Genre: Paranormal
1st published: November 7, 2019****************
"Rian! Rian Gising!"
Napabalikwas ng higaan si Rian. Ang nag-aalalang mukha ni Kyle ang kaniyang nabungaran. Nakasuot ito ng uniporme nitong itim na fatigue at may nakasukbit na baril sa balikat.
"Sinusugod tayo?"
Mabilis na tumango ang lalaki at dagli siyang hinila nito patayo. Nagsimula itong maghalungkat ng mga gamit kaya pinakiramdaman ni Rian ang paligid.
Malalim na ang gabi at tulog na ang lahat ng mga tao sa kanilang kampo maliban sa mga sundalong nakatokang nagbabantay sa pader. Ngunit alam niyang matalas ang pakiramdam ni Kyle at hindi ito matataranta sa walang dahilan.
Maya-maya'y isang tunog ng baril ang kaniyang nadinig. Nasundan iyon ng malalakas na sigawan at utos ng mga sundalong tila nagkagulo.
"Isuot mo 'to," isang makapal na jacket ang ipinasuot sa kaniya ng lalaki at may kung anong mga gamit na ipinasok nito sa isang bag.
"Ilan sila Kyle?"
"Marami." Napalunok ito at saglit siyang tinitigan "Napakarami, Rian."
"Kaya ng mga sundalo natin 'to. Nagawa na nila ito ng ilang beses."
"Not this time around." Isinuot nito sa kaniya ang backpack na puno ng mga gamit na inihanda nito. "I counted 30 of them, Rian. At marami pa ang dumarating."
Kasunod niyon ay isang matinis at nakapangingilabot na tunog ang pumailanlang sa ere. Nasundan iyon ng isa pa.
Ng isa pa.
At isa pa.
Hanggang sa natakpan na ng mga mala-hayop na tunog na iyon ang tunog ng mga baril at nagsisigawang mga tao.
"Oh my God..." nasambit niya habang binabalutan ng kakaibang takot ang buong katawan niya.
"Hindi iyon tunog ng isang nasasaktan, Rian," patuloy ni Kyle. "They found us all. Nagtatawag sila ng mga kasama."
Napamura siya. Nagtatawag ang mga halimaw na iyon upang dumugin ang kampo nilang iisa sa mga natitirang grupo ng mga taong naiiwan na lang ngayon sa mundo. Iilang sibilyan ang naruruon? Mga bata, pamilya, at matatandang tanging pader at mga armadong sundalo lamang tulad ni Kyle ang proteksiyon.
"Anong ginagawa mo?" tanong niya nang hilain siya ni Kyle patungo sa pintuan.
"You have to go."
"No!" hinablot niya ang kamay mula sa pagkakahawak nito. "Hindi kita iiwan, hindi ko iiwan ang mga tao dito. I'm a doctor Kyle, kakailanganin nila--"
"I warned them Rian! I warned them that they had to fortify that damned wall! Pero isang baguhan lang ang tingin nila sa akin at hindi sila naniwala. I did everything I can."
BINABASA MO ANG
My World of One Shot
Short StoryCompilation of all my One Shot Stories in one book Language: Taglish