Gian on the right side. :))
***
Janelle's POV
"Excuse me! Excuse! Makikiraan! Excuse me lang. Salamat! Excuse!"
Napatukod na lang ako sa tuhod ko para magpahinga at HUMINGA kahit saglit lang.
Hayysss! Sa wakas nakarating din sa school! Ang hirap talaga kapag kulang ang baon mo! Wala kang choice kundi maglakad o tumakbo kapag late ka na. At bakit ba kasi ang daming tao ngayon dito??!!! May artista bang dumating?
Ako nga pala si Janelle Kim. 19 years old. 3rd year college Fine Arts student sa Corinthia Sofia University. Scholar ako dito, pero sa totoo lang eh hindi naman ako ganon katalino. Naawa lang siguro ang Diyos kaya ipinasa niya ako sa exam. Simpleng tao lang ako. Kumakaen, natutulog, naglalakad, nag-aaral, at higit sa lahat, kumakaen. :D Simple lang din ang pamumuhay namin ng pamilya ko. Si mama, si papa, at si Elton ang mga nakakasama ko sa araw-araw kong pamumuhay. Masaya ako kahit hindi kami mayaman, sapat ng lagi ko silang kasama, dahil sa tanong na 'Para kanino ka bumabangon?' Pamilya ko lang ang isasagot ko. :)
"Ano ba yan late na ko!" Sabi ko sa sarili ko habang naglalakad na ako sa campus. AFTER 123456789 YEARS!! Akala ko hindi na ako makakalagpas sa dami ng tao na kasalukuyang nasa harap ng Gate ng School ngayon! Partida may media pa? Sikat na ba school na pinapasukan ko ngayon?!
Pagdating ko sa lobby ng building, nagulat ako dahil nakatingin sa akin lahat ng estudyante. As in lahat ng estudyante!!! Nakapalibot sila sa lobby. At poker face lang sila.
"H-hi." Nahihiyang sabi ko. Mahina lang naman yun pero sapat na para marinig nila. Tinaas ko pa ang kanang kamay ko bilang pagbati ko sa kanila. Pero nabigla na lang ako nang...
"KYYAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!!"
Anak nang putakte! Nagtilian ang mga estudyante at sinugod ako!!!! Napapikit na lang ako sa takot na baka kung anong gawin nila. Hala jusko po! Feeling ko matutumba ako!
Teka bakit parang siksikan? Parang sinisiksik ako?
=____=
Napadilat ako at napatingin sa likod kung saan nagtakbuhan ang mga estudyante. Bokya naman oh! Ano ba talagang meron!
Sa sobrang siksikan, natangay ako ng mga tao. "Teka sandali! May bansot na tao kayong natatangay!!!" Sigaw ko. Pero tila walang nakakarinig dahil busy sila sa pagtili at paglapit sa kung ano mang meron ngayon sa school.
Nagpumilit akong makalabas ngunit talaga yatang malas ako ngayong araw at natulak ako nang natulak at nabangga ako sa isang tao.
"Arayy!" Sigaw ko.
O_____O
Napahinto sa pagtili ang mga tao. Parang kidlat din sa bilis ang paglayo ng mga estudyante. Napansin ko na lang na nakayakap na pala ako sa isang lalaki. Ang braso niya ay nakapulupot din sa akin na parang sinalo niya talaga ako sa dapat sana'y pagbagsak ko sa sahig.
Nagkatitigan kami ng matagal. Wala akong ingay na nadidinig sa paligid.
Hanggang sa lakas loob na itinulak ko siya.
"Hoy! Ano ka ba ha?!" Sigaw ko sa kanya na may kasama pang turo sa mukha niya dahilan para mapaatras siya. "Bakit mo ko niyayakap?! Bastos ka ah!!" Matapang na sigaw ko.
"Tss." Napangiti siya ng sarkastiko. Itong unggoy na to! Ngumiti pa! May lalapit sanang tatlong men in black sakin pero pinigil ito nung unggoy. Ano yun mga bodyguard? Bigla namang nagtawanan ang mga estudyante. Nakisabay naman sa pagtawa yung unggoy pero yung tawa niya eh tawang mahinhin. Hanggang sa tinabig niya yung kamay ko na nakaturo sa kanya at hinapit niya ako papalapit sa kanya. Ngayon, 5 inches na lang ata ang layo nang mukha niya sakin! Muli na namang nahinto ang tawanan at tumahimik ulit.
BINABASA MO ANG
Married To A Prince
Fiksi RemajaUng simpleng buhay mo ay nagulo nang lumipat sa school niyo ang tinaguriang "Prince of Drama" sa industriya ng Showbiz (Show Business). Idagdag pa ang biglaan at di inaasahang pagpapakasal mo dito. Makasurvive ka kaya sa kasungitan niya? Mamahalin n...