𝚌𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 15

323 11 6
                                    

Maaga akong nagising at nag ayos. Nagluto din ako para kay Hendrix at ibibigay ko yun sa kaniya sa rooftop.

Pagpasok ko ng room, naging boring lang ang class dahil puro activity lang. Nag scroll lang ako sa instagram at tinitingnan ang mga post ng mga finafollow ko. I even saw Tyler's post na nakangiti at naka upo sa isang coffee shop. Hindi ko parin maintindihan kung bakit sila nagbreak ni Sophia.

@tinaxxx: Musta ?

Hindi siya online kaya hindi siya nagreply, Pagkatapos ng klase pumunta na agad ako sa rooftop dahil excited ako.

Matagal narin kaming hindi pumupunta dito ni Hendrix dahil naging busy kami sa mga club at siya naman sa training niya.

Maaga pa naman kaya naghintay lang ako don.

Wow ang aga ha? i heard Hendrix habang sinasara ang pinto

Syempre ikaw lang naman tong late! irap ko sa kaniya

Sus miss mo ko no? tawa niya habang inakbayan ako

tiningnan ko ang kamay at inalis yon

Attitude ka na ha, sambit niya at ngumiti ng makita niya kong inirapan ko siya.

Tss ampanget mo! wag kang tumawa dyan! pagtataray ko sa kaniya

Miss ko yan! yung pagtataray mo! sambit niya

Lol ako mamimiss mo? ulul

Baket totoo naman eh! miss na kita

Miss mo na akong paglaruan, mahina kong sabi

Ano?

wala po Mayor! kumain ka na dyan may niluto ako, sigaw ko sa kaniya at binigay naman sa kaniya yung isang lunch box

kumain lang kame at tahimik. Nagluto lang ako ng Fried rice at Adobo tapos naglagay lang ako ng isang saging don.

Diba may sasabihin ka? tanong ni Hendrix

tumango lang ako

Tapusin muna naten to bago ko sabihin, nakita kong binilisan naman niya ang pagkain at binagalan ang huling subo at pinakita pa sa akin kaya binatukan ko siya.

Inayos ko lang ang pinagkainan namin at linagay sa isang plastic.

Ikaw Hendrix wala kabang sasabihin? tanong ko sa kaniya

Wala naman, at tumingin sa akin

Pagsinabi ko to sana wag magbago pakikitungo mo sa akin ha! banta ko sa kaniya

Luh bakit? tomboy kanaba?

binatukan ko siya at masama siyang tiningnan

Umayos ka nga Hendrix , seryoso kase ako!

tumawa lang siya at inayos ang upo niya

Osige na anuyon?

Hindi ko alam kung ganito rin ba ang nararamdaman mo pero sana kahit sabihin ko to ay walang magbabago. Kase masyado na akong naguguluhan Hendrix at di ko na kayang sarilihan lang

seryoso naman siyang nakatingin sa akin at hinihintay akong magsalita

Hendrix, i stop

nakatitig siya sa akin

What? ituloy mona Kristina—

IthinkIalreadyloveyou! mabilis kong sabi na nagpahinto sa kaniya

The ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon