CHAPTER 3

28 9 2
                                    

Hayy nakakainis! Bakit kasi tanghali na ako nagising. Panigurado may diniscuss nang plate si Sir Pluto, oo Pluto kasi maliit lang yun eh. Maaga pa naman so maaga rin ako makakauwi galing Art Tags at makakasabay ko pa si ate Lala mag-dinner.

After 12 minutes may dumaan nang Jeep. 8 pesos lang naman . 

Nandito na ako sa Carosello Square pero hindi muna ako pumuntang Art Tags. Iba kasi ung ambiance na binibigay ng mall na to eh, sobrang environmental friendly nya. Unlike any other malls na super artificial lang ng plants and everything.  There are interesting grasscrete patterns, wood pavements, character repetitions, calming landscapes and other water features. Ung tipong hindi ka mapapagod kahit gaano ka na katagal maglakad.


Since nagsasawa na rin akong maglakad-lakad, pumasok na rin ako sa loob ng mall.  Pero parang may napansin akong familiar face sa The Shoe Store. 

Si Jerico ba yun? Pero may kasama siyang babae. Maganda tapos matangkad pa. I think that lady is wearing a 5 inches wedge, black slacks, navy blue v-neck blouse tapos ung hair nya is bob cut hairstyle. Basta ganon ang ganda. Ang professional ng dating. And I think napansin ako ni Jerico but I'm really not sure. 


Ang nasa isip ko lang ngayon is ung parchment ni Belle syempre pati sakin haha and i think i need to buy new set of paints, naubos na kasi ung stocks ko kasi nagpapractice ako habang bakasyon eh. 


So ayon, kumuha na ako ng 10 rolls na parchment papers para stock na rin. Habang namimili ako ng paints napansin kong may bago na pala silang set ng watercolor set na matagal ko nang inaantay. hmmm ano kaya kukuhanin ko, ung Metal Set 12 Half Pan or ung 24 Half Pan ng Schmincke Horadam Aquarell?

Okay sige final decision, bigla kong kinuha ung 24 Half Pan kasi baka biglang magbago ung isip ko. Pero ung pagkakuha ko, may dadampot rin sana non. And nang titingnan ko kung sino sana ung kukuha, napanganga ako kasi si Jerico ung kaharap ko. hmmmm pag sinuswerte ka nga. joke lang. 


"Ay sorry nadampot ko na hehe." sabi ko na nangingiti pa sa hiya. Di ko alam bakit ko kailangan mahiya eh wala naman dapat ikahiya. 

"No it's okay, i'll go with the 12 Half Pan nalang" he said and flashed a smile.

Pero nasaan na kaya ung kasama nyang babae? Jowa nya kaya yun? :/

"Wait, I'll ask the staff kung meron pa silang stock. Malay natin diba?" sabi ko tapos dumiretso ako dun sa isang staff na nag-aayos ng gamit. Aalma pa sana sya sa sinabi ko pero umalis ako agad para puntahan ung staff

"Kuya, meron pa po ba kayong ganitong stock?" Pinakita ko ung paint set tapos sabi ni kuya wait lang daw ichecheck nya. 

Babalik sana ako para puntahan si Jerico pero nasa likod ko na pala sya, sumunod pala sakin. Tahimik lang ako haha di ko kasi alam paano mag-oopen ng conversation. 

"So, Schmincke din pala gamit mo?" pag-oopen nya ng convo haha

"Ahh  oo, may kamahalan pero worth the price naman ung quality." paliwanag ko. Medyong ang awkward pero saks lang ahaha

"Namimili ka na ng materials mo ah, ano plate nyo? haha" di ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi nya na to o maiinis ako eh haha. Masaya yon ha? masaya yon? first week palang pahirap na.

"Un nga masama eh di ko alam kung ano ung gagawin haha di kasi ako nakapasok kanina kasi tinanghali ako ng gising. Si Pluto pa naman ung prof hayyy" nakakahiya pero bakit inamin ko sa crush ko na parang ang tamad ko pumasok hahah hindi ba dapat nagpapabibo ako?

Coffee & StringsWhere stories live. Discover now