Panimula

250 18 0
                                    

I couldn't explained how much happiness I'm feeling right now. Hindi ko lubos maisip na darating ang araw na ito. Kung saan kompleto ang mga pamilya, kaibigan at ilang kaanak sa masayang araw na ito.

"Dha, congrats sa'yo." Napangiti ako sa babaeng bumati sa akin.

"Thanks heart!"

We both hugged each other.

"Ang ganda mo ngayon girl! You're so beautiful with your wedding gown."

"You too my maid of honor." Nagyakapan pa kami ng ilang saglit at maya-maya lamang ay pareho na kaming naluluha.

Today is one of my most awaited day. It's my wedding with my long time boyfriend.

Zack Dawn, my man, my bestfriend, my lover, and my fiance. He was the most gorgeous man I've ever met. Caring and loving boyfriend. Sweet and gentleman. Halos nasa kanya na ang lahat at wala na akong mahihilang pa. He always put me first before anything else. I'm his first priority.

"Ilang oras na lang Dha, ikakasal ka na." She was holding my hands while looking at me in the eyes. Happiness is all over in her eyes. She was happy for me.

"Kinakabahan nga ako Heart. Hindi ko alam kung normal pa ba 'to. Feeling ko kasi may hindi magandang mangyayari."

"Ano ka ba naman, Dhara! Huwag kang mag isip ng kung ano-ano."

"Iba kasi 'yong kabang nararamdaman ko Heart."

"Paanong kakaiba ba? Normal lang naman ang kabahan ka ngayon."

"Basta! Feeling ko talaga may hindi magandang mangyayari eh." It's true. Kinakabahan talaga ako sa 'di malamang dahilan.

"Tulad ng ano? Tulad ng 'di pagsipot ng fiance mo o baka may pumigil sa kasal niyo at sabihing buntis siya?" Napakagat ako sa labi dahil sa sinabi niya. Mas lalong naramdaman ko ang kaba.

Gusto ko mang tawagan or itext si Zack ay paniguradong naghahanda na rin 'yon at kinakabahan kagaya ko.

"Huwag mo ng isipin 'yon. Ang mabuti pa magpicture na lang tayo." Napangiti ako sa sinabi niya.

Heart is my bestfriend ever since. We were classmates sine high school and from then on till now ay magkasama pa rin kami. She's like my sister that I couldn't have and she's my everything aside sa fiance ko na papakasalan ko ngayon.

Ilang saglit ay pumasok ang ilang bridesmaid ko na siyang mga kaibigan ko. Halo-halo kaming magkakabarkada. Some of theme were my classmates in high school and some were from my college. Nagclick kaming lahat simula ng magsama-sama kami no'ng college.

Ilang groupies and selfies pa ang ginawa namin bago muling bumukas ang pinto ng suit ko at iniluwa no'n ang wedding coordinator ko. Tinawag niya ang mga bridesmaids at maid of honor ko dahil kailangan na mas mauna sila sa venue.

Pumasok muli ang make up artists ko at bahagya akong ni-retouch.

"You're really beautiful miss Dhara, for sure mas lalong maiinlove sa'yo si sir Zack." Napangit ako sa sinabi niya at hinayaan siyang ayusin ang mga dapat ayusin.

Ilang minuto ang lumipas at muling bumukas ang pinto. It's my wedding coordinator again.

"It's time miss Dhara."

Tumayo ako at inalalayan ng stylist ko ang suot kong wedding gown. It's from my favorite stylists, she made sure na masusunod ang gusto kong gown. Isang mahabang ball wedding ball gown ang suot ko. Hapit iyon sa bandang itaas kaya't mas lalong nadepina ang hubog ng aking dibdib. Naguumapaw iyon na halos lumuwa sa kasikipan. Thou' I didn't find it uncomfortable but it's actually good and more comfortable for me.

Broken HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon