CHAPTER ONE
". . . goodbye." Ayan ang huling salitang narinig ko mula sa kaniya bago niya ako tuluyang tinalikuran at magsimulang maglakad palayo---sa akin at sa buhay ko.
Nagpakawala na lang ako ng isang malalim na buntonghininga bago kinuha sa bulsa ang isang pakete ng yosi at lighter. Kumuha ako ng isang stick at saka ito sinindihan sabay hithit. Sa unang pagbuga ko ng usok, pilit kong inaalis agad sa isipan ang mga nangyari kanina. Gusto ko na lang itong makalimutan nang tuluyan.
"Ang lalim ng iniisip natin, a."
Muli akong humithit sa yosi ko at saka marahang ibinuga ang usok nito bago ko binalingan iyong nagsalita, 'di kalayuan sa puwesto ko . . . na wala akong ideya kung sa akin niya ba sinabi 'yon at kung ako ba ang kinakausap niya.
Sa pagsasalubong ng aming mga tingin, may kakaiba akong naramdaman---familiarity. Parang pamilyar sa akin ang senaryong ito . . . Itong pagtagtagpo ng aming mga landas.
"Pasindi nga, p're."
Ako nga ang kinakausap niya.
Mabilis ko namang iniabot ang lighter sa kaniya.
"Salamat," aniya pagbigay niya pabalik ng lighter ko matapos niyang sindihan yung yosi niya.
Hindi na siya muling nagsalita pagkatapos kaya itinuon ko na lang ang pansin sa paghithit-buga na ginagawa ko. Iginala ko na lang din ang paningin sa paligid dahil napansin ko na ang unti-unti nang paglubog ng araw at pagsilip ng gabi.
Nagsisimula na naman ang pagyakap ng kadiliman sa paligid.
"Are you afraid to die?"
Hindi ko alam kung bakit pero napangiti na lang ako nang marinig siyang magsalitang muli at bitiwan ang tanong na 'yon. Ang interesting kasi at nakuha nito ang atensyon ko. Muli kong iginala ang paningin sa paligid bago siya binalingan. Hindi siya nakatingin sa akin pero wala namang ibang tao dito bukod sa aming dalawa kaya mukhang ako ang tinatanong niya. O puwede ring sarili niya ang kausap---
"Are you afraid to die?"
Ako nga ang tinatanong niya.
"Hmm . . ." bulong ko at pinag-isipan ang isasagot sa tanong niya. Ilang saglit lang, ang lumabas na sagot sa bibig ko ay, "Life is inevitable." Hindi ko mabasá ang ekspresyon ng mukha niya pero mukhang nakuha ko rin ang atensyon niya kaya itinuloy ko ito at sinabing, "And we have to face and accept the fact that we have to die one day."
"Bakit hindi ka takot mamatay?"
The greatest tragedy in life is not death, but a life without a purpose.
Nang sumagi sa isip ko ang pahayag na 'yon, seryoso ko siyang tiningnan. "Do you know what's your purpose in life?"
"To die," mabilis niyang sagot bago siya humithit sa kaniyang yosi at saka tumayo.
Pinanood ko lang ang bawat kilos niya. Pagkatapos niyang ibuga ang usok, humithit na naman siya saka pinatay ang upos nito sa lupa. Naglakad siya palayo sa akin at nanatili pa rin akong nakatingin sa kaniya. Akala ko aalis na siya bitbit ang pinatay niyang yosi pero huminto na lang siya sa may basurahan at doon ito itinapon. Muli siyang naglakad at bumalik sa puwesto niya kanina---malapit sa tabi ko.
Napailing at napangiti na lang ako sa ginawa niyang iyon. Ang bait namang mamamayang Pilipino nito. Hindi marunong magkalat at nagtatapon pa sa tamang tapunan, isip-isip ko. Dahil tuloy doon ay pasimple kong pinulot yung mga yosi na sa tabi ko lang itinapon kanina at saka ito ibinulsa. Nahiya naman kasi akong magkalat bigla dahil sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Night We Met
General FictionWhen Malcolm recently got out in a relationship, he hasn't really thought of something to do in particular. Grieve? Move on? They're out of the picture, not until he meets Orion whom he lends his hand as they seek the beauty of life together.