PROLOGUE

59 9 5
                                    

Elle's POV

*calling Kin

Ang aga ata tumawag neto? Laging tawag neto 9am or 10am ahh.  Amoy panis na laway pa ako grabe 6am palang huhu

*answers

"Hmm good morning!!! aga mo tumawag ah." bati ko habang inaayos yung earphones ko.

"ahh yes, meet naman tayo. may sasabihin kasi ako. 9am, saan mo gusto? burger king nalang?" He said.

"ahh ano ba yon? pero sige doon nalang, Bergmann Mall ba?" i asked.

"oo, doon nalang ha, ok sge bangon kana, see you later" ang lambing talaga ng boses nya

"ok see you later,  i love you"

*he  hungs up the phone

Nakakapagtaka yun ah. Pero ok sge baka nagmamadali na rin yon. Di na ako kakain since kakain rin naman kami mamaya. 

Mabilis ako naligo kasi 6:30am na, 1 hour and 30 mins yung byahe tapos mag-aabang pa ako. Simple lang, jeans, white shirt and flat shoes, just a typical girl na gumagala.

To: Kin

"Nakababa na ako, where you at?" 

Habang naglalakad ako sa overpass, nakita ko na sya. He's wearing a white v-neck shirt and a black denim jacket folded in 3/4 then pants and white flat shoes. 

From: Kin

"Dto malapit sa parang tower"

Hindi nya pa ata napapansin na katabi nya na ako, so kinalabit ko sya. "Hi" and smiled at him. Nabigla naman sya nung makita nya ako. "Kanina ka pa ba? sorry and tagal kasi ng bus" sabi ko. Ngumiti lang sya. Ang weird nya ah. "Tara?" sabay alok ng kamay nya. 

"Ano gusto mo kainin?" tanong nya habang nakatingin sa menu sa counter. 

"Chicken Club Salad lang ako. tubig lang drinks ko. i'll pay, hanap lang akong seat" binigay ko wallet ko sa kanya

"No, i'll pay" he said with authority. di na ako kumibo, naghanap na akong upuan. Nakakita na ako, beside the window, perfect for today's weather, hindi maaraw makulimlim lang. 

Dumating na sya dala yung food. Ang cute lang na hawak nya yung tray tapos mukhang suplado, hayssss I'm so inlove with this man.

"kain kana" habang inaayos nya yung pagkain sa harap ko. nakatitig lang ako sa kanya, long eyelashes, makapal na kilay, a few facial hair. 

"huy!" sabay tapik nya sa pisngi ko. "kain na! hindi ako yung pagkain mo" tapos natawa sya. hayss his perfect smile, nakakainggit.

"So ano nga pala yung sasabihin mo, bakit nag-aya kapa kumain dito? ang layo pa, galing kapa Manila" tanong ko sa kanya.

"Ahhh kain muna tayo. gutom na kasi ako" sabay kurot sa pisngi ko.

nakakagutom naman talaga, bukod sa di ako nag-agahan, dinadagdagan pa ng kaba sa sasabihin nya. hindi ko alam kung bakit pero di ako mapakali? pareho lang kaming tahimik kumakain, hindi naman ako ganito pero gahd hello naubos ko pa rin naman yung salad. kikiligin ba ako? ewan HAHAHA.

Tapos na rin syang kumain, nakatitig lang sya sakin, yung parang kinakabisado nya yung bawat parte ng mukha ko. Ako naman tong si gaga todo kilig. Feel na feel teh!

"Ui baka ako naman yung matunaw nyan, ano pala sasabihin mo" i asked him with curiosity talaga.

He looked down. Anong mali? hindi ko nagugustuhan tong feeling na to.

"May problema ba Kin?" ngayon mata sa mata na. Alam ko na yung desisyon nya. Kahit hindi mo na sabihin. alam kong darating sa punto na to.

"Ahh alam ko na, wag mo nang ituloy. alam kong wala akong laban sa kanya, alam kong sya yung pipiliin mo." this time hindi ko kaya. hindi naman siguro masamang umiyak sa harap ng taong mahal mo dba? nasaktan lang naman ako. 

Aalis naba ako o hahayaan ko syang magexplain? 

Pero di ko magawang tumayo. ano ba yung hinihintay ko? 

"Kin, recommended ako sa novitiate, sorry. Sorry kung bibigyan ko ng pansin yung tawag na yun, baka don ko mahanap yung sarili ko. Hindi sa hindi kita mahal, mahal na mahal kita kin." this time umiiyak na rin sya, hahawakan nya sana yung kamay ko pero inalis ko. mahal ko sya pero galit na yung nararamdaman ko sa kanya.

"Mahal mo ako pero iiwan mo lang ako. Ang tanga ko no? Minahal ko yung isang tulad mo. ok na sge. baka time na to para hanapin ko naman yung sarili ko. Thanks sa 3 years na naging masaya tayo." tumayo na ako, hindi ko na sya tiningnan. Basta ang alam ko nalang ay yung sakit na nararamdaman ko. 

Hindi naman to katulad ng mga k-drama na napapanood ko, hindi to yung istorya na hahabulin ako tapos yayakapin ako. Tell me, masama ba ako na hindi na pinatapos yung sasabihin nya? ayoko lang kasing saktan pa yung sarili ko.

Natatakot ako, natatakot ako na baka pag pinatapos ko pa sya, tuluyan nang galit yung mamuo sa puso ko. 

Ang labo ng paligid dahil sa luhang pilit kumakawala sa mata ko. Pero hindi ko kailangan maging tanga, kailangan kong makauwi ng bahay. 

Buti nalang nakasakay na ako ng bus bago bumuhos yung malakas na ulan. 

  "Sorry kung bibigyan ko ng pansin yung tawag na yun, baka don ko mahanap yung sarili ko.  "

  "Sorry kung bibigyan ko ng pansin yung tawag na yun, baka don ko mahanap yung sarili ko. " 

"Sorry kung bibigyan ko ng pansin yung tawag na yun, baka don ko mahanap yung sarili ko. "

"Sorry kung bibigyan ko ng pansin yung tawag na yun, baka don ko mahanap yung sarili ko. " 

Buong byahe ayan yung nasa isip ko. Hindi ako nagkulang eh, lagi naman akong nandyan para sa kanya. Lahat ng oras ko binigay ko, lahat ng pansin lahat lahat binigay ko. Tapos hindi nya nahanap yung sarili nya sakin? Baka nasa bulsa ko nakatago, di kaya? 

Pero kasi pakshet naman, ang unfair eh.  Tapos ako ano? Iiwan nya na lang? mag-madre nalang ako.

Bumaba ako ng bus, pero dinala ako ng mga paa ko sa memorial. Akala ko joke lang, pero totoo pala yung makikita mo nalang yung sarili mo sa lugar na hindi mo naman inaasahang puntahan. Humiga ako sa tabi ng puntod ng mommy ko. Yes, my mom died 3 years ago because of kidney failure. 

"Mame, mali ba ako? sabihin mo naman sakin kung saan ako nagkulang oh, wala kasi akong makausap ngayon eh, busy yung best friend ko eh may pasok na kasi sila. Mabubulok ako ng isang buwan sa bahay mame alam mo yun? August na kasi pasukan eh. Sabi mo sakin dati masakit magmahal, pero di ko expect na ganito pala kasakit yun, hindi ko expect na iiwan ako ng ganun kabilis. kung kasama mo naman si lord mame sabihin mo ibalik nya sakin yung lalaking mahal na mahal ko ah, kahit hindi ngayon, hihintayin ko yung time na yun mame, I miss you mommy, so see you soon naba?" napangiti nalang ako dahil sa tuwing pumupunta ako dito nararamdaman ko parin na nakabantay sakin yung mommy ko.

Umuwi na ako, naligo at itutulog ko nalang to. 

From: Kin

I love you, mag-iingat ka lagi ha. Wag mong pababayaan yung sarili mo. Sana balang araw mapatawad mo ako sa desisyon ko.

Coffee & StringsWhere stories live. Discover now