CHAPTER THREE
Saglit lang ang naging biyahe namin dahil nakakita kami agad nang pinakamalapit na KTV bar mula sa bulaluhan na kinainan namin. Dumiretso na rin ako sa may bakanteng parking space at doon nag-park. Pagkatapos ay saka ko tinanggal ang aking helmet at binalingan ang istablisyementong nasa harapan ko.
"Bakit dito táyo nagpunta?"
"May nakapagsabi kasi sa akin na isa raw ang pagkanta sa daan para mailabas mo yung mga emosyong pilit mong pinipigilang makawala sa loob-loob mo."
"Talaga?"
"Oo. Kaya bago táyo pumunta sa goal nating maging masaya, kailangan muna nating ilabas lahat ng emosyon natin na pumipigil para maging masaya táyo. Gets?"
"Sino na naman pala ang nagsabi niyan?"
Nilingon ko siya bago ako nagkibit-balikat sabay sabing, "Narinig ko lang."
Hindi ko na hinintay pa ang reaksyon niya at inaya ko na siya sa loob kung saan ang bumungad sa amin ay mga ngiting-ngiti na staff na nasa reception area. Naramdaman ko agad ang positive energy nila kaya hindi ko mapigilang mapangiti rin.
"Good evening, mga sir!" masiglang bati sa amin nung isa sa kanila. Si Orion na ang nag-good evening pabalik habang ako naman ang nagtanong sa kanila kung may available pa ba silang KTV room. "Pang-ilang tao po ba, sir?"
"Para sa aming dalawa lang."
"Mag-a-avail po ba kayo ng extra service?"
Itatanong ko pa lang sana kung ano yung extra service na sinasabi niya nang may biglang panibagong mga customer na pumasok. Mukha pang madalas ang mga ito dito dahil dire-diretso lang sila at agad ding in-accommodate ng ibang staff.
"Sir?"
"Soundproofed naman iyong mga kuwarto dito, 'no?" nag-aalala kong tanong dahil hindi ko kakayanin ang kahihiyan kung may makakarinig ng boses ko habang kumakanta.
"Yes, sir! Hundred percent soundproofed po ang bawat kuwarto namin dito!" aniya sabay abot ng susi sa akin. "Sa room number zero-two-six na lang po. Enjoy!"
Nginitian ko lang siya at mabilis na nagpasalamat bago ko binalingan si Orion na mukhang hindi pa tapos sa pag-check ng paligid dahil patuloy pa rin ang kaniyang paglinga-linga. Kinailangan ko pa siyang sikuhin para makuha ang atensyon niya. "Tara na."
Sabay na kaming naglakad patungo sa designated room namin.
KTV Room 026.
"I have a weird feeling on this place," pagsasalita niya nang tuluyan na kaming makapasok sa loob. Agad siyang naupo sa may sofa at diretso akong tinitigan. "Hindi ko lang ma-explain kung ano pero hindi maganda pakiramdam ko dito, e."
"First time mo, 'no?" Mabilis naman siyang tumango bilang tugon. "Relax ka lang. Kakanta lang naman táyo dito---well, ikaw lang pala. Pangit kasi boses ko."
"Sa tingin mo ba papayag akong kakanta ako tapos ikaw hindi? E, ikaw kaya nagdala sa akin dito kaya dapat ka ring kumanta, 'no."
Nagkibit-balikat na lang ako. "Basta walang sisihan kapag bumagyo, a."
Napailing na lang siya habang nakangiti at saka kinuha ang songbook na nasa lamesa. "Ay, nga pala. Ano gusto mong kainin? Nasilip ko yung menu nila, mukhang masasarap naman ang mga sini-serve nilang pagkain dito."
"Kakakain lang natin, a," kunot-noo kong sagot. "Hindi ka pa rin ba nabusog doon sa bulalo?"
"Syempre yung hindi mabigat sa tiyan ang o-order-in natin. Katulad nung tteokbokki."
BINABASA MO ANG
The Night We Met
General FictionWhen Malcolm recently got out in a relationship, he hasn't really thought of something to do in particular. Grieve? Move on? They're out of the picture, not until he meets Orion whom he lends his hand as they seek the beauty of life together.