CHAPTER 7

19 1 7
                                    

"Oh my god, oh my god, Elle seriously? Ow shet." Nandito kami ngayon sa Archi Shed tapat ng building naming at 'tong si Belle ay naghe-hysterical dahil sa kinuwento ko 'yung nangyari sa sasakyan ni Jerico.

FLASHBACK

"I like you, Elle. I really do." Seryosong sinabi sa akin ni Jerico.

Hindi ako gumagalaw, nagsasalita, o humihinga. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Gusto ko rin naman siya pero ayokong madaliin ang lahat. Noon, pangarap kong mangyari 'tong gantong sitwasyon tuwing nakikita ko s'ya sa school pero hindi ko naman alam na ganto pala 'yung pakiramdam nang may mauunang umamin sa iyo na tao. Ako kasi 'yung unang umamin noon eh.

Nakatitig lang din siya sakin. "Elle, no pressure. I'm also telling you that I'm always here for you. Okay?" I nod.

Hindi ko ineexpect but he kissed my hand. I starred and smiled at him. I'm assuring him that I like him too but in my way. Words and actions hit differently. Gusto kong maramdaman n'ya 'yung gusto kong iparating. Alam kong hindi ko pagsisihan to.

Nauna siyang bumaba at pinagbuksan ako. "Hey! You don't have to do that! I'm Mulan and I'm strong" nakangiti kong sinabi sa kanya and I flexed my muscles kahit payatot lang braso ko.

"Oh let me, I'm Li-Shang and I like you." Natawa naman ako sa sinabi niya. Jerico kotang-kota ka na ha. Baka maihi ako.

"I know, okay? 'Wag mo na ulit-ulitin! Nahihiya ako."

Naglakad na siya papunta sa pinto ng sasakyan niya at tiningnan ulit ako. "Goodnight, Elle."

"Goodnight, Li-Shang."

After ko maligo at makapagpalit ng damit, I checked my phone and I received a Message from Jerico.

"I hope this night made you feel magical."

End of flashback

"Ang lala Belle diba? Feeling ko that night Disney Princess talaga ako." Sabay inom ko ng tubig kasi napakainit ng panahon.

Sinimangutan lang ako ni Belle. Inggit lang 'to kasi wala siyang partner that night. "Gaga, o ano pa nangyari? Sa limang araw na nagdaan 'yun na 'yon?"

"Wala naman gaanong nangyari, nagtetext s'ya casual lang. Nagsabi lang s'yang magiging busy sya this week rin kasi pasahan ata nila ng chapter 3 ng thesis nila kaya hindi ko rin masyadong iniintindi. Tyaka hoy hindi ko pa nga tapos 'yung plates ko." Pagrereklamo ko sa kanya.

Hindi ko alam kung nag-uusap ba 'yung mga prof naming at kung bakit sabay sabay silang magpapasa ng plates hayyy.

"Ako rin naman. Pa-overnight naman sa inyo Elle. Wala akong matatapos sa bahay eh." Sabay dukmo ni Belle. Halatang pagod at puyat.

"Sige para gisingin natin ang isa't-isa. Wag ka na umuwi mamaya, diretso nalang tayo sa bahay. Marami naman akong kasyang damit sayo doon."

Napatingin sa akin bigla si Belle. "Gaga paano panty ko?"

"Tanga wag ka mag-panty mamaya sa bahay, labhan mo muna 'yung suot mo ngayon tapos bukas pagpasok, isuot mo ulit." Suggest ko sa kanya. Galawang girl scout tayo dito mga mars.

Nakakapagod at sobrang puyat na naman ang haharapin namin. Dalawang araw na akong puyat. Kanina nga sa klase ni Sir Austria, nabato ako ng kisses na chocolate. Kainin ko daw para magising naman ako sa klase n'ya.

"Ay palaka!" Parang tumalon 'yung puso ko kasi biglang may umihip sa batok ko.

Nagulat ako sa pag-ihip sa batok ko at sa kung sinong nasa harapan ko ngayon. "Here, eat and drink this." Sabay abot ni Jico ng Gatorade at isang burger.

Coffee & StringsWhere stories live. Discover now