CHAPTER V
Ash's POV
Lalabas na ako ng kwarto ko dahil pinapatawag na ako ni tita. Nang isara ko na ang pinto ay bigla ko siyang makita at kakalabas din pala niya , yeah si Viennise. DugDugDugDug! Biglang bumilis ng tibok ng puso ko ng makita ko siya at lalo akong napukaw sa kasuotan niyang dress , simple pero bumagay sakanya.
Nagulat ako ng makita ko siya kanina nung pagkadating ko palang sa bahay na ito. At pansin kong ganon din siya at may halong hiya sa kanyang mukha. Shempreee sino ba naman ang hindi makakalimot sa ginawa niya saakin sa campus!
Dahil sa ginawa ni Viennise saakin ay tinukso tukso na ako ng mga barkada ko. Swerte ko daw kasi hinalikan ako ni crush! YES she's my crush since 2nd year in high school and now I'm in 4th year so mag to-two years ko na siyang crush. Alam kong hindi niya alam na matagal ko na siyang crush dahil lagi ko siyang sinusungitan at tinataboy pag nagpapa-pansin. Nakakatawa nga lang malaman eh na crush din pala niya ako! HAHAHAHA tadhana nga naman lagi akong pinapasaya :-)
Siya yung tipo kong babae kasi napakasimple niya. Simple manamit, konti lang nilalagay na dekorasyon sa kanyang mukha pero sobrang ganda niya, kakaiba ang ganda niya kasi hindi siya kasing puti ng ibang babae na yung iba ay puti nalang nagdadala at sobrang kapal ng mga makeup! Siya? shempre napakasimple masasabi mong natural ang kanyang ganda at yun ang nagpabighani sa akin. :)
Nagulat ako ng hinalikan niya ako sa mukha ko dahil hindi ko yun inaasahan at tinawag niya pa ako ng 'myloves'
Flashback
Hindi ako makatulog ng gabing iyon at iniisip ang mangyayari kinabukasan.
Paano kaya pag niligawan ko siya? Bibigyan ba niya ako ng chance?
Ohh self be ready! Bukas na bukas liligawan natin si Viennise my loves. Heheheheheh :-)Kringgg! Kringggg! Kringggg!
(Phone ringing)Kinuha ko ang selpon ko ng diko na binabasa kung sino, hayssss sino nanaman kaya ito.
"Hello son" -kabilang linya
" Oh hello Dad ikaw pala!" - sagot ko
" Yes ako nga, mag impake kana ngayon kasi pupuntahan natin ang tita mo. Medyo magtatagal tayo dun kasi gusto ko ng makasama ang tita mo at gusto ko narin ipakilala sayo ang magiging kapatid mo." - Dad
"Ohh seriously Dad? For longterm?" - gulat kong tanong
" Yes , so mag impake kana wala ng tanong tanong , bukas na punta natin doon" - Dad
Tototot
Hays binabaan ba naman ako! Kami titira na kila tita? Bakit ? Eh may bahay naman si Dad ah ! Argggh! Pano na yung plano ko para kay Viennise? Hayssss malas! malas! malas!
Inis akong nag impake ng mga gabit ko, at sino naman yang mga bago kong kapatid at talagang inuna pa ni Dad yun eh! Hayssssss!
End Of Flashback
Kaharap ko parin si Viennise ngayon na napansin kong titig na titig siya saakin. Medyo sumaya ako dun sa pagtitig niya kasi mukha siyang timang HAHAHA!
Lumapit ako sakanya pero diniya yun napansin at nilapit ko pa talaga ang mukha ko sa mukha niya para inisin siya. Wala eh trip kong gulatin siga at inisin.
Natulala siya nung napansin niya ang ginagawa ko HAHAHAHA! Ano nanaman kaya iniisip nito?
"Anong tinitigna-tignan mo sa pagmumukha ko? Pinagnanahasan mo ba ako? Baka nakakalimutan mo may kasalanan kapa saakin at yun ay pagbabayaran mo, at alam ko rin namay gusto ka saakin. Kung ako sayo itigil mo na yang kapraningan mo LIL SIS." - bulong ko sakanya
Pagakatapos kong sinabi yun sakanya ay iniwan ko na siya. Ewan ko ba bat ko yun sinabi . Gusto kong tumawa na mainis sa sinabi ko kasi tinawag ko siyang 'lilsis' imbes na myloves! hayasst!
Naabutan ko sila Dad na kumkain na at inimbitahan na nga nila akong kumain . Pinagmasdan ko kung gaano kasaya si Dady kay tita. Pero naisip ko si Viennise, crush ko siya at ganon din siya saakin pero magiging magkapatid na kami once na magpakasal sila . Oh Bllsht! Hindi ito pwede! Bakit si tita pa ang nahanap ni Dad? Arghhh!
May narinig akong mga yapak pababa ng hagdan, baka si Viennise na yan. Hmmmp! Dahil sa inis ko hindi ko nalang siya pinansin.
Habang nakikipagkulitan siya kay Dad ay tinitignan ko siya . Sobrang saya ngiyang kakwentuhan si Dad at feel ko gustong gusto niya si Dad na maging Dad rin. Haysss :( Magiging Dad mo din naman siya eh pag tayo na , pag pinakasalan na kita pero bakit sa ganitong sitwasyon pa? Ang hirap tanggapin at itapon ang feelings ko para sayo :(
Napansin kong tinitignan niya na pala ako kaya umiwas ako ng tingin. Diko na ko na siya ulit tinignan pero napansin ko siya nung umakyat na siya ng hagdan. Parang may tumulak saatin at napatayo ako bigla at kusa nalang ang mga paa ko na sinundan siya.
Hinila ko kamay niya at bigla nalang ako nagsalita ng diko naman iyon intensyong gawin."What?" -inis na tanong niya
"What? Ako dapat ang magtatanong niyan Viennise!"- medyo pagalit kong sabi
First time kong tinawag siya sa pangalan niya at bigla nalang akong nakaramdam ng kuryente sa puso ko. Parang bakla diba? Hahahahaha!
"Ano bang ginawa mo saakin bat ako nagkakaganito ngayon? Bakit sa dinami-daming babae bakit ikaw pa" - may kalungkutan kong sabi
"Anong sinasabi mo? Saka bitawan mo nga ako" - inis niyang sabi
Arghhh! Ash anong ginagawa mo? Umayos ka!!!!
"Oh sorry"- sabi ko sabay walk out
Sa sobrang hiya ko ay yan nalang ang nasabi ko. Bumalik ako ng kwarto ko at iniisip ang mga susunod na mangyayari. Mahal ko na si Viennise at lalo lang akong mahuhulog sakanya ngayon dahil nasa iisang bahay lang kami. Natatakot ako na baka isang araw matukso ako at may gawin ako sakaanya . Kung sakali mang matukso ako , matutukso din kaya siya? Argghhh! Ano ba itong iniisip ko! Mali ito ! Sobrang mali!
...
YOU ARE READING
Playful World [COMPLETED]
عاطفيةSometimes we choose the pain than our happiness . Expected the unexpected !