𝚌𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 10

346 14 2
                                    

Nagising ako sa lakas ng ulan, 6 am na ng umaga pero ang dilim parin sa labas

I checked my phone at nakita kong nagmessage sakin si Daddy. Buti pa ang daddy ko updated sa mga bagyo dito sa Pilipinas , he said na may super typhoon daw ngayon at mag ingat ako. He also ask kung nakabili na ba ako ng sasakyan.

I checked our school paper at sinabing walang pasok dahil na nga sa bagyo.

Pumunta ako sa kusina para mag timpla ng kape ng tumawag si Hendrix. I don't know pero bumilis ang tibok ng puso ko. What the heck Kristina!

I answered his call pero walang sumasagot.

hey Hendrix?

Oy sumagot ka nga!

Bakit tumatawag ka?

namatay yon kaya tinext ko siya, ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa din siyang reply.

I called him dahil di siya sumasagot.

hey Hendrix are you okay?

hmmm

what happen?

I think i'm sick, his voice was husky

I end the call at chinat siya na isend saken ang location ng bahay niya. Pumunta muna ako sa malapit na mall para bilhan siya ng pagkain at gamot.

Umuulan sa labas kaya nabasa ang suot kong damit. I just grab taxi papunta sa Village nila. It's a very huge Village halatang mga mayayaman lang ang pweding tumira. Hinanap ko ang sinabing bahay ni Hendrix, nagtanong ako sa security guard don at agad naman nila yung tinuro ng sabihin ko ang pilido niyang Natividad.

I chat Hendrix na nandito na ako. Pero hindi na siya sumagot. Malamig na din dito sa labas kaya pumasok na ako mag isa.

Nakita ko ang kabuan ng bahay, modern type ito at two story house. Ang kulay ng pintura ay naglalaro lang sa Ash gray, white at black.

Hendrix? i said pero walang sumasagot

pumunta ako sa second floor at nakita ko ang isang kwarto na nakabukas

Binuksan ko yon at nakita ko si Hendrix na nakabalot sa kumot. Dinampi ko ang kamay ko sa noo niya at sobrang init na niya.

I immediately get a towel at binabad yon sa tubig. Pinatay ko rin ang aircon niya dahil sa sobrang lamig.

Hendrix are you okay now? i ask habang pinupunasan ang mukha niya ng basang towel.

hindi siya sumasagot kaya hinayaan ko nalang muna siya at pinagpahinga.

kinuha ko ang mga pinamili kong pagkain at nagluto, I check his refrigerator pero puro mga can goods at alak lang ang nandoon.

Ano ba namang lalake to? Mag isa lang ba siya sa napaka laking bahay na to. Nakita koring maayos ang bahay pero parang walang masyadong tumitira. Parang ang lungkot ng dating.

I cook Chiken soup dahil naalala ko si daddy na the best daw ito lalo na sa mga may sakit. Nagtimpla din ako ng tea para sa kaniya at pinaghiwa siya ng mansanas.

Dinala ko yon sa kwarto niya at nakita kong gising na siya.

Kumain kana, alok ko kay Hendrix

umupo naman siya sa pagkakahiga at kinuha ang bowl na binigay ko. Nakita ko pang nahihirapan siya kaya nagprisinta akong subuan ko siya.

Nagpaulan ka ba? Bakit nagkasakit ka? tanong ko

The ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon