Epilogue

338 19 9
                                    

EPILOGUE


"Tapos na?"

Hindi ko mapigilang hindi matawa sa reaksyon niya matapos kong ipabasá yung kuwentong isinulat ko.

"'Yon na 'yon? That's how you really end the story?"

"Bakit, may mali ba sa ending?" maang-maangan kong tanong kahit naintindihan ko naman yung gusto niyang iparating.

"Marami! Bakit sa gano'n lang nagtapos ang gabi nila? Bakit hinayaan lang ni Malcolm na umalis si Orion without confessing his feelings? Tapos hindi man lang ba sila nagkita ulit? Isang gabi lang talaga nangyari ang lahat and . . . that's it?"

"Nagkita pa naman sila ulit."

"Ha? Kailan? Saan? Paano? Akala ko ba ending na talaga 'yon?"

"Kaya nga. Ending ng first book. Nagkita naman kasi ulit sila sa sequel."

"May sequel? Book two? Nasaan? Gusto ko agad mabasá!"

Tinawanan ko siya na siya namang ikinasama niya ng tingin sa akin. "Hindi ko pa nasusulat."

"Seriously? Bakit? Kailan mo pa isusulat? Curious na ako sa susunod na nangyari sa kanila!"

"Soon."

"Mukha ba akong nakikipagbiruan dito?"

"Mukha rin ba akong nagbibiro?" Mas lalo niya lang akong sinamaan ng tingin dahil sa sinabi ko. "Akala mo ba madali lang magsulat?"

"E 'di, ikuwento mo na lang sa akin yung sunod na nangyari. Saan sila nagkita? Paano sila nagkita? Nagkatuluyan ba sila sa huli?"

"Ang dami mo namang tanong."

"Alam mo, akala ko may mamamatay sa kanila dahil na rin sa mga foreshadowing kaya inihanda ko na ang puso ko. Pero mas masakit pa pala yung nangyari," tuloy-tuloy na sabi niya. "Hindi mo man lang sila binigyan ng chance dalawa. Ang lungkot kaya na naghiwalay na lang sila ng gano'n!"

"Sige na, ikukuwento ko na yung sunod na nangyari para matigil ka na diyan."

"OMG! Okay, I'm listening."

"Bale, ayon nga . . . they've met again. When the night is over---"

"Welcome to Love You A Latte!"

Hindi ko na natapos yung sinasabi ko dahil sa pagsigaw nung isang barista sa mukhang kapapasok lang na customer.

Pagsilip ko sa direksyon nito, sa pagsasalubong ng aming mga tingin, may iba akong naramdaman---familiarity.

"Orion," mahinang bulong ko sa sarili nang makita ang kabuuan ng kaniyang mukha.

At nagkita nga talaga kaming muli.


THE END

The Night We MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon