa kaniya. "Bakit mo ko pakakawalan? Anong mali Marvin? Sabihin mo para itama ko?"

Niyakap niya ako nang mahigpit habang hindi mapigil ang luha ko. Umiiyak din siya, alam ko. Pero kung nasasaktan siya bakit kailangan niya pa akong hiwalayan?

"There's nothing wrong Hon. It's just that..." saglit siyang natahimik. Naramdaman ko siyang humugot ng malalim na hininga at tinitigan ako.

"She's coming back Hon. I've waited for her for so long and now she's coming back!"

"Sino? Sinong babalik Marvin?"

Isang malapad na ngiti ang sumilay sa mga labi niya.

"Her. The woman I've missed so much that I had to create you. And now that she's coming back, I have to reset you and give you to the highest bidder."

Isang maliit na tila remote ng TV ang nakita kong itinapat niya sa noo ko.

"Goodbye Project Human Omega Nostrana."

And the world blinked out of existense.

My World of One ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon