CHAPTER 5

23 3 3
                                    

"What? Lunch?" Parang nabingi ako dun ah. Weh? Seyoso ba yon? Hahaha. "With me? Oh dear God sir!" napatakip ako sa bibig ko sa gulat. Hindi talaga nagsi-sink-in sakin. "Are you sure about that?" goshh okay ang daldal ko pero paano ba ko magre-react nang hindi n'ya dapat mahalatang kinikilig ako?

"Wait, uhm something wrong? And what's with the 'sir'?" sabi nya habang palipat lipat 'yung tingin sakin at sa daan. "uhhhh" sabay kamot ko sa ulo. Mali mali! baka isipin pa nito may kuto ako. "Nah, expression lang. Pero kasi nakakahiya." umayos ako ng upo tapos humarap sa kanya kahit nagda-drive sya. "Uhh sorry but maybe next time nalang kuya?  May take home plate kasi ako." wala naman talaga eh pero quiz bukas meron oo. 

Sakto naman at nasa tapat na kami ng bahay namin. "Kuya, labhan ko muna ung dalawang towel na to ha." nakakahiya naman kasi inupuan ko na, pinang-punas ko pa nang basang-basa kong buhok tyaka damit. 

"Hey no, ako nalang. Ako naman 'yung nag-offer and para maisauli ko na rin kay Yuanne. Actually nandito pa nga rin ung towel ni Benjo and Hero. You know them right?" sabi niya habang nagpa-park.

"No din! Bukas na bukas ibabalik ko rin sa'yo promise!"  sabay dampot ng tuwalya. "Pasok ka muna? Pakilala muna kita kay Ate Lala and kay Dad kung nandito sya." tinanguan ko s'ya tapos binuksan ko 'yung gate. 

Pagkatingin ko sa garahe, wala doon 'yung sasakyan ni Dad. Malamang wala siya sa bahay no? Ako dumiretso agad sa laundry area para ilagay 'yung towels. Pero pagbalik ko sa sala, nakita ko siyang nakaupo sa sahig habang nagtatanggal ng sapatos. 

"hmm a man with good manners ha!" sabi ni Ate Lala na hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala.

"Shhhh! Marinig ka nyan nakakahiya." pagbabawal ko sa kanya. Agad naman nilapitan ni Ate Lala si Jerico. Lumapit na rin ako dahil baka kung ano pa 'yung sabihin ni Ate Lala, nako mahirap na.

Nung pagtayo nya, makikipag-shake hands sana si Jerico kay Ate Lala kaso binawi niya rin agad ang kamay. "You must be Ate Lala? Sorry po, humawak kasi ako sa medyas ko." ngingiti-ngiting sabi ni Jerico.

"Ano ka ba! Ok lang iyon basta ikaw!" sabi naman ni Ate Lala na medyo natatawa pa. Mukhang may balak pa ata akong agawan neto kay Jico ah

"Ate Lala, si Jerico nga pala. Kuya Jico si Ate Lala. " sabi ko habang nakatabi ko kay Ate Lala tapos kinukurot-kurot ko ung likod nya. 'Yun, mukha tuloy syang bulate na nagpapacute kay Jico. 

"Nice to meet you Jerico! Finally, nakita na rin kita. Madalas ka kasing ikuweasdlkjdsfo kinam" hindi na natuloy ni Ate Lala 'yung sasabihin niya dahil nilukot ko 'yung bibig niya. Sinasabi ko na nga ba eh.

Nakita ko ung itsura ni Jerico na gustong tumawa pero hindi niya magawa.HAHAH libre naman tumawa para makita ko ung ngiti niya ulit eh ayieeee.

"May gagawin ka ba Jerico? Marami akong niluto eh. Dito ka na kumain!" sabi ni Ate Lala sa kanya sabay hatak kay Jerico. Ugh!!! Di na talaga nahiya tong si Ate.

Shocksss hindi nga ako pumayag kay Jerico na mag-lunch kasama sya tapos si Ate naman ugh!!! Shet! Dapat pala di ko nalang muna niyaya 'to sa loob ng bahay.

"Ate, Kuya Jico. Akyat muna ako saglit ha. Ligo lang akong mabilis tapos kain na tayo. Giniginaw na kasi ako." sabi ko tapos kumaripas na ako ng takbo sa kwarto ko sa taas para maligo. 

I texted  Ate Lala para balaan, baka kasi kung ano pa 'yung sabihin nya kay Jico. Nako ka talaga Lala. Ngunit pababa ko sa kusina, wala na roon si Jerico. 

"May biglang tumawag, narinig ko nalang na sabi ni Jerico mo 'Wait for me. Okay, I'll pick you up. Wait for me there.' At ayon nagmadali na umalis." banggit ni Ate Lala nang maramdaman n'yang hinahanap ko si Jico.

Coffee & StringsWhere stories live. Discover now