"And above all, watch with glittering eyes the whole world around you because the secrets are hidden on the most unlikely places. Those who don't believe in magic will never find it."
- Roald Dahl
---
Irina's POV
Hinila niya ako at nakarating kami sa isang pader.
Pader?
Anong gagawin namin sa harap ng malaking pader na'to?
"Uhm, excuse me Mr. Cliff. Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko sa lalaking 'to.
Hindi ako dapat nagtitiwala sa lalaking' to dahil hindi ko siya kilala pero hindi naman ako nakakaramdam ng pangamba na baka patayin niya ako. Mukha naman siyang mabait at disenteng tao.
Nilingon niya ko saglit at ibinalik ulit ang tingin niya sa pader.
"Hunter's Cove." tipid na sagot niya.
Hunter's Cove? Saan naman kaya yun? At pano kami makakarating don kung tatayo lang kami sa harap ng pader na' to?
"Saan naman yun? Pano tayo makakarating doon?" tanong ko ulit sakanya.
Hindi siya sumagot bagkus ay nagpipindot siya ng mga blocks sa pader.
Okay? Ano bang ginagawa nito?
Tinitigan ko lang siya sa ginagawa niya. Parang combination ng numbers or letters ang pinipindot niya sa pader. Pero wala namang nakadisplay na kahit ano doon.
Ilang sandali pa, biglang gumalaw ang mga blocks at unti-unti itong humawi na parang kurtina at iniluwa nito sa harapan ko ang isang busy at mataong eskinita.
Nanlaki ang mga mata ko.
"WOAHH!! P-paano mo nagawa yon?" puno ng pagkamanghang tanong ko.
Napatawa lang siya sa inasal ko.
"This is Trapper's Alley. Everything you needed, everything you desire, you can seek for that in here." sagot niya.
Iginala ko ang paningin ko sa buong paligid. Para itong isang lumang village market. Ang mga buildings ay antique at kakaiba ang mga bagay na itinitinda nila sa pamilihang ito. Ang mga tao ay busyng namimili ng mga kailangan nila at nakasuot ng kanya-kanyang cloak in different dark shade of color. Mayroong black gaya ng suot ni Raziel, may brown, dark blue at meron ding maroon.
Iba't ibang klaseng shops ang nakatayo dito. May mga restaurants, boutique shops, barber shops, merchandise shops at kung anu-ano pa. Pero iisa lang ang masasabi ko sa mga nakikita ko.
This place is completely different.
" TABI! "
Agad na nanlaki ang mata ko at napakapit kay Raziel ng biglang may isang hindi pangkaraniwang nilalang ang bumulaga sa harapan namin.
Isang nilalang na mga kalahati lang ng hita ko kalaki. Kulay berde at may mahahaba at patulis na tenga at may malalaking mata.
"What the hell is that?" I disturbingly asked.
"Those are goblins." sagot niya.
Napabitaw naman ako sakanya.
"Goblins?" takang tanong ko.
Papaanong nagkaroon ng mga ganong nilalang dito? Tapos nagsasalita pa? Jusko nakakaloka na'to kelangan ko na atang iuntog ang ulo ko sa isa sa mga pader dito.
"Yes. Here, goblins are considered as friends that can help you and creatures which you can put your trust on. But sometimes, goblins are clever. They want nothing but gold as an exchange for their works." pagpapaliwanag niya.
YOU ARE READING
I Fell Inlove with the Devil
FantasyI could feel my sweat dripping out of my forehead. My heart was racing fast inside my chest. The blood was pulsing fast and hot through my veins. It's killing me as hell. Kill him. Love him. Die. Can you love someone who was killing you? Or can you...