V - Halloween Night

30 9 31
                                    

Genre: Paranormal
1st Published on Wattpad: January 23, 2020

Genre: Paranormal1st Published on Wattpad: January 23, 2020

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


*******************

"Trick or treat!"

Nakangiting inabutan ni Layla ng mga candies ang mga nakacostume na batang kumatok sa pinto ng bahay niya. Halloween na nga dahil nagkalat na ang mga batang ito.

"Ako, hindi mo aabutan ng candy?"

Nilingon niya ang nagsalita. Naruon at nakatukod ang mga braso sa kaniyang bakuran ang kaniyang kaibigan slash kapitbahay na si Aris at nakangiting tinanguan siya. "Naka costume naman ako."

Nginisihan niya ito at inabutan ng isang lollipop. Isang simpleng t-shirt at maong na pantalon lamang ang suot nito ngunit dahil ito lang ang araw na hindi ito nakapang-opisina ay para na ngang nakacostume ito.

"Oy, ganda ng effects," turo niya sa mga usok na gumagapang sa kalsada mula sa kung saan. Nakangiti namang tumango-tango ang lalaki.

"Tara," hinawakan nito ang braso niya at sinimulang hilain. "Date tayo. May malapit na restaurant dito."

"Hoy Aristotle," tawag  nya sa buong pangalan nito. "Halloween na halloween aayain mo ko ng date?" Natawa siya. "Sa normal na araw mo ko ayain."

"Sasama ka ba?"

"Pag-iisipan ko."

Tawa lang din naman ang sinagot ni Aris, ewan ba niya kung seryoso ito o nagbibiro lang. Sanay na siya sa ganitong senaryo nila. Mag-aasaran, maglalambingan, magpaparinig tapos dadaanin sa tawa.

Tatanungin pa sana niya ito tungkol duon nang may kung anung matinis na tunog ang pumailanlang sa kapaligiran. "Ano 'yun?" bulong niya.

Kunot-noong tinanaw ng lalaki ang di kalayuan. "Is it the new sound of curfew now?"

"Malamang. Alas dose na ata--"

Muling nadinig ang matinis na tunog na iyon na nasundan pa ng isa.

At isa pa.

"What the..."

Kasunod niyon ay ang kakaibang tunog sa hangin. Tila ba may pumapagpag na kung anong malaking bagay sa ere.

They both looked up when something flew by their head.

"Shit, ano yun?" sinubukan niyang hanapin kung anuman ang dumaan ngunit wala siyang makita. Mukha itong malaking paniki na mabilis ding nawala sa kumakapal ng usok. "Ang laki na talaga ng gastos ng subdivision natin sa effects ah."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My World of One ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon