Ngiting Nalusaw

2 0 0
                                    

Nasaan ang matamis na ngiti
Tila biglang nalusaw
Hindi maintindihan ang kanyang nadarama
Isipa'y gulong- gulo.

Sa bawat paglingon niya
Makikita ang ngiting nakapalibot sa kanya
Subalit, hindi niya pa rin magawang ngumiti
O ngiti, bakit ka nalusaw?

Ang lakas ng bulong ng isipan
Pagtibok ng puso'y kay bilis
Gusto niyang huminto
Sobrang bilis, hindi niya mahabol- habol.

Kaya siguro'y ngiti niya ay nalusaw
Naramdaman niya ang kanyang pagkadapa
Akala niya'y malakas siya, isang ngiti
Magiging maayos ang lahat
Pero, nagkamali na naman siya.

Kailangan pala niyang huminto
At hindi lamang ngiti ang katapat
Dahil sa bawat ngiti at tawa niya
May lungkot na kapalit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 02, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SolitudeWhere stories live. Discover now