CHAPTER 8

11 0 0
                                    


"Elle careful madulas."

Inalalayan ako ni Jico paakyat sa may mataas na bato. Sa dinami-rami pa naman ng lugar na napili nya, dito pa sa madulas na to nakakaloka. Paano ba naman kasi para kang naghiking.

"Ano ba naman to, hindi ko naman ineexpect na ganitong lugar tong pupuntahan natin edi sana nag-jogging pants nalang ako." Ang hirap naman kasi umakyat-akyat kapag naka pantalon.

Buti nalang may mga lubid na pwedeng kapitan nako kung wala, kanina pa ako nadausdos pababa eh umaambon pa naman. At super ready naming ni Jico. Wala kaming dalang payong.

"Hey wear this." Pag-abot sa akin ni Jico ng head turban nya.

"No, it's okay. Mainit sa ulo yan eh." tanggi ko at patuloy pa rin sa pag-akyat.

Sa loob ng 15 mins na pag-akyat at pagbaba namin eto, masakit na ang mga paa ko pero hindi ko pinapahalata kasi nakakahiya naman. Ako na nga 'tong nagpumilit na samahan sya magsite visit tapos ako pa 'tong magrereklamo. Pero nawala rin naman ang pagod ko dahil sa nakita ko.

"Huuuuuuy, ang ganda dito! Grabe nakakawala ng pagod!" sabi ko habang nakatitig sa dagat.

"Ay napagod ka na don? Ang ikli ng inakyat natin eh"

Napatingin naman ako sa kanya nang pairap dahil sa sinabi nya. Eh napagod ako eh anong magagawa niya. "Sige na kuya, ikaw na ang malakas ang katawan, ikaw na ang malakas ang baga" inis kong sabi sa kanya.

"Mag-exercise ka kasi!" epal tong si Jico. Anong bang nakain nito kung bakit ang lakas mang-asar ngayon?

Hindi ko nalang siya pinansin at hinubad ko na 'yung rubber shoes ko at nagtampisaw sa dagat. Habang ineenjoy ko ang linaw at lamig ng tubig, busy naman si Jico kumuha ng pictures gamit ang phone nya para sa thesis nya.

"Tapos ka na? Tara dito oh ang saya malamig yung tubig!"

"Wait tanggalin ko lang sapatos ko." At nginitian ako habang magtatanggal syang sapatos.

T-Teka, bakit pati pants hinubad? Naka boxer shorts lang tuloy siyang checkered ngayon at syempre 'yung t-shirt nya. Ang daya!

"Bakit ka nakasibangot diyan?" tanong niya sakin habang busy siya maghilod ng binti niya. Kaloka tong si Jico.

"Ang daya, ako ang effort ko magtaas ng pantalon tapos 'yung sayo hinubad mo lang!"

"Edi hubad mo rin 'yung sayo." At tinawanan niya ako ng malakas.

"Gago!" sabay bato ko sa kanya ng maliit na bato. "So bakit beach resort ang thesis mo at bakit dito?" curious na tanong ko sa kanya.

Umupo sya sa buhanginan at tumingin sa kawalan. "Una, I love beaches, it makes me calm and second, we own this place so napili kong ito nalang para mas mapagaan ang research."

Tama nga naman siya, hindi na siya mahihirapan humingi ng transfer certificate of title, tax declaration, and other legal papers involve. "Wow sa inyo 'to? Grabe payaman. Tropa mo si Cong?"

"Alam mo Elle,sabog ka talaga no?" natatawang sabi niya sakin. "Ikaw, anong balak mo sa thesis mo sa 5th year mo?"

Tinabihan ko na siyang umupo pero I keep my distance mga isang metro. "Balak ko, vertical farming building eh or medicine inclined buildings. Pero ayokong ospital, matrabaho 'yun eh so undecided pa ako."

"Basta if you need help, I'm here." Sabi ni Jico at tumingin ulit sa dagat. "Ok ka na? let's go? Kain tayo, baka bumuhos pa 'tong malakas na ulan mahirap umakyat at bumaba."

"Wear your seatbelt, Elle." Pagpapa-alala ni Jico sa akin.

"Yes po,boss"

Napatingin naman siya sakin "Sige panindigan mo 'yang sinabi mo ah. Alipin kita ngayon."

Coffee & StringsWhere stories live. Discover now