IV - M.L. PA MORE!

30 11 30
                                    

Genre: Fantasy

1st Published on Wattpad: January 27, 2020

** P.S. Sana walang magalit na ML Players ditto. Hahaha!

***********************

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***********************

"Papa?" tawag ko sa asawa kong si Lian.

"Mm?"

"Sama pakiramdam ko..."

"Hm?"

"Baka maka-absent ako ngayon sa work," nanghihina kong sabi pagkatapos ay bumaling sa kanan upang hanapin si Lian pati ang 3 taon naming anak na lalaking si Yan-yan.

"Ah...eh, di tawag ka na lang para alam ng office, Ma. Para-- hala, hala, hala!! Langya talaga 'tong mga kakampi na to--"

"Pa!" saway ko kay Lian. "May bata, ano ba 'yang sinasabi mo?"

"Eh kasi 'tong mga kakampi ko Ma, eh!" Nanggigigil na turo niya sa hawak na cellphone. "Hindi man lang ako sinamahan sa mid! Ayan napatay tuloy ako!"

Napabuntong hininga na lamang ako. Obvious na ang paborito niyang online game na Mobile Legend ang tinutukoy niya.

"Pa, baka naman pwedeng ikaw na muna ang magluto ng hapunan ngayon, ha? Paki-pakain na lang din si Yan-yan", tukoy ko sa anak kong nagsisiyesta sa tabi ko. "Ipapahinga ko lang 'to. Baka sakaling makapasok pa din ako mamayang gabi sa shift." Sayang din ang bayad sa isang araw pati ang night differential kung aabsent ako.

"Umn... Sige, Sige Ma, ako bahala -- ay talaga naman! Mga cancer talaga, oo!"

"Salamat," bulong ko na lamang na halata namang hindi na niya narinig pa dahil mukhang abalang-abala na siya sa kakadutdot sa cellphone niya.

Dinampian ko na lamang ng halik sa noo si Yan-yan at muli nang naidlip. Ramdam kong ang init ng pakiramdam ko at parang may bulak sa gaan ang ulo ko.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Madilim na nang magmulat ako at tahimik na ang paligid. Pati ilaw sa kwarto namin ay nakapatay na rin.

Hindi pa rin gumanda ang pakiramdam ko at parang lumala pa. Ngunit dahil kailangan kong tumawag at magpaalam sa office na hindi ako makakapasok sa night shift namin ay pilit akong bumangon.

Napansin kong tulog na rin ang anak ko. Mukhang hindi ito napalitan man lang ng damit pangtulog pero hindi ko na lamang iyon pinansin.

"Pa? Gising ka pa?"

Napabalikwas sa inuupuang sofa sa sala si Lian nang tawagin ko.

"Oh, Ma??? Bakit bumangon ka? Kala ko may sakit ka?!"

"Tatawag ako sa office."

Nilapitan ko ang kusina upang silipin kung ano ang niluto ni Lian.

"Wala nang pagkain?" Dismayado kong pansin sa walang laman na rice cooker.

My World of One ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon