Genre: Mystery
1st Published in Wattpad: January 18, 2020
***************
"Condolence po."
Tahimik na tumango ang mag-asawang nilapitan ng boyfriend ko. Mga magulang sila ng isa sa mga barkada ni Errie.
"Hon, upo ka muna," yaya ko sa kaniya matapos niyang saglit na kausapin ang pamilya ng namatay.
"This is unbelievable, Maia. Last year it was Faye, nuong June si Rhian. Tapos ngayon si Kate?!" Bumuntong hininga ako at hinaplos ang likod niya dahil alam kong nasasaktan siya ngunit wala din naman akong magawa.
"May balita ba sa kung sinong pumatay sa kanila?" mahina kong tanong. Ayokong madagdagan ang sakit ng pamilya ng namatay kapag nadinig uli nila ang paraan ng pagkakamatay ni Kate.
"Yun na nga eh! Hanggang ngayon wala pa ring nahuhuli!"
"Do you think this is made by a serial killer?" Nanlalaki ang matang tanong ko.
"Iyon din ang pinaghihinalaan ng mga pulis, the last time we talked to them. Nasa iisang group of friends lang silang tatlo at pare-parehong death by multiple stab wounds ang cause. Hindi lang bastang kutsilyo, Maia. Yung serrated pa daw. How sick are you to not just kill someone but also cause so much pain sa biktima bago mo pa patayin?!"
Ihinilamos niya ang palad sa mukha. Halatang nanlulumo ang boyfriend ko dahil sa sunod-sunod na pagkamatay ng iilan sa mga kakilala at kaibigan niya. Naruon din ang galit dahil sa paraan ng pagkakamatay nila.
Kahit ako ay hindi nagawang tignan ang mga pictures ng saksak dahil sa nakakahilakbot na itsura ng mga yun.
"Hon, do you think..." Nag-aalangan ako sa gusto kong sabihin.
"What? Say it."
"All of them are women," mahina kong sambit habang inaala ang ilan sa mga namatay nitong kaibigan. Nakakatakot isipin ngunit ngayon lamang sumagi ito sa isipan ko. "All of them are within your circle of friends. Tingin mo ba... May chance na ako ang isa sa mga isusunod ng killer?"
Unti-unting naglaho ang lungkot ni Errie at napalitan ng hilakbot. Ayoko siyang sadyang takutin pero mas maganda na iyong ma-realize niya iyon bago pa mahuli ang lahat. Natatakot ako dahil pakiramdam ko ay tama ang sinasabi ko.
Hinawakan niya ang mga kamay ko at matiim akong tinitigan. "I'll never let that happen, Hon. Walang pwedeng makalapit sa iyo na hindi dumadaan sakin! I'll go to the police para manghingi ng protection if necessary."
Tumango ako at yumakap sa kaniya. Natatakot man ako pero sapat na sa akin na nandiyan siya sa tabi ko at handa akong protektahan anumang oras.
"Errie?"
Sabay naming nilingon ang isang babae at lalaking bagong dating lamang.
"Sab! Nico!" Dali-daling tumayo si Errie at sinalubong ang dalawa. Maya-maya lamang ay luhaan ang babaeng tinawag niyang Sab at nakayuko naman iyong Nico habang naluluhang nagkukwento si Errie sa kanila.
BINABASA MO ANG
My World of One Shot
Short StoryCompilation of all my One Shot Stories in one book Language: Taglish